GMA-7 headwriter Suzette Doctolero, may sentimiyento sa ratings ng Legal Wives

by James Patrick Anarcon
Aug 26, 2021
Legal Wives headwriter on the show's ratings: "Aanhin ang papuri? We need ratings. Bakit hindi nagrereflect sa ratings ang papuri?"
PHOTO/S: Legal Wives (GMA-7)

Naglabas ng hinanaing ang GMA-7 creative writer na si Suzette Doctolero tungkol sa ratings ng teleseryeng Legal Wives.

Si Suzette ang tumatayong headwriter at concept creator ng Legal Wives na pinagbibidahan nina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, at Dennis Trillo.

Pansin kasi ni Suzette, sa halip na pataas ay pababa ang trend ng ratings ng bagong drama series na ito ng Kapuso network.

Magaling ang cast ng teleserye na pinangungunahan ni Dennis Trillo. Mataas ang production value nito, at na-capture ang makulay na kultura ng mga Muslim.

Tinatalakay rin dito ang polygamy sa Islam dahil ang istorya ay tungkol sa isang Maranaw Muslim royalty (Dennis) na ikinasal sa tatlong babae.

Bagamat maraming papuring natatamo ang teleserye, bakit tila walang epekto ito sa viewership nitong nakaraang linggo?

And sentimiyento ni Suzette sa kanyang Facebook post, “Pababa ang ratings ng LW kahit na ito ay pinupuri. Aanhin ang papuri?

"We need ratings. Bakit hindi nagrereflect sa ratings ang papuri? Kungdi mag-rate ang isang show, o magdeliver ng numbers, hindi na po magkakaroon uli ng ganito."

Continue reading below ↓

Sa huling bahagi, na-realize ni Suzette na maaaring ang core audience ay mas tumatangkilik pa rin sa tradisyunal na formula ng teleserye.

Ang sinasabing tradisyunal ay ang mga nakasanayang plot o istorya ng mga dating teleserye, tulad ng mga magkakaribal na magkapatid, palitan at nawawalang mga anak, o di kaya naman ay pangangaliwa ng asawa.

Himutok pa ni Suzette, “Mali ako. Tradisyunal at formula soap pa rin talaga ang tinatangkilik ng tao.”

Suzette Doctolero

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay dinelete na ni Suzette ang kanyang post subalit na-screenshot ito ng mga netizens at online websites.

Sa pilot episode ng Legal Wives noong July 26, nagtala ito ng TV rating na 11.9% ayon sa AGB NUTAM Ratings.

Sumampa ito ng 12.0% noong Huwebes, July 29, at mula noon ay naglalaro sa 11.8-12.3% na rating noong sumunod na mga araw.

Continue reading below ↓

Ang pinakamataas na rating na nakuha nito ay 13.0% noong August 12.

Nagpatuloy pa ito na makakuha ng rating na nasa 12% mark hanggang August 18.

Sa mga sumunod na araw, bumalik sa 11% mark ang ratings, at noong Lunes, August 23, ay nagtala ito ng 11.1%, o ang pinakamababa na rating na nakuha nito sa kasalukuyan.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang napapanood ang Legal Wives sa second slot ng GMA Telebabad katapat ng Huwag Kang Mangamba.

Simula Lunes, August 30, ay mapapanood na ang Legal Wives sa mas maagang oras na 8:00 p.m., katapat ng FPJ's Ang Probinsyano sa iba't ibang broadcast platforms ng ABS-CBN.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Legal Wives headwriter on the show's ratings: "Aanhin ang papuri? We need ratings. Bakit hindi nagrereflect sa ratings ang papuri?"
PHOTO/S: Legal Wives (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results