Dennis Trillo differentiates his dynamics with Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali

by Rose Garcia
Jul 24, 2021
Itinuturing ni Dennis Trillo na isang malaking pribelihiyo na makatrabaho ang tatlong magagaling na aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali sa Legal Wives.
PHOTO/S: Legal Wives trailer

Tinapatan ni Dennis Trillo ng magagandang salita ang paglalarawan niya sa kanyang tatlong leading ladies na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Unang beses pa lang nakasama ni Dennis ang tatlo sa Legal Wives, ang bagong prime-time series ng GMA-7 na magsisimula sa Lunes, Hulyo 26.

Ayon kay Dennis, "Simulan na natin sa first wife, kay Ms. Alice.

"Siyempre, bilang isa sa mga tagahanga niya at nagkaroon kami ng mga eksena bilang mag-asawa ay isang napakalaking opportunity yun para sa akin.

"Magandang opportunity para magpakita ng talento at makaeksena yung isang kagaya niya na beterano na rin sa industriya.

"Sobrang natuwa ako, sobrang pleasant niya sa set at palagi rin na smiling. Wala rin akong masasabing hindi maganda sa kanya.

"Maganda rin ang attitude kaya naman hanggang ngayon, nandito pa rin siya at napakaganda pa rin ng mga roles na ginagampanan niya."

Ang second wife ni Dennis sa Legal Wives ay si Andrea.

Continue reading below ↓

"Kay Andrea naman, katulad ng sinabi ko na noon pa lang, gusto ko na siyang makatrabaho," lahad ni Dennis.

"Nakita ko rin ang kakayahan niya bilang isang dramatic actress. Napanood ko rin ang mga ginawa niya noon kaya mas napahanga ako sa kanya.

"Mas lalo na nang makatrabaho ko na siya, nakita ko kung gaano siya ka-professional.

"Siguro meron kaming similarities na ayaw naming nagkakaproblema at nagbibigay kami ng problema sa set.

"Kaya siguro maganda ang working relationship namin with each other at sa mga tao sa paligid namin."

Ang pinakabata sa lahat ay si Bianca, at masasabing mas mature ang role niya sa Legal Wives kumpara sa mga dati niyang proyekto.

Siya ang gumaganap na third wife ni Dennis.

Sabi ng aktor, "Kay Bianca naman, nagulat ako sa range na kaya niyang ipakita. Dahil sa batang edad, hindi ko akalain na ganun kalalim ang kaya niyang ipakita.

"Kahit na walang sinasabi, sa mata pa lang, makikita mo na, very meaningful yung mga tingin niya at expression."

Continue reading below ↓

Sabi pa niya kay Bianca, "Good luck at siguradong pagkatapos nito, mas magagandang projects pa ang mapupunta sa inyo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa pamamagitan ng online mediacon ng Legal Wives noong July 19.

ON the practice of POLYGYNY

Ginagampanan ni Dennis ang karakter ni Ismael Makadatu, isang Maranao Muslim na mayroong tatlong asawa.

Sa pananaw ng mga kalalakihan, puwedeng may magsabi na ang suwerte niya dahil tatlong naggagandahan at nagseseksihang aktres ang leading ladies niya.

Pero ngayong nagampanan ni Dennis ang papel ng isang Muslim husband, masasabi niya bang "ang sarap maging isang Muslim" o "ang hirap maging maging Muslim" na may tatlong asawa?

"Pareho," sagot ni Dennis.

"Mahirap siya pero masarap kasi nararamdaman mo ang pagmamahal ng iba’t ibang klase ng tao.

"Hindi naman bawat relasyon ay perpekto, pero dun sa ibang mga minamahal niya, nakikita niya yung mga pagkukulang sa iba.

"Pero ganunpaman, e, alam kong masaya ang character ni Ismael bilang Muslim dahil kahit paano, na-handle niya nang maayos yung situwasyon niya na ‘yon."

Continue reading below ↓

Paliwanag pa ni Dennis, "Oo, mahirap yung ganong klaseng sitwasyon at magkaroon ng tatlong asawa.

"Pero napakaganda ng pagkakasulat ng kuwento at madi-discover niyo kung paano nalagpasan lahat ng mga pagsubok na yun."

Tatalakayin sa Legal Wives ang konsepto ng polygyny o duwaya, na tumutukoy sa probisyon sa Islam kunsaan pinapayagan ang isang lalaki na magkaroon ng isa hanggang tatlong asawa.

Ayon sa alislam.org, itinuturing ng Islam na sagrado ang kasal at pinapayagan ang duwaya dahil may mga pagkakataong kinakailangan ito.

Partikular na rito ang pagbibigay proteksiyon sa mga naulila ng isang pamilyadong lalaki, o pagpapakasal para masolusyunan ang kung anumang krisis.

Ipinaliwanag naman ng cultural consultant ng Legal Wives na "Islamically, hindi kailangang ng consent ng first wife" sakaling nais magpakasal muli ng isang lalaki.

Dagdag niya, "Pero advisable na sabihin ng lalaki sa first wife para walang gulo na mangyari at yung respect nandun pa rin."

Hindi rin daw requirement ang financial capacity kung nais nitong mag-asawa ng dalawa hanggang apat na babae.

Continue reading below ↓

Pero paalala niya, makakatulong kung maykaya ang lalaki para makaiwas sa gulo sa mga pamilya nito na nangangailangan ng sustento.

DENNIS AS GMA-7'S DRAMA KING

Si Dennis ang itinuturing na Kapuso Drama King.

Marami na siyang napatunayan lalo na sa husay niya bilang isang aktor.

Paano niya napapanatiling nakatapak ang kanyang mga paa sa lupa?

"Well, siguro… paano ba?" napangiti niyang reaksiyon.

"Iniisip ko lang na trabaho lang siya. Hindi ko siya inilalagay lahat sa ulo ko—yung mga mabubuting nangyayari sa akin. At nagpapasalamat lang ako na ganun.

"Kasi hindi naman porke’t meron kang magandang nangyayari sa buhay mo, hindi naman kailangan na kasabay nun, e, paglaki o pagiging mayabang."

Hiningan din si Dennis ng payo sa mga baguhang artista na nalalasing agad sa kasikatan, ultimo sa simpleng pagkamit ng maraming “likes” sa social media.

Sabi ni Dennis, "Ang payo ko lang diyan, hindi porke’t maraming likes, e, okay na yun.

Continue reading below ↓

"Karamihan naman diyan, mga opinyon ng mga taong hindi mo kilala. Hindi mo kailangang i-please lahat.

"Imbes, sana, gamitin niyo ang mga boses niyo para makapagpaabot ng magandang mensahe sa mga followers niyo.

"Siguro yun ang mas importante kesa sa magpaparamihan ng likes na hindi naman talaga importante at wala namang saysay."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinuturing ni Dennis Trillo na isang malaking pribelihiyo na makatrabaho ang tatlong magagaling na aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali sa Legal Wives.
PHOTO/S: Legal Wives trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results