PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea, Bianca, Alice on confronting a third party in real life

Alice on confronting a third party: "Nakaka-tense isipin, ha!"
by Rachelle Siazon
Published Jul 30, 2021
Andrea Torres (left) says she never experienced confronting a third party in real life: "Medyo hindi talaga ako comfortable sa confrontation. Buti naman wala naman. Hahaha!" Bianca Umali (center) and Alice Dixson (right) also give their thoughts on this.
PHOTO/S: @andreaetorres / @bianxa / @alicedixson Instagram

Hindi lubos maisip nina Andrea Torres, Bianca Umali, at Alice Dixson kung ano ang gagawin nila sakaling malagay sila sa sitwasyong may third party ang lalaking mahal nila sa tunay na buhay.

Sina Andrea, Bianca, at Alice ang leading ladies ni Dennis Trillo sa GMA-7 prime-time series na Legal Wives.

Sa virtual mediacon ng Legal Wives noong July 19, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung naranasan na ba nilang mangumpronta ng babaeng may ugnayan sa kanilang karelasyon.

Tingin ni Andrea ay kaya niyang daanin sa maayos na usapan ang isang isyu.

Sabi niya, "Wala naman po. Hindi pa ako naka-experience ng ganun, and hindi naman ako magaling sa confrontation talaga, e.

"Mas ako yung type na kung puwede pag-usapan na lang ng peacefully, mas okay ako dun.

"Medyo hindi talaga ako comfortable sa confrontation. Buti naman wala naman. Hahaha!"

Halos ganito rin ang sagot ni Bianca, na hindi raw tipo na mangungumpronta ng ibang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala pa naman po. Never ako nagkaroon ng intensiyon na sadyain ko mag-confront.

"I think I wouldn't be that person who would intentionally do that and attack someone," ani Bianca.

Dagdag niya, "Depende rin sa situation also. Pero kung puwede daanin sa usap na maayos, I would go for that as well."

Aminado naman si Alice na sa totoong buhay ay posibleng magtaray siya kung may third party ang kanyang karelasyon.

Pero paglilinaw niya, "Wala pa naman in real life. I don't want that to happen, ever. Nakaka-tense isipin, ha!"

Kung ihahalintulad sa Legal Wives at siya ay maging first wife raw ng isang Muslim, hindi raw siya talaga basta magpapatalo.

Paliwanag ni Alice, "What I will probably do if I was Muslim, I would probably be mataray like my character already is, para iparamdam sa ibang wives yung kanyang posisyon, let's say if she's the first wife.

"But dapat ilagay din natin yung wife sa tamang lugar. If she's the third wife, she has no right to be mataray.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"But then again, hindi mo rin masasabi yun. Everybody has their own character.

"Siguro makikiramdam ako kung ano ba ang posisyon ko sa pamilya.

"I don't think it will happen if I'm not in a Muslim setting."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT'S THEIR IDEAL HUSBAND?

Tinanong din ng PEP.ph kung ano ang mahalagang katangian na gusto nila sa kanilang future husband.

Para kay Andrea, titingnan niya kung swak ang values nila ng isang lalaki.

Ayon sa aktres, "Siyempre importante yung pagiging totoo niya. Kapag totoo sa iyo yung patrner mo, mas magiging madali sa kanya yung pagiging consistent.

"Gusto ko God-fearing din. I think yun ang number one talaga, e. Pag na-check yun, susunod na yung iba."

Single si Andrea ngayon.

Bilang laki sa lola, gusto ni Bianca na aprubado ng kanyang abuela ang future husband niya.

Lahad pa niya, "I think number one would be yung makukuha yung puso ng lola ko. Yun ang unang-una. Yung magugustuhan at masasabi ng lola ko sa akin na, 'Ah, mahal ko iyang partner mo ngayon.'

"But of course, God-fearing, napakaganda ng values...

"Gusto ko yung kaya ko mahalin, hindi lang siya kundi buong pamilya niya. And maraming-marami pang iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ruru Madrid ang matagal nang napapabalitang nobyo ni Bianca.

Total package din ang hanap ni Alice sa isang mapapangasawa.

"I think the qualities that are most important are their honesty, pagiging good listener para maging kaibigan mo yung partner mo.

"Someone who lifts you up and supports you in all your endeavor. So friend, supporter, lover.

"Hopefully you can find someone in a total package like that."

Sabay diin ni Alice, "But most of all, the most important is someone who is your friend, someone who makes you laugh."

Noong 2018, naglabas ng pahayag si Alice na siya ay wife ng isang top executive sa Boracay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POLYGYNY IN LEGAL WIVES

Mapapanood sa Legal Wives ang kuwento ng pagpapakasal nina Alice (Amirah), Andrea (Diane), at Bianca (Farrah) sa karakter ni Dennis (Ishmael).

Sa kuwento, si Ishmael ay isang Maranaw Muslim na mula sa mayamang angkan. Mahuhulog ang loob niya kay Diane, isang Kristiyanong doktor.

Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, magpapakasal si Ishmael sa Maranaw princess na si Amirah upang wakasan ang isang clan war. Si Amirah ang first wife ni Ishmael.

Dahil sa pag-ibig ay itutuloy pa rin ni Diane ang pagpapakasal kay Ishmael, at siya ang magiging second wife nito.

Pero muling ikakasal si Ishmael kay Farrah upang protektahan ito mula sa kahihiyang dulot ng isang malagim na karanasan.

Una nang sinabi ni Dennis na hindi lang basta "kabit-serye" ang Legal Wives, kundi isang cultural drama series na tatalakay sa konsepto ng polygyny.

Ang polygyny o duwaya ay tumutukoy sa legal na pag-aasawa ng higit sa isa hanggang apat na misis sa kulturang Islam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa alislam.org, itinuturing ng Islam na sagrado ang kasal at pinapayagan ang duwaya dahil may mga pagkakataong kinakailangan ito.

Partikular na rito ang pagbibigay proteksiyon sa mga naulila ng isang pamilyadong lalaki, o pagpapakasal para masolusyunan ang kung anumang krisis.

Sa kanilang kultura ay may kaugnayan ito sa kanilang pananampalataya.

Sa kuwento ng Legal Wives, si Ishmael ay tapat sa kanyang pananampalataya. Kayanin kaya nina Amirah, Diane, at Farrah ang kanilang set-up bilang legal wives nito? Aawayin ba nila ang isa't isa o magsasanib-puwersa sila laban kay Ishmael?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres (left) says she never experienced confronting a third party in real life: "Medyo hindi talaga ako comfortable sa confrontation. Buti naman wala naman. Hahaha!" Bianca Umali (center) and Alice Dixson (right) also give their thoughts on this.
PHOTO/S: @andreaetorres / @bianxa / @alicedixson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results