Natawa lang si Ruffa Gutierrez nang malamang siya pala ay trending sa TikTok.
Ito ay matapos maglabas ng sama ng loob ang Reina ng Tahanan contestant o Reinanay na si Marilyn Lagsa dahil sa naging comment ni Ruffa sa It's Showtime noong September 7, 2021.
Ang "Reina ng Tahanan" ay isang segment ng It’s Showtime, kung saan hosts sina Vice Ganda, Kim Chiu, at Vhong Navarro, at judges sina Ruffa, Amy Perez, at Janice de Belen.
Sa himutok ni Marilyn na una niyang nai-post sa kanyang YouTube channel noong September 11, sinabi niyang "pinahiya" siya ng isang judge na "hindi marunong umintindi" at "hindi nag-iisip."
Hindi pinangalanan ni Marilyn ang judge na ito.
Pero nung araw na sumali si Marilyn sa "Reina ng Tahanan" ay si Ruffa ang may pinakaprangkang komento tungkol sa istorya ng buhay ng contestant na may apat na anak, na iniwan sa kanyang ina nang walang sustentong binibigay.
RUFFA UNAWARE SHE IS TRENDING
Kahapon, September 15, na-bring up sa It's Showtime ang pagte-trend ni Ruffa dahil nai-repost na ito sa TikTok at naging usap-usapan ng netizens.
@eleonorpl Reinanay contestant MARILYN LAGSA bumuwelta kay RUFFA GUTIERREZ! ##fyp? ##fyp ##foryoupage ##foryourpage ##fypage ##ruffaguttierez ##marilynlagsa ##reinanay
? original sound - Eleonor Perez
Sa simula, binanggit ni Vice na maraming natutuwa sa dynamics nina Ruffa, Janice, at Amy bilang judges na kahit magkakaiba sila ng pananaw ay nagkakasundo sila.
Biro ni Amy: “At may nagtetrending sa TikTok,” sabay turo kay Ruffa.
Tila hindi naman aware si Ruffa kaya balik-tanong niya kay Amy: “Ako ba?”
Komento naman ni Janice: “Hanggang ngayon, usap-usapan ka pa rin!”
Sabi ni Ruffa: “Ay, hindi ko alam, ano iyon? I’m so clueless!”
Biro ni Janice, “Mainitin daw pala ang ulo mo.”
At saka sinabi ni Vice na may sinabi si Marilyn: “Sinagot ka na ni nanay sa TikTok."
Sagot ng clueless pa ring si Ruffa: “Sinong nanay, mommy ko?”
At saka ipinaalala ni Vice ang nangyari noong September 7.
Sabi lang ni Ruffa dito habang natatawa: “Ay wow, si Mother! Hello, Nanay! Hello there!”
Pagkatapos nito ay iniba na ni Vice ang usapan at itinuon sa tatlong judges.
Sabi ni Vice, "Ang maganda diyan, natutuwa sa inyo ang mga Reinanays, mga madlang pipol na nanonood.
"Kasi nakakatuwa silang tatlo pero seryoso rin naman sila, and, at the same time, fun!
"E, dapat ganun naman talaga ang mga nanay di ba? Nanays are not boring!"
Nang matapos naman si Ruffa sa segment niya sa It's Showtime nung araw na iyon, nag-tweet ito tungkol sa pagti-trend niya sa TikTok.
Sabi lang ni Ruffa: “I’m trending on TikTok daw?? Lol Anong ganap? I’m clueless.”
ang naganap na SEPTEMBER 7 INCIDENT sa IT'S SHOWTIME
Ang nangyari sa live airing ng show noong September 7, sa ina mismo ni Marilyn nanggaling na hindi raw ito nagbibigay ng sustento sa kanya at sa mga apo na sampung taon nang nasa kanya.
Sagot naman ni Marilyn, naghahanapbuhay at nagsusumikap daw siya para sa future ng kanyang mga anak at maging ng kanyang mga magulang.
Nakausap din nina Vice at Kim si Marilyn, na klinaro niyang magkalapit lang daw sila ng bahay ng kanyang ina at napupunta-puntahan niya ang mga anak.
Mahal na mahal rin daw ng mga anak ang lola nila kaya mas pinipili nilang umuwi sa bahay nito.
Hindi man sang-ayon si Vice sa mga narinig mula kay Marilyn, nag-pledge pa rin siya—pati na rin si Kim—ng ayuda para sa ina ni Marilyn na naiyak sa stage.
Nang mag-comment naman si Ruffa bilang judge, inamin niyang na-“high blood” siya habang pinapakinggan ang mga tinuran ni Marilyn.
Sabi ni Ruffa kay Marilyn, “Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si Ate Janice at si Ate Amy.
"Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 years na hindi mo sinusustentuhan.
"Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina, pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo.”
Nag-trending ang part na ito sa Twitter at TikTok lalo na nang mag-tweet si Ruffa na na-"BADTRIP" siya sa nalaman.
Sabi ni Ruffa sa Twitter, “Nakaka BADTRIP. Love your children. Nurture them, care for them, DO NOT ABANDON THEM.”

Marami namang sumang-ayon kay Ruffa sa social media. Narito ang ilan sa tweets:
MARILYN airs her side
Noong September 11, nag-upload ng dalawang video si Marilyn sa YouTube na naging sagot niya sa tinamong social-media bashing.
Sa unang video, kalmadong nagpaliwanag si Marilyn at sinabing walang katotohanan ang sinabi ng kanyang ina sa national TV na hindi siya nakakapagbigay ng sustento sa mga magulang at anak.
Mapapatunayan raw niya sa pamamagitan ng mga litrato na hindi niya pinabayaan ang mga anak, lalo na noong nagsimula siyang mangupahan ng bahay na malapit sa kanyang mga magulang at anak noong 2016.
Hindi lang daw niya alam paano kokontrahin ang sinasabi ng nanay niya dahil ayaw niyang lumabas ito na sinungaling.
Paliwanag ni Marilyn, “Kalokohan po talaga iyong sinasabi nilang ganun kasi noong time po na iyon, paliguy-ligoy na ako, hindi ko na rin alam pano sasabihin iyong totoo.
“Dahil sa live po na iyon, kung sasabihin ko po iyong totoo, lalabas po talagang sinungaling ang nanay ko which is iniisip ko po talaga iyon nang sobra-sobra.
“Marami pong makakapagpatunay niyan kahit mga kapitbahay po namin na hindi po ako ganung klaseng ina.”
At kung totoong pabaya siyang ina, bakit raw siya nakasali sa "Reina ng Tahanan"?
“Nagtataka lang po ako sa Showtime or sa ‘Reinanay’ segment na iyon, kung ganun po akong klaseng ina, bakit pa nila ako pinasa?
“Kasi from the start pa lang, marami kaming family picture na sinend sa kanila. Sabihin nating dalawa, pero maraming makakapagpatunay na naka-save dito sa cellphone namin ng partner ko na sama-sama kami simula noong nanganak ako sa bunso ko hanggang sa tumira kami sa iba-ibang lugar, kasama ko. Dahil ayoko ngang mawalay sa akin iyong anak ko.
"Kaya sobrang kalokohan talaga iyong sinasabi ng nanay ko na 10 years iniwan ko na walang padala.”
Apektado rin daw ang panganay na anak ni Marilyn sa nangyayaring pambabatikos sa kanya.
Pagkatapos ng segment ay nakapag-usap pa sila ni Amy Perez tungkol sa kanyang sitwasyon.
Patuloy ng Reina ng Tahanan contestant, “Sa totoo lang, masama ang loob ko noon, sumasabay lang ako sa daloy dahil ayokong masira iyong programa nang dahil sa akin.
“Kaya nga pagkatapos po noon, humahagulgol po ako sa iyak.
"Kinakausap po ako ng mga staff, kahit nga po si Ma’am Amy Perez, kinausap ako. Matagal din po siyang nakipag-usap sa akin.
“Kaya po lutang ako noong umuwi ako ‘tapos noong nasa van po kami ng nanay ko, tinanong ko rin po nanay ko kung bakit niya nasabi iyon or iyon ang itanong niya sa akin. Hindi siya sumasagot.
“Sa totoo lang, kahit hanggang ngayon, hindi ko rin alam kung bakit, e.
"Tinatanong ko siya, kinakausap ko iyong mga kapatid ko kung anong sagot niya, kung bakit, inaabangan ko. Hanggang ngayon po, wala talagang kasagutan.”
Nalungkot si Marilyn dahil ang dapat sana ay masaya niyang karanasan sa pagsali sa contest ay naging “bangungot” dahil daw sa pamba-bash na kanyang natamo.
MARILYN HITS AT REINA NG TAHANAN JUDGE
Ang pangalawang video ay tungkol sa isang judge.
Nag-iba na ang mood at hindi na kalmado rito si Marilyn dahil patuloy pa rin ang pambabash sa kanya.
At saka niya inulit na ayaw niyang lumabas ang nanay niyang “sinungaling” sa mga sinabi nito sa live TV.
Ipinakita pa ni Marilyn sa video ang panganay niyang anak para mapatunayang sa kanya nakatira ito.
Nakapag-usap na rin daw sila ng kanyang ina tungkol sa isyu.
Ang naging sagot lang daw ng nanay niya sa kanya: “Kasi anak wala akong masabi, e.”
Sabi ni Marilyn dito, “Ang dami-dami naman pong tanong related sa buhay ko, sana po nagpakatotoo kayo.
"Di niyo po alam ano iyong nangyari sa akin, sa totoo lang talaga, akala niyo po ba, nakikipag-tsismisan lang po kayo na parang kapitbahay na nagsasalita kayo? Kahit anong sabihin niyo, ayos lang?
“Naka-live po tayo noong time na iyon, sana po man lang kahit papaano, naabisuhan din po kayo ng nag-interview sa iyo sa segment.”
Inulit din ni Marilyn na parang bangungot daw ang nangyari sa kanya, saka siya naghimutok ulit laban sa isang judge na aniya ay pinahiya siya.
Sabi niya, “May isang judge na hindi rin po marunong umintindi, pinahiya rin po ako.
“Sana noong time din po na iyon, naisip din niya na naka-live din kami, hindi rin po marunong mag-isip iyong judge na iyon.
“Sa halagang limang libong consolation prize, hindi ko pa nga nare-receive, e, yung perang naano ko dun sa segment na iyon.
“Sa halagang ganun lang, nilaglag iyong pagkatao ko. Paka hirap. Napakahirap po.”
Kinontak na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang It's Showtime, thru ABS-CBN's Integrated Corporate Communications, para kunin ang opisyal na pahayag ng noontime show tungkol sa mga tinuran ni Marilyn.
