Nagbalik sa GMA-7 ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil, 70, makalipas ang labintatlong (13) taon mula nang huli siyang napanood sa Kapuso network.
Naging guest cast member si Pilar sa Kapuso remake ng Mexicanovela na Marimar, na pinagbidahan noon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Umere iyon mula August 2007 hanggang March 2008.
Noong 1999, napanood si Pilar sa Kapuso drama series na Di Ba't Ikaw, na pinagbidahan nina Jessa Zaragoza, Jao Mapa, at Jomari Yllana.
Liban sa dalawang serye na iyon ay panay sa ABS-CBN na ang mga nagawang teleserye ni Pilar.
Ngayon lamang taong 2021 muling nagbalik-Kapuso si Pilar, na all-out kontrabida bilang presidential mom sa First Yaya. Bida rito ang tambalan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung anong mga pagbabago ang napansin niya ngayon sa Kapuso network.
Lahad ni Pilar: "Sa nakita ko, I always thought that the people in GMA were quite professional.
"And I see a lot of improvement in their professionalism and organization.
"Possibly also, because this is a completely different set-up, I noticed that they are more organized."
Ang tinutukoy niya ay ang maayos daw na sistema ng lock-in taping para sa First Yaya.
Wala naman daw kaso sa kanya kung saang TV network siya nagtatrabaho.
"Nung una nagkakaroon ako ng problema when it comes to wardrobe," tukoy ni Pilar sa karanasan niya noon sa GMA-7.
Sabay sabi niya, "But I haven't encountered much problem here right now.
"I think they are very organized.
"Of course, nothing is perfect. But so far, everything has been good and quite organized."

GOOD WORKING RELATIONSHIP WITH YOUNG STARS
Siniguro rin ni Pilar na maganda ang samahan niya sa young stars ng First Yaya.
Aniya, "So far I haven't enncountered [any problem], especially among the young ones.
"They are very obedient. They follow instructions."
Pinapahalagahan daw kasi ni Pilar ang professionalism at discipline sa trabaho.
May naranasan na ba siya noon na na-offend siya sa katrabahong mga batang artista?
"Before I had a teleserye—I would not mention anymore any title or any channel—but I had a teleserye before wherein I saw the actors using thier cellphones while rehearsing.
"And I had to talk to the director about it because hindi naging maayos ang rehearsal because they were using their cellphones.
"But so far, here, I can see the young actors here have been very obedient.
"They have been very good in following certain rules that the company had."
Nakapanayam ng PEP.ph si Pilar sa digital conference ng First Yaya, na ginanap noong Lunes ng hapon, March 8.
Nasundan ito ng isa pang digicon para sa second batch ng cast members sa serye.

KAKAI DESCRIBES PILAR AS A FUN CO-STAR
Dito ay nagpatunay si Kakai Bautista kung gaano kasaya katrabaho si Pilar.
May isang entertainment reporter kasing nagtanong kung kaninong artista sila payag maging yaya, at sinagot ni Kakai ang First Yaya co-star na si Pilar.
Paliwanag ni Kakai: "Gusto ko maging yaya ni Tita Pilar. Pilar Pilapil yun, e.
"Actually, si Tita Pilar, isa siya sa tinitingila namin siya sa First Yaya. Marami ka matututunan sa kanya.
"Akala mo kasi sa unang tingin sobrang istrikta niya, pero kapag nakausap mo siya, ang dami mo makukuha sa kanya.
"Aminado naman siya na napakatagal na niya sa industriya.
"So lahat kami, bow sa kanya."
Dagdag pa ni Kakai: "Gusto kong maging yaya ni Tita Pilar kasi alam kong mapapatawa ko siya.
"Mabi-break ko yung pagkaistrikta, yung ganung impression.
"Kasi masarap kasama si Tita Pilar, masarap siya kausap, tsaka masarap siya patawanin."

Kakai with First Yaya co-star Cai Cortez
