Watch Now

Joaquin Domagoso on Cassy Legaspi: "I'm hers na nga!"

by Rommel Gonzales
Jun 29, 2021
Joaquin Domagoso and Cassy Legaspi surely know how to bring kilig to their CassQuin fans. Their love team debuts on the series First Yaya.
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram

Nag-level up na ba ang samahan nina Cassy Legaspi at Joaquin "JD" Domagoso?

Magkapareha ang dalawa sa GMA-7 top-rater na First Yaya at matagal silang nagkasama sa lock-in taping ng serye, kung saan gumanap si JD bilang Jonas at si Cassy bilang Nina.

"In a way, we both know na nag-level up na kami," ang mabilis na sagot ni JD sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press sa Zoom mediacon noong June 24, 2021, para sa finale week ng First Yaya.

Dagdag pa ni JD, "We did get closer together naman po and we've been enjoying it and it's been a fun journey so far."

Sa isang tanong kay Cassy sa mediacon, nasambit niya ang mga katagang "JD ko." Nang mausisa ay sinabi niyang slip of the tongue lamang iyon.

Ano ang masasabi ni JD tungkol dito?

"Kasi po, kasi po... I'm hers na nga," ang sagot ni Joaquin habang natatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin na ba nila ito na may relasyon nga sila?

"Hindi po," pagbawi ni Joaquin habang nakangiti, "She just slipped, she just slipped."

Kuwento naman ni JD na sa pagwawakas ng First Yaya, mas natuto raw siyang magsalita ng Tagalog.

Aniya, "Because you know, Jonas really challenged me to learn how to speak Tagalog better and sa mga accent, sa words."

Magtatapos na sa Biyernes, July 2, ang First Yaya sa GMA, na ang mga direktor ay sina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Bukod kina JD at Cassy ay kasama rin dito sina Sanya Lopez bilang Melody Reyes at Gabby Concepcion bilang Glenn Acosta, at sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, pagkatapos ng First Yaya ay mapapanood naman si Joaquin sa Flex bilang isa sa mga hosts ng naturang weekend comedy-gag-variety show kasama sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, at Althea Ablan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Domagoso and Cassy Legaspi surely know how to bring kilig to their CassQuin fans. Their love team debuts on the series First Yaya.
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results