PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda "sulit na sulit" ang efforts para sa ReINA Ng Tahanan

Happy siya na maraming naka-relate sa brainchild niya.
by Rose Garcia
Published Aug 6, 2021
Masaya si Vice Ganda sa maraming mommies ang nakaka-relate sa brainchild niya, ang segment na "ReINA ng Tahanan" sa It's Showtime.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Iba ang naibibigay na saya kay Vice Ganda ng It's Showtime segment na "ReINA ng Tahanan."

Bukod kasi sa binuo niya ang konsepto nito kasama ang creative team ng show, inilaban niya itong talaga sa mga bossing para matuloy.

Sa tingin ni Vice, maraming nakaka-relate sa segment, "ReINA Ng Tahanan cuts across every class and gender—everybody just can't get enough of it because of its universal appeal. The Philippines is, in many ways, matriarchal. Mahal nating lahat ang mga Nanay natin.”

Kuwento pa ni Vice sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email, "Mahirap gumawa ng daily show kasi pandemic. Wala ang madlang people. Limitado ang galawan namin araw-araw.

"Pero sa kabila ng mga challenges na kinakaharap namin araw-araw, at ang kakambal nito ay matinding pagod para sa aming lahat na bumubuo ng It's Showtime, talagang sulit na sulit lahat dahil alam namin na nabibigyan namin ng kasiyahan ang mga kababayan nating nasa loob ng kanilang mga tahanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At siyempre, nabibigyan namin ng isang maligayang platform ang mga Nanay to have fun and loosen up. Sila talaga ang bida dito sa segment na ito."

VICE GANDA ON APPEAL OF "REINA NG TAHANAN"

Si Vice mismo, mahal na mahal ang sariling ina.

Aniya, “Ang mga bakla, in particular, lahat maka-Nanay. Siyempre mahal din ng mga Pinoy ang ating mga ama. Pero maski ang mga ama naman, aminado na iba ang kurot sa puso kapag mga ina na ang pinag-uusapan.”

Tingin ni Vice, patok ang "ReINA ng Tahanan" segment dahil iba't ibang klaseng mga nanay ang nagiging tampok dito.

"Siyempre nandiyan ang riot at tawanan, lalo na sa talent portion ng mga ReNanay... nakakaaliw ang mga gowns at looks nila, and they all really come in different shapes and sizes.

"May Nanay contestant na sosyal, merong masa, merong super sexy, may plus size. Iba-iba sila.

"Pero ang common sa kanila ay puso. Lahat sila ay mahal ang kanilang mga pamilya, ang kanilang mga asawa at mga anak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapanahon rin ang pagkakaroon ng "ReINA ng Tahanan" maraming ina ngayon ang nasa bahay lang at buong araw halos nag-aasikaso ng pamilya at mga anak.

Dahil dito, mas nabawasan pa ang “me time” ng mga ina.

Sabi pa niya, “Pinapakita at sinasalamin ng ReINA Ng Tahanan ang realidad nating lahat ngayong pandemic na kahit matinding hirap at challenges ang kinakaharap natin araw-araw, sapat na ang love para lumaban sa buhay, at sapat na ang love para tumawa, at sapat na ang love to fuel the hope that one day everything will be okay.”

Bukod sa "ReINA ng Tahanan" na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at ABS-CBN Online, masayang-masaya rin si Vice dahil sa naging tagumpay ng kauna-unahan niyang virtual concert nitong July, ang Gandemic

At dahil sa insistent public demand, magkakakaroon ito ng repeat ngayong August 14, 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya si Vice Ganda sa maraming mommies ang nakaka-relate sa brainchild niya, ang segment na "ReINA ng Tahanan" sa It's Showtime.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results