Johnny "Mr. M" Manahan now officially a Kapuso

by James Patrick Anarcon
Jul 13, 2021
GMA-7 officially welcomes Johnny "Mr. M" Manahan as GMA Artist Center consultant today, July 13, 2021.
PHOTO/S: File Photo / GMA Artist Center

Opisyal nang Kapuso ang star maker na si Johnny Manahan, na kilala rin bilang Mr. M.

Pumirma si Mr. M ngayong araw, July 13, 2021, ng kontrata sa Kapuso network bilang consultant sa GMA Artist Center.

Present sa virtual contract signing ang executives ng Kapuso network: GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon; President and COO Gilberto Duavit, Jr.; and Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong.

Continue reading below ↓

Nasa virtual contract signing din ang officers ng GMA Entertainment Group, GMA Films, at GMA Artist Center: Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable; Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara...

Assistant Vice President, Head for Talent Imaging and Marketing Unit of GMA Artist Center Simoun Ferrer; GMA Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes; Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier-Cruz.

Lingid sa kaalaman ng marami, dating Kapuso si Mr. M.

Nag-umpisa siya bilang singer sa programang Uncle Bob's Show noong 1970s.

Bilang freelance director, nagawa ni Mr. M sa GMA-7 ang mga programang Two For The Road at Late Hour with June and Johnny.

Noong 1986, naging exclusive si Mr. M sa ABS-CBN bilang director.

Hindi nagtagal ay inilunsad nila ng noo'y general manager ng ABS-CBN na si Freddie M. Garcia ang Star Magic, ang talent-management arm ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Napasikat ng Star Magic ang maraming artista ng ABS-CBN, kasama na sina Claudine Barretto, Piolo Pascual, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Maja Salvador, Kristine Hermosa, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at marami pang iba.

Noong September 2020, nagpasya si Mr. M na lisanin na ang bakuran ng Kapamilya network.

Lumipat si Mr. M sa Brightlight Productions bilang director ng Sunday Noontime Live sa TV5, subalit nagtagal lamang ang programa ng one season.

Ilang linggo na ang nakakaraan nang lumutang ang balitang pipirma sa GMA-7 si Mr. M.

Kahapon, July 12, naglabas ang GMA-7 ng teaser tungkol sa paglipat ng isang "pillar in Philippine Entertainment."

Pagkatapos ng kanyang contract signing ay ginanap ang isang virtual media conference para kay Mr. M, kung saan ibinahagi niya ang ilan sa kanyang mga plano para sa GMA Artist Center.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 officially welcomes Johnny "Mr. M" Manahan as GMA Artist Center consultant today, July 13, 2021.
PHOTO/S: File Photo / GMA Artist Center
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results