PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards ready to tackle more mature roles

Alden promises exciting cliffhanger for The World Between Us season-ender
by Rose Garcia
Published Aug 22, 2021
Alden Richards appreciates how The World Between Us televiewers find his character more engaging when he transitions into more mature, less clichéd portrayals: "Sa nagiging transition ni Louie, mas nagiging interested yung audience. Mas nag-i-spike yung ratings kapag merong scene na hindi conventional."
PHOTO/S: The World Between Us (GMA-7)

Ngayong linggo ay magkakaroon ng season-ender ang GMA Primetime series na The World Between Us. Magbabalik itong muli sa ikalawang linggo pa ng November.

Pero sa ginanap na online mediacon noong August 21, nagbigay na rin ng pahapyaw na aabangan ng mga manonood sa magiging transformation ng character ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards bilang si Louie.

Ito raw ang isa sa dahilan kung bakit pursigido talaga siyang magpapayat. Sa recent Instagram post nga niya, ang daming pumupuri sa katawan niya ngayon.

“Opo, sobra po! Makukulong kasi ako,” rebelasyon ni Alden sa magiging pagbabago sa karakter niya.

“I will be blamed for something that I have not done, a crime that I didn’t do. And with that, yun ang pinaka... kumbaga, dead-end ni Louie. ‘Ah, hindi na tama ‘to...’

“So after that, yun po ang aabangan nila this season break.”

At yun pala ang magiging season-ender ng serye nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang wala pa nga po,” paglinaw niya.

“I’m just giving out this tiny bit of information para... bakit ako makukulong? Sino magpapakulong? Ano ang kasalanan ko na hindi ko naman ginawa?

“At least, parang yun po ang magbibigay ng reason kay Louie to fight for himself. Para hindi na siya apak-apakan ng kahit sino pa. And exciting pa yung pagkakasulat noon, kaya dito po ako looking forward.”

ALDEN THANKFUL FOR GREAT ONSCREEN CHEMISTRY WITH JASMINE CURTIS

Ngayon na nga lang halos gumawa si Alden ng teleseryeng romantic drama talaga ang tema. Masaya nga raw siya na marami rin talaga ang nadadala at kinikilig sa tambalan nila ni Jasmine Curtis.

“Hindi po kasi ako talaga nahirapan kay Jasmine,” pagmamalaki niya sa kanyang co-star.

“That’s the beauty about working with her. We’re on the same page po pagdating sa pag-arte and I see how professional she is.

“So, mas nadadalian po akong mag-trabaho, kasi si Jasmine knows her craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Alden, “I consider that as an advantage kasi po, kami po ang loveteam dito and nakakatuwa po, kasi we’re very comfortable working with each other. Lumalabas po siya sa mga eksenang ginagawa namin and even more.

“Minsan, si Direk Dom [Dominic Zapata] nagugulat kasi may lumalabas na more than what's written. Nae-exceed po namin ang expectation ng script kaya nagiging maganda pa ang eksena.”

ALDEN ANALYZES LOVE FROM HIS CHARACTER'S VIEWPOINT

Sa ngayon, wala pa ring inaamin si Alden tungkol sa kanyang love life.

Pero kung sakaling may minamahal na siya, ano sa mga katangian ng kanyang karakter ngayon (bilang Louie) ang dadalhin at iiwan niya.

Ayon kay Alden, “Hindi sapat yung love lang sa relationship.

“Minsan against all odds pag nagmahal tayo. In reality, it’s not like that.

"Hindi puwedeng pagmamahal lang sa dalawang magkapareha, dapat maraming factors iyan, e.

“Sabi nila, love is complicated. Love is ganito, love is ganyan. Minsan kasi, yung mga cliché na kasabihan, hindi natin sila puwedeng i-incorporate sa totoong buhay, kasi iba po ang reyalidad.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So yun ang dadalhin ko.

"Sa pagmamahal, hindi puwedeng kayong dalawa lang ang involved. Oo, kayo ang nagmamahalan pero siyempre, kailangang i-consider mo rin ang sitwasyon at mga taong nasa paligid niyo.

“Kasi hindi kayo magpu-prosper or hindi kayo magiging masaya kung at the end ot the day, meron at merong kokontra sa inyong dalawa.”

Natawa naman ito nang tanungin namin kung 50/50 na siya kapag nagmahal.

“Depende,” natawang sagot niya.

ALDEN SEES WISDOM IN EMBRACING MORE MATURE ROLES

May pagka-gray ang character ni Alden sa The World Between Us. Kung titingnan niya ang reaksyon ng mga fan, sa tingin ba niya'y handa na ang mga tagahanga niyang makita siya sa gray, or posibleng mas dark na roles?

Lahad niya, “Actually, yun nga. I had words with top management a few days ago to reassess the character and for future projects na rin as well.

“Parang the way we see it, I also presented facts na doon po sa ratings, parang when we started from sweet... kasi I call those scenes as giveaway scenes, kasi nagawa ko na siya in past projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then, sa nagiging transition ni Louie, mas nagiging interested yung audience. Mas nag-i-spike yung ratings kapag merong scene na hindi conventional.

"And what are those na non-conventional scenes? Fighting back, hindi siya nagpapaapi, wala masyadong kilig—kilig in a different way, hindi yung kilig na giveaway or yung layman’s term natin sa industry, yung pababeng kilig.

“So ganoon sila ka-detailed. Kaya yun po ang nakikita ko, they like to see a new version of Alden na transitioning into more mature roles.”

IS ALDEN READY TO PLAY BAD GUY roles?

Handa na nga kaya ang mga tagahanga niya na mapanood siya bilang bad guy?

“That’s what we don’t know yet, kasi I haven’t done anything na antagonist. Siguro one time lang, that was The Road and that was 2011, one year pa lang ako sa industry,” lahad ni Alden sa isa sa mga unang pelikulang nagawa niya noon sa GMA Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi rin niya, “Pero we can plan the process slowly. Kasi baka naman kapag tumalon kami eventually, parang walang solid foundation ang transition, so baka bumagsak din siya.

“Sabi nga ni Warren Buffett, when you test the water, you don’t test the water with two feet, isa lang. So ganoon kami ngayon.”

Si Warren Buffett ang tanyag na American business magnate, investor and philanthropist.

ALDEN STRIVES FOR SELF-IMPROVEMENT

At habang naka-break pa sila sa taping ng The World Between Us at naka-MECQ naman ang Metro Manila, plano raw ni Alden na ituloy ang pagwu-workout niya at pag-aaral online.

“For the show muna, workout, self-improvement. Gusto ko yun muna ang focus ko ngayon. Kasi may mga naka-line-up na projects na gagawin ko after The World Between Us, but I want to give my full capacity here. Dito ko muna ibubuhos lahat.”

At si Alden na rin ang nagsabi ng tungkol sa pag-aaral niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “I need to study. Financial Literacy, Business, also acting. Everything is available online. It’s free education, that’s why doon ko iyu-utilize ang time ko.”

Aminado naman si Alden na talagang kasama sa mga oras niya ang pag-o-online game, pero mababawasan daw niya yun ngayon.

“Kesa naglalaro lang ako, of course, I still allot time for gaming, pero hindi na gaanong kahaba,” saad niya.

“Mornings are for study. I study, study and siyempre, tumatanda na rin ako. I’m gonna be thirty on January, which is a few months from now.

“Gusto ko rin na well-equipped ako so I can protect myself and protect my loved ones in the event na may dumating na pandemic version 2.0 or other similar events na ganoon.

"So ready ako, hindi ako yung tao na parang saka lang magre-react kapag nandoon na sa situation.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards appreciates how The World Between Us televiewers find his character more engaging when he transitions into more mature, less clichéd portrayals: "Sa nagiging transition ni Louie, mas nagiging interested yung audience. Mas nag-i-spike yung ratings kapag merong scene na hindi conventional."
PHOTO/S: The World Between Us (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results