Willie Revillame recalls humble beginnings as Randy Santiago’s sidekick

by Arniel C. Serato
Feb 17, 2021
Willie Revillame Randy Santiago reunion
In the February 16 episode of Wowowin: Tutok To Win, Willie Revillame (left) and Randy Santiago talk about their friendship that started in 1984.
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube

Nagbalik-tanaw si Willie Revillame sa pagiging sidekick niya noon kay Randy Santiago.

Si Randy ang isa sa pinakasikat na singer noong mid-'80s hanggang early '90s. Kabilang sa hit songs niya ay ang "Babaero" (1987) at "Hindi Magbabago" (1994).

Sa episode ng Wowowin: Tutok To Win kahapon, February 16, naging panauhin ni Willie si Randy sa show.

Sabi ni Willie kay Direk Bobot Mortiz, “Dito kami nagsimula Direk, ha, sa studio dun sa likod.”

Kuwento rin niya kay Michele Gumabao, co-host niya sa show, “Dito kami nagsimula, Michele. Sa Lunch Date. Kinuha niya akong sidekick niya.”

Taong 1987 daw yun. Ang Lunch Date ang noontime show noon ng GMA-7. Ito ay tumakbo sa ere mula 1986 hanggang 1993.

Taong 1984 naman daw ay kinuha siya ng banda nina Randy para gawing drummer sa gig nila noon sa Singapore. Umabot daw ng apat na buwan ang pamamalagi nila noon sa Singapore.

Kaya ganun na lamang daw ang samahan nila ni Randy mula noon hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

Puring-puri naman ni Randy ang kasipagan noon ni Willie.

SIDEKICK WILLIE

Pag-uwi naman nila sa Pilipinas ay nagkanya-kanya raw muna sila.

Hanggang isang araw ay nagkita sila muli ni Randy kasama ang dating TV host na si Toni Rose Gayda.

Doon na raw inanyayahan ni Randy si Willie na pasyalan sila ni Toni Rose sa studio ng GMA.

Pagdating daw niya doon, pinagsuot siya ni Randy ng sando.

Natatawang kuwento ni Willie, “Ano gagawin ko? ‘Basta sumama ka.'

"Tinulak ako sa lahat ng... maliit lang yung ano [studio ng] Lunch Date, e. 'Tinulak, ako, bakit?' 'Basta bubugbugin ka nila.'

"Binugbog ako tapos biglang uusok, hinila ako palabas. Eto, super showman, siya ang bida."

Napuno ng tawanan ang studio ng Wowowin.

Papuri muli ni Randy kay Willie, "Kita mo naman ngayon, e, Willie Revillame na.”

Bukod sa Lunch Date, matagal ding nagkasama sina Willie, Randy, at John Estrada sa Magandang Tangahali Bayan (MTB).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the February 16 episode of Wowowin: Tutok To Win, Willie Revillame (left) and Randy Santiago talk about their friendship that started in 1984.
PHOTO/S: Courtesy: Wowowin on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results