BidaMan finalist Dan Delgado pangarap maging leading lady si Solenn Heussaff

by Rommel Gonzales
6 days ago
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto sanang maging first leading lady ng BidaMan finalist na si Dan Delgado ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff (not in photo).
PHOTO/S: @danielaquinodelgado @jai_murcillo on Instagram

Nagsimula bilang top six finalist sa It's Showtime segment na "BidaMan," isa nang ganap na artista ngayon si Dan Delgado.

Kabilang si Dan sa upcoming movie na Ayuda Babes, kung saan makakasama niya sina Gardo Versoza, Ate Gay, Petite Brockovich, Brenda Mage, Negi, Juliana Parizcova Segovia, Iya Mina, Joey Paras, at Zeus Collins.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dan nitong February 16, 2021, sa Max's Restaurant sa Roces Avenue sa Quezon City sa presscon ng nasabing pelikula.

Dito ay tinanong namin si Dan: Kung nais niyang mag-bida sa isang TV or movie project balang araw, sino ang idolo niyang artistang lalaki or leading man?

Sagot ni Dan, "Well as of now, iyong lagi kong naiisip, nai-inspire ako kay Joshua Garcia."

Si Solenn Heussaff naman ang gusto niyang maging unang leading lady sa isang lead project.

Kahit daw noon pang "BidaMan" days niya ay laging si Solenn ang isinasagot niya kapag natatanong siya about his dream leading lady.

Continue reading below ↓

At kahit ngayong misis na si Solenn ni Nico Blozico at may anak na ang mag-asawa, hindi nagbabago ang paghanga ni Dan kay Solenn.

"Siyempe respect kasi siyempre mom na siya, but very artistic siya. On that side talaga, iyong artistic side niya talaga," ang nakangiting wika pa ni Dan.

DAN delgado ON HIS BIDAMAN EXPERIENCE

Noong August 2019 ang finals ng "BidaMan," na naghanap ang naturang noontime show ng mga baguhang artistang lalaki.

Si Jin Macapagal ang naging Ultimate BidaMan, at para ay Dan ay deserving itong tanghaling winner.

"Yes, very much! Actually nga meron siyang mga self-doubts noong una and we kept pushing him naman.

"Kasi sa 'BidaMan' naman nagsusuportahan talaga kami, as in totally wala talaga sa amin ang nagpapa-angatan, or rather we push ourselves, each other, as in pataas talaga.

"As in para talaga kaming magkakapatid."

Continue reading below ↓

Si Jin ba ang nakita niyang pinakamahigpit niyang kakumpitensiya during the finals?

"I think so kasi comparing myself to him parang... he dances, parang parehas kaming dancer, parehas din kaming kumakanta, and parehas din kaming may passion sa acting, so siguro I took it as a challenge na din.

"But then again siyempre mas deserving talaga iyong winner and iyong winner was Jin."

Isang mahusay na dancer si Dan, tulad ng kanyang mommy na si Dina Aquino, na dating theater actress at miyembro ng sikat na dance group na Hotlegs.

Kuwento ni Dan, "Nakuha ko iyong passion and inspiration ko sa dancing sa kanya. Dancing rin talaga iyong forte ko, that's where I believe I excel talaga, but more on hiphop, I went to that route.

"Alam ko kasi my mom is sa jazz, as in di ba panahon nila talaga iyon, e.

"And iyong best friend niya si Douglas Nierras, until now, nagkakasama pa rin sila, kaya ayon.

Continue reading below ↓

"Lucky ako na I'm following her footsteps kahit papaano."

Sikat na choreographer si Douglas Nierras, na siya ring founder ng dance company na Powerdance.

Tinanong naman namin si Dan kung naging close siya kay Vice Ganda na isa sa mga main hosts ng It's Showtime.

"Ah hindi po kami naging close ni Ate Vice sa Showtime, pero luckily, ayon, nagkasama naman kami sa Showtime, hi-hello."

Bukod kay Dan, ipinapakilala rin din sa Ayuda Babes ang tinderang masungit sa YouTube na si Bernie Batin at ang Bubble Gum Pop na si Princess Christi Fider.

Sa direksyon ni Joven Tan, may special participation sa pelikula sina Marlo Mortel at Marc Logan.

Mula sa Saranggola Media Productions, ipapalabas ito sa March 5 via streaming sa iWantTFC at KTX.ph.

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto sanang maging first leading lady ng BidaMan finalist na si Dan Delgado ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff (not in photo).
PHOTO/S: @danielaquinodelgado @jai_murcillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results