Inamin ni Jaclyn Jose na ang pagiging actress ang tanging pinanggagalingan ng kanyang income ngayon.
Kaya may pandemic man o wala, tuluy-tuloy lang ang multi-awarded actres sa pag-arte.
Lahad ni Jaclyn, "Let’s be real, it’s pandemic, two years na. I don’t have any other source of income other than this, and this is what I do best in my life, to act.
"This is what I love to do and no one can take that away from me.”
Ngunit liban sa pagiging tanging kabuhayan, ang pag-arte raw ang kanyang buong mundo.
Aniya, “Nandiyan ang COVID, oo, pero hindi rin ako mabubuhay nang hindi umaarte at hindi nakakasama ang extended family ko.
"Yung mga katrabaho sa pelikula, mga make-up artists, stylists, cook—members of doing a film or teleserye—extended family ko iyan.
“Malalayo ang mga anak ko. I’m alone lang in my house and yun talaga ang passion ko, e, to portray and give back do’n sa blessing.
"Na ipakita sa tao yung kakayahan natin sa tao to make them watch, yung character na pino-portray natin.”
Bukod sa kanyang best acting awards, including isang Best Actress trophy mula sa Cannes Film Festival sa France, malaking biyaya rin para kay Jaclyn ang magagandang proyektong inaalok sa kanya.
Isa na rito ang latest project niya sa GMA-7 na The World Between Us, sa direksiyon ni Dominic Zapata at pinagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez at Dina Bonnevie.
Sabi ni Jaclyn sa online mediacon ng The World Between Us, “How can you say no to a project like this, with Alden, with Direk Dom, Dina?
“How can you say no to these actors and this kind of project na ino-offer?"
Katatapos lang ang first season nitong GMA prime-time series noong gabi ng Biyernes, August 27, 2021, at muli itong babalik sa telebisyon sa Nobyembre.
Ang karakter ni Jaclyn dito na si Yatchie, ang isa sa kinagiliwan ng manonood sa first season ng teleserye.
Kumento ng aktres sa kanyang role, “Si Yatchie kasi, nilagay ko siya do’n sa puwesto ng mga yaya, kasambahay.
“Binalanse ko kasi ang sosyal ng show namin, di ba? Ang linis, ang perfect, ang smooth.
"'Tapos ang mga English, talagang grabe, di ba? Isang mataas na de-kalidad na soap sa prime time.
“So si Yatchie, nandito siya sa mga kasambahay natin, sa mga kaibigan natin. Pero hindi lang siya basta nandiyan.
"May dahilan kung bakit siya nasa bahay ng mga Libradilla. May dahilan kung bakit siya ang nagpalaki dito sa mga batang ito, pati kay Louie [Alden].
"May malalim na dahilan at mari-reveal iyan, 'tapos titigil para abangan nila kung ano ang pupuntahan ng revelation. It’s gonna be a big revelation.”
Dalawang buwan daw mamamahinga ang cast and crew ng The World Between Us, pero ngayon pa lang daw ay nilu-look forward na ni Jaclyn ang susunod na lock-in taping nila.
Pagbabahagi niya, “To see our family again... Mami-miss ko kayong lahat. Lahat ng cast, crew, staff, make-up artists. Lahat ng may kinalaman sa bubble.
“Kasi nasa isang bubble lang talaga kami, and ako, makulit ako na tao. So I tend to mangulit to anyone.
"At binigyang-diin nga niyang muli na, “Extended family ang tawag ko sa kanila, sa mga katrabaho.”
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.