Mav Gonzales, Oscar Oida reveal valuable advice from Jessica Soho

by Rose Garcia
Feb 16, 2021
Mav Gonzales and Oscar Oida, anchors of GMA News and Public Affairs new program On Record, talk about being reporters in the time of social media and pandemic.
PHOTO/S: PR

Ang "don't shoot the messenger" ay hindi uso sa mga walang pasintabing bashers.

Maging ang mga GMA-7 reporters gaya nina Oscar Oida at Mav Gonzales ay tumatanggap ng kritisismo online at pinaparatangang "enabler."

Isa ito sa mga naging topics sa virtual media interview ng dalawa noong February 11, 2021. Humarap sila sa press para ilunsad ang bago nilang programa, On Record, na magsisimula ngayong February 16, 11:30 ng gabi.

Panimula ni Mav, “Siguro ako, during war on drugs. Iyon talaga ang pinaka-vile na comment online. Nakakatanggap ako ng threats na, 'Sana, maging ganito ka paglabas mo ng bahay, sana ma-rape ka…'

“I think, noong bata po akong reporter, naaapektuhan ako. Siyempre, sino ang hindi maapektuhan?

"And my parents, sila talaga ang pinaka-naapektuhan to the point na gusto nila, mag-resign [ako].

“Kasi parang, 'Ano ba iyan, inalagaan ka namin ng twenty-plus years only [for you] to get online threats.'

"Pero ako po, lumaking malakas ang loob so parang, 'Bahala kayo diyan. Wala naman akong ginagawang masama sa trabaho...'

Continue reading below ↓

“And kung meron man talagang constructive comment na makukuha online, I tried to respond.”

Ang payo sa kanya ng multi-awarded broadcaster na si Jessica Soho ay, "Huwag na kayong magbasa online, kasi sasama lang ang loob niyo."

Sabi naman ni Oscar, “Ang importante, as long as alam mo ang ginagawa mo ay tama and sa kabila noon, may ganyan pa rin, may bashing pa rin, okay lang. At least, nagawa mo iyong tingin mo ay tama.

"Ang mahirap niyan kung maski ikaw, hindi ka naniniwala na tama ang ginagawa mo. For as long as you know what you’re doing, malinis ang konsensiya mo at, sabi nga nila, nakakatulog ka nang mahimbing sa gabi, okay lang iyan.”

Aminado naman ito na mapagbasa raw siya ng comments ng mga netizens.

“Pero pinaghuhugutan ko ng inspirasyon,” saad niya.

“Kung may mga bashers na hindi maiiwasan, pakita mo sa kanila ang kagandahang-loob, baka magbago ang pananaw nila sa buhay.”

Continue reading below ↓

MAV AND OSCAR'S BIG BREAK

Regular na napapanood ng mga Kapuso viewers si Oscar sa 24 Oras, Unang Balita, at Brigada.

Masaya siya sa bagong oportunidad na ibinigay sa kanya ng network, pero hindi rin matatawaran ang mga karanasan niya bilang reporter.

Gaya ni Jessica, gusto niyang magpatuloy pa rin sa field reporting kahit na anchor na siya ng isang show.

Pahayag ni Oscar, “Sa akin, more than the evolution, I see it as a blessing and opportunity.

"Ang tinahak nating karera ay sa reporter. Sabi nga ni Ma’am Jess [Jessica Soho], 'once a reporter, always a reporter.'

“Ang end goal po is reporter ka pa rin kahit na anong mangyari, not necessarily magiging anchor ka or komentarista. It’s another blessing, it’s a bonus.”

Sabi pa niya, “Palagi ko ngang sinasabi, ito ay isang opportunity na maituturing. Ang GMA News and Public Affairs, hitik sa mga taong talented at deserving.

Continue reading below ↓

“Kung deserving lang, napakaraming deserving. So para mabigyan ka ng pagkakataon na kagaya nito, e, talaga namang blessing na maituturing. Kailangang yakapin, kailangang pagyamanin. Kailangang ipakita mo sa lahat na hindi sila nagkamali ng pagpili.

“So para sa akin, ito ay opportunity and blessing, and I’m confident na after more than two decades sa GMA, hindi ko kayo pahihiyain.”

Si Mav naman ay madalas napapanood bilang reporter at anchor sa 24 Oras Weekend, 24 Oras News Alert, at News TV Live, kung kaya't hindi na bago sa kanya ang maging host.

Paglalahad ng 31-year-old TV personality sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, noong bata po ako, nag-host ako ng Chikiting Patrol, sa GMA-7 rin. Sabi ko, dito ako lumaki sa ganitong klase na magho-host ka ng educational/magazine show at sa GMA din po iyon, noong bata ako.”

Kahit na matagal na siya sa Kapuso network ay ngayon pa lang siya nabigyan ng oportunidad na maging host ng isang show.

Continue reading below ↓

Aniya, “Nagsimula ako sa GMA, 1998. Kaya sabi ko nga po sa kanila, sobrang nakakatuwa dahil naging news reporter ako, hindi ko na nagagawa iyong mga ganito. More on hard news ang kino-cover ko.

"Pero dahil sa On Record, magkakaroon ulit ako ng chance na makapag-host at makapag-cover ng more good vibes.

“Alam naman natin sa news, medyo mas bad vibes ang kino-cover kaya breath of fresh air rin ito and, at the same time, it’s going back to my roots when I was a child. So, nag-e-enjoy po ako.”

MAV GONZALES AND OSCAR OIDA ON RECORD

Sino ang nakikita nilang target viewers ng kanilang programa?

“When I heard the concept of the show, ang naisip ko talaga, mas iyong mga generation ko,” sabi ni Mav.

“Mas Gen-Z, more on millennials. Ito iyong mga social-media savvy. We’re a generation that shares everything on social media.

“So I was thinking na dahil nga mga viral stories, viral videos iyong talagang gusto naming i-feature sa On Record, sila talaga iyong intended [audience] for this, if you’ll ask me."

Continue reading below ↓

Pero dahil sa pandemya, tingin ni Mav ay mas malawak ang audience na makukuha ng bagong programa.

Sa pagpapatuloy niya, "But then, since lahat naman nasa bahay ngayon, naka-lockdown pa rin tayo, I think, with all the anxiety, with all the negativities na meron tayo ngayon, this would also cater to everyone who’s at home and looking for something good out of the pandemic.

“So feeling ko, kapag napanood niyo po ang pilot episode, it will tug at the heart of anyone who will watch it. Walang particular sector or age na para rito lang.”

Sang-ayon ang 45-year-old veteran reporter sa sinabi ng kanyang partner.

“Bawat isa ay nangangailangan ng inspirasyon, bawat isa nangangailangan ng dahilan to move on, and bawat isa ay nangangailangan ng tamang impormasyon.

“So, On Record, para sa lahat ito. Hindi lang para sa generation namin ni Mav,” biro niya.

Ang layunin nga raw ng programa ay makapagbigay ng inspirasyon, lalo na sa sitwasyon ngayon.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Oscar, “Ang On Record ay pinakabagong programa ng GMA News and Public Affairs na magkukuwento ng mga impormasyon sa likod ng eye-catching video at litrato.

"Alam naman natin na sa panahon ngayon, very important na malaman natin ang mga kuwento sa kabila ng mga imahe ng mga visuals. Kadalasan, may mga kababayan tayo na madaling mag-komento o mag-judge, base lang sa nakikita nila.

“At dahil nga panahon ng pandemya, importante na naghahatid tayo ng inspirasyon, konting ngiti, konting saya dahil nga marami tayong kababayan na medyo pinanghihinaan na ng loob, nawawalan ng paghuhugutan ng pag-asa.

"And, hopefully, ito na iyon, iyong program ana maghahatid ng mas maraming pag-asa at inspirasyon.”

Dagdag ni Mav, “Alam naman po natin na this is under GMA News and Public Affairs kaya meron din pong public service iyong show. Hindi lang siya puro good vibes, kuwento ko kung ano iyong story behind the pictures, the videos. But we try to also offer private help doon sa public na kino-cover namin.

Continue reading below ↓

“Meron din konting action kasi, hindi lang po kami para maghatid ng inspirasyon to make people feel good, but to really call them to action na, 'Uy, may pandemya ngayon, tumulong ka in what little way you can, like these people na pini-feature namin On Record.'”

Sino ang mga Kapuso stars na gusto nilang mai-feature sa On Record?

Pareho nilang binanggit na makakapaghatid ng good vibes o inspirasyon sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Alden Richards, at Marian Rivera, na noong pandemya ay talagang nakikita nilang tumutulong.

Dugtong pa ni Oscar, “Iyong hindi artista, kasamahan natin, si Kara David. Namumundok iyan, umaakyat at naghahatid ng tulong, walang kasamang crew iyan.

“Sa kanyang bakasyon, sa kanyang leave, ginagawa niya iyan. Naghahatid siya ng mga reading materials, school supplies sa mga bata na outside her show. Ginagawa niya talaga iyan.”

MAV AND OSCAR ON THEIR EXPERIENCE AS FRONTLINERS

Bilang mga reporter at tagapaghatid ng mga balita, maituturing din silang mga frontliners.

Continue reading below ↓

Kung sakali at matapos na ang pinagdadaanang pandemya ngayon, ano kaya ang magsisilbing “on record” nila?

“Sige, ako na first,” sabi ni Mav.

“Siguro ako, may good and bad, e. Magkakonekta sila. Iyong una, in a blink of an eye, puwedeng mawala sa iyo. Who would have thought na magkakaroon ng ganito? Magsasara lahat ng bagay. Mawawalan ka ng trabaho.

“Ako po kasi, over the pandemic, nawala iyong Balitanghali news, which I was [the show's] anchor. So that blessing was taken away, bigla-bigla. But at the same time, dahil sa pandemic, hindi rin natin alam na may binubuksang ibang door si Lord for us.

“For me, it was this, itong On Record na hindi ko nga alam na may niluluto palang bagong show ang GMA and much less na kino-consider pala ako para doon.

"For me, I guess, what I learned is, kung ano man ang mga frustration natin ngayon, God can turn it around in a second. So huwag tayong mawawalan ng pag-asa. At matatapos at matatapos din itong pinagdadaanan natin.”

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Oscar, “Over the course, itong pandemya, maraming naituro sa akin. Pero ako siguro, more than anything, iyong family time.

“Iyong pagiging journalist ko with GMA-7, palagi akong on the go, palagi akong nasa labas. Palagi kang somewhere. Pero itong pandemya gave me an opportunity na makasama iyong mga tao that matter most. It’s a blessing, in a way, dahil nagkaroon ako ng opportunity.

“May mga bagay, may mga tao na nakakalimutan natin dahil sa hectic ng mga schedules. Pero itong pandemya na ito, tinuruan tayo na i-value ang mga tao at mga bagay na dapat bina-value.”

Dugtong pa niya, “Katulad ng trabaho, maraming tao ang nawalan ng trabaho during the pandemic. Pero ito, patuloy tayong binibigyan ng trabaho kaya kailangan nating gampanan nang buong-buo at tapat.

"Kaya huwag nating palalampasin, sasayangin ang opportunity na dumarating sa ating buhay.”

Si Oscar ay kasal kay MJ Marfori, isang reporter mula sa TV5. Mayroon silang isang taong gulang na anak na si Aerin.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mav Gonzales and Oscar Oida, anchors of GMA News and Public Affairs new program On Record, talk about being reporters in the time of social media and pandemic.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results