Sid Lucero admits to feeling "really bad" about season break of The World Between Us

by Rommel Gonzales
Aug 27, 2021
Sid Lucero with The World Between Us lead stars (left photo, from left to right) Sid Lucero, Jasmine Curtis Smith, Alden Richards, and Tom Rodriguez.
PHOTO/S: @vjmadzlatest @immelody0929_92 on Instagram

Sa pagkakaroon ng season break ng The World Between Us, di maiwasang maalala ni Sid Lucero ang kanyang karanasan sa ibang show na matagal ding namahinga.

"Personally, I felt really bad when we were going to take a break, because like, I've been there.

"I fell in love with a show once that stopped, like after the third season, and then there was a petition and they... we all waited two years before the last episode came out and they really dedicated to the audience talaga, so I know what it's like."

Ang tinutukoy ni Sid ay ang ABS-CBN program na A Soldier's Heart, na naging project niya bago bumalik sa GMA-7.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Sid na si Ricky Gallardo sa telepono noong Martes, August 24, 2021.

Ayon sa kanya, taong 2018 pa naka-commit na si Sid sa A Soldier's Heart, pero inabot ng kabuuang dalawang taon bago ito nasimulan, umere, at natapos.

Continue reading below ↓

Binusisi kasi ang produksiyon nito kaya natagalan, at noon namang umeere na ay nangyari ang pandemya.

"It took almost two years bago ito umere nung early 2020 'tapos nagkapandemya na,'" pahayag pa ni Ricky.

Sabi naman ni Sid sa PEP.ph at iba pang miyembro ng press sa Zoom mediacon ng The World Between Us nitong Lunes, August 23, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng break.

Aniya, "But at the same time like what everybody's saying, we have no choice, what are we gonna do about it right?

"So we move on... we move forward, we take this time and we make what we believe is already good, better.

"And as someone who likes to watch shows also, if we really are fans of this show, then we will stick until the end, and we will wait. Like I said, I waited two years for a show to come out with the last episode."

Continue reading below ↓

Pansamantala munang hihinto ang lock-in taping ng The World Between Us dahil sa quarantine at health protocols na bunga ng COVID-19 pandemic, at sa dumaraming kaso ng Delta variant ng coronavirus.

Comeback ni Sid sa GMA-7 ang The World Between Us. Huli siyang napanood bilang Kapuso noong 2017 sa first season ng Alyas Robin Hood, kung saan gumanap siya bilang Dean Balbuena.

Gumaganap si Sid sa The World Between Us bilang si Eric. Tampok rin sa serye sina Alden Richards bilang si Louie, Tom Rodriguez bilang si Brian, Jasmine Curtis-Smith bilang si Lia, Dina Bonnevie bilang si Rachel, Kelly Day bilang Audrey, at Jaclyn Jose bilang Yachie.

Ang The World Between Us ay sa direksyon ni Dominic Zapata. Mapapanood ang programa hanggang sa Biyernes, August 27, at magbabalik ito sa November 15.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sid Lucero with The World Between Us lead stars (left photo, from left to right) Sid Lucero, Jasmine Curtis Smith, Alden Richards, and Tom Rodriguez.
PHOTO/S: @vjmadzlatest @immelody0929_92 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results