Trending si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil sa blooper nito sa live telecast ng Binibining Pilipinas 2021 coronation night.
Kasalukuyang ginaganap ang coronation night ngayong Linggo ng gabi, July 11, 2021, sa Araneta Coliseum, kunsaan host si Catriona kasama si Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves.
Nangyari ang blooper habang ina-announce ni Catriona ang Top 13 semi-finalists ng Binibining Pilipinas 2021.
Isa sa mga nakapasok sa Top 13 ay si Meiji Cruz na mula sa Valenzuela City.
Nang inanunsiyo ni Catriona ang kanyang pangalan, sa halip na Valenzuela ay ang bansang Venezuela ang kanyang nabanggit.
Maraming netizens ang nakapansin sa blooper ni Catriona kaya naman naging trending topic sa Philippines ang "Venezuela" at "Catriona."
Ang top trending topic naman sa Twitter ay ang hashtag na #BinibiningPilipinas2021.
Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens:
Despite her blooper, marami pa rin ang pumupuri kay Catriona sa kanyang paghu-host.
Naikumpara pa siya kay Miss Universe 2012 Olivia Culpo na isa sa hosts ng Miss Universe 2020. Nag-trend din noon si Olivia sa Twitter at sinabing wala raw itong masyadong energy bilang host ng pageant.
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.