Hollywood actress Tia Carrere wants to watch Iza Calzado’s series; Kapamilya actress goes “OMG!”

by Jet Hitosis
Feb 17, 2021
Tia Carrere Iza Calzado Ang Iyo Ay Akin
Hollywood actress Tia Carrere (left) to Kapamilya actress Iza Calzado (right) after watching the teaser video of the latter's Ang Sa Iyo Ay Akin series: "Can I see this on YouTube in US? Looks so fun!"
PHOTO/S: @tiacarrere, @missizacalzado on Instagram

Nagpaka-fangirl nang wala sa oras si Iza Calzado matapos sabihin ng Hollywood actress-singer na si Tia Carrere na “looks so fun” ang Kapamilya series niyang Ang Sa Iyo Ay Akin.

Dahil dito, tinanong ni Tia, 54, si Iza, 38, kung paano nito mapapanood ang Ang Sa Iyo Ay Akin mula sa Amerika.

May dugong Pinoy ang Hawaii-born veteran actress at two-time Grammy winner na si Tia.

Napanood siya sa classic Hollywood films na Rising Sun (1993) kasama si Sean Connery at True Lies (1994) ni Arnold Schwarzenegger.

Si Tia ang nagboses kay Nani Pelekai, ang nakatatandang kapatid at guardian ni Lilo, sa Disney franchise na Lilo & Stitch.

Noong nakaraang taon, napanood si Tia bilang si Lady Danger sa Netflix series na AJ and the Queen ni RuPaul.

Taong 2015 nang nagkatrabaho sina Tia at Iza sa international action film na Showdown Manila, na idinirek ng American director-martial artist na si Mark Dacascos.

Continue reading below ↓

MOST VIEWED SERIES

Si Iza ay isa sa mga bida sa Ang Sa Iyo Ay Akin, na tinatampukan din nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, at Maricel Soriano.

Nitong Biyernes, ipinost ni Iza sa Instagram ang teaser video ng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Sa caption na isinulat niya sa Taglish, nagpasalamat si Iza sa kanyang 1.6 million Instagram followers dahil araw-araw ay may “more than 1 million views” ang serye sa YouTube.

Bukod doon, “consistent number 1” din daw ang Ang Sa Iyo Ay Akin sa ABS-CBN streaming platform na iWantTFC sa nakalipas na mahigit 20 linggo.

“Damang-dama namin ang pagmamahal niyo,” sabi pa ni Iza. “Maraming maraming salamat po!”

Continue reading below ↓

TIA: “CAN I SEE THIS ON YOUTUBE IN US?”

Maraming Instagram followers ni Iza ang bumati sa kanya dahil sa tagumpay ng Kapamilya series.

Pero si Tia, nagpahayag ng interes na panoorin ang Ang Sa Iyo Ay Akin.

Tinanong ni Tia si Iza kung pupwede bang mapanood ang Ang Sa Iyo Ay Akin sa YouTube mula sa Amerika.

Sa Los Angeles, California nakabase ang Hollywood actress.

Comment ni Tia (published as is): “Can I see this on YouTube in US? Looks so fun!”

Hindi naman maipagkakaila ang gulat ni Iza sa naging reply niya kay Tia.

Napa-“OMG!” ang Kapamilya actress sa Hollywood star na dating nakatrabaho.

Mistulang nataranta pa si Iza kung paano sasagutin ang tanong ni Tia, na interesadong mapanood ang kanyang teleserye.

Sa katunayan, nabanggit pa ni Iza na posibleng mabigyan ng iWantTFC ng libreng subscription si Tia.

IZA: “THE TIA CARRERE WANTS TO WATCH”

Sagot ni Iza kay Tia: “OMG! You are the best!

Continue reading below ↓

“Wait let me ask How.

“I think you can Watch thru the @iwanttfc app.

“Ummmm maybe they can send you free subscription.

“Guyssssss THE Tia Carrere wants to watch.

“Love you mucho! [heart emoji]”

Tia Carrere, Iza Calzado comment exchange about Ang Iyo Ay Akin

Isang fan ni Iza na nakabase sa Canada ang nagbigay ng suggestion kay Tia kung paano nito mapapanood ang Ang Sa Iyo Ay Akin sa North America.

Continue reading below ↓

Ang isang netizen, hinimok ang American actress na “just sign up” sa iWantTFC app, dahil mayroon daw doong “free episodes daily” para sa subscribers.

TFC subscribers suggestion to Tia Carrere

WORKING WITH TIA carrere “A DREAM COME TRUE” FOR IZA calzado

Noong makatrabaho ni Iza si Tia sa Showdown Manila, aminado ang una na “starstruck” siya sa Hollywood actress.

Continue reading below ↓

“I was so starstruck! It was so much fun on the set and getting to bond with Tia Carrere was like a dream come true,” sinabi ni Iza sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 22, 2015.

Tia Carrere, Iza Calzado in Showdown ManilaTia, Mark, and Iza

“Growing up, she was this beautiful, exotic Filipino that we all knew about.

Continue reading below ↓

“We are so proud of Tia, watching her in the Hollywood big screen; and now we exchange messages so that’s so awesome,” sinabi noon ni Iza.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hollywood actress Tia Carrere (left) to Kapamilya actress Iza Calzado (right) after watching the teaser video of the latter's Ang Sa Iyo Ay Akin series: "Can I see this on YouTube in US? Looks so fun!"
PHOTO/S: @tiacarrere, @missizacalzado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results