Jasmine Curtis-Smith admits: "Sobrang awkward ko po growing up with guys, in general."

Jasmine Curtis Smith will be disciplined by Vin Abrenica, Sandino Martin, (L-R) Charlie Sutcliffe, John Spainhour, and Albie Casiño in TV5's new Wattpad TV series that will air starting February 9.



Ano ba ang pakiramdam na tumira sa isang bahay na nag-iisa siyang babae at nakapaligid sa kanya ang limang hunks?

Ganoon ang karakter ni Jasmine Curtis Smith sa Wattpad Presents A House Full of Hunks na mapapanood simula ngayong Lunes, February 9.

Gumaganap siyang si Venice Montes, isang snobbish at bratty, rich girl na bilang pagsupil ng kanyang lola ay inilagay siya sa isang boarding school kasama ang limang male hunks na siyang magdi-disiplina sa kanya.

Ang kuwentong ito ay hango sa isang Wattpad story na may mahigit isang milyon ng followers.

SHY AROUND MEN. Ayon naman kay Jasmine nang matanong tungkol sa karakter niya, “Well ako po kasi, I’ve attended an all-girls school. Sa St. Paul, Pasig.

"Sobrang awkward ko po growing up with guys, in general.

"Yung tipong sa subdivision namin before, sa Mandaluyong, nahihiya ako sa mga kapitbahay naming lalaki.

“’Pag-liga, hanggang palakpak ka lang, hindi ka makausap, hanggang sa side ka lang ng court.

"Noong high school, naging okay naman akong makipagkaibigan with guys.

"Pero feeling ko, there was still that kind of reserve.

"Hindi ko rin naman po ma-imagine na nasa isang bahay lang ako na puro lalaki lang.”

Nang nalaman niya ang takbo ng kuwento ng A House Full of Hunks, ano ang naging reaksiyon niya?

“Nakakatawa kasi puro lalaki ang kasama ko.

"Siyempre, ang mga lalaki, kapag pinagsama-sama mo ‘yan, may sariling mundo ‘yan.

“Pero, okay naman po,” sabi niya.

May advantage rin daw na puro lalaki ang cast na kasama niya dahil mas nagkakaroon siya ng pagkakataon na matulog in-between takes.

Kapag mga babae raw kasi ang kasama niya, mas madalas ay nagkukuwentuhan sila.

WHO'S HUNKIER? Halatang naiilang namang sumagot si Jasmine nang tanungin ito kung sino sa limang hunks na kasama niya na sina Vin Abrenica, Charlie Sutcliffe, Sandino Martin, John Spainhour at Albie Casino ang pinaka-nagtataglay ng magandang katawan sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko po, ayoko pong magsabi.

"Siyempre, baka maka-hurt ako. Kayo na lang ang magsabi.”

Sa bawat isa na lang, ano ang pinaka-gusto niyang katangian ng mga ito physically.

“Si John, yung eyes niya.

“Si Charlie, siya kasi, kapag tumatawa siya, nakakahawa yung smile niya.

“Si Albie naman, nawawala ang mata niya kapag nag-i-smile siya… nakaka-entertain.

“Si Vin naman, siguro yung ano niya, the way he speaks.”

Si Sandino naman, “He’s a very charming guy, hindi naman siya misteryoso.

"Pero noong first time ko siyang na-meet, hindi ko alam na part siya ng show.

"Ang dami na naming napag-usapan, the film he’s done.

"And hindi ko alam na nagka-work na pala kami… so may instant connection.”

Parang si Sandino ang pinaka-naging close sa kanya?

“Hindi naman, quiet lang din kasi siyang tao.”






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN