PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda makes fun of aircon in Showtime studio

"Kapag nagka-franchise...dito na kayo oorder ng yelo!"
by James Patrick Anarcon
Published Sep 20, 2021
Though expressed in a joke, Vice Ganda amps up capacity of ABS-CBN studios to operate in top gear: "Wala pang franchise iyan, ha!"
PHOTO/S: It's Showtime (ABS-CBN)

Nag-iwan ng witty remark ang It's Showtime host na si Vice Ganda tungkol sa mga contestant na nilalamig sa studio ng noontime show.

Noong Sabado, September 18, 2021 ginanap ang grand finals ng season five ng "Tawag ng Tanghalan" segment ng programa.

Pagkatapos ng bawat performance ay nakikipagkuwentuhan ang hosts na sina Vice Ganda at Kim Chiu sa mga contestant.

Napag-alaman naman nilang nawalan ng boses ang contestant na si Gem Cristian noong sumalang siya sa finals.

Nang tanungin ni Kim si Gem kung bakit siya nawalan ng boses, si Vice na ang sumagot para sa kanya.

Sabi ni Vice, "Giniginaw kasi siya kapag nandidito siya sa studio."

Paliwanag naman ni Gem, "Hindi talaga ako sanay kasi sa aircon, Ma'am."

Biro naman ni Kim, "Naku, pagalitan natin iyong hotel. Tanggalin natin iyong aircon."

Nagkuwento naman si Vice ng nangyari na noon kay Gem sa unang pagsali niya sa "Tawag ng Tanghalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Vice, "Noong sumali siya rito 'tapos nanalo siya, dahil sa aircon, nawalan siya ng boses. Kaya noong naka-recover siya bumili siya ng aircon para masanay yung lalamunan niya sa aircon."

Sagot ni Gem, "Pero mas malakas talaga dito. Sobrang lakas talaga."

Sagot ni Vice, "E, kasi nakakabit sa horsepower ito. Pangputukan!"

Saka may hirit pa si Vice na nagpahalakhak sa mga hurado.

Aniya, "Ang lamig dito, di ba? Wala pang franchise iyan, ha!"

Ang ibig sabihin ni Vice ay sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN ay tuloy pa rin ang lakas ng facilities nito.

Patuloy niya, "Kapag nagka-franchise ito alam niyo na, dito na kayo oorder ng yelo! Sa gate pa lang ng ABS baka nakalagay nang 'Ice For Sale.'"

Maging sina Kim at Gem at napahalakhak na rin.

Sabi naman ni Vice, pinapatawa niya lang si Gem para hindi madismaya sa kanyang performance dahil sa pagkawala ng kanyang boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
@gerardbalabat

VICE TO CONTESTANTS NA NANLAMIG SA STUDIO: @unkabogableviceganda "WALANG FRANCHISE YAN HA!" ???? ##itsshowtime ##tnthulingtapatan ##tawagngtanghalan ##fyp? ##foryou

? original sound - Gerard Cagaitan Balabat

NON-RENEWAL OF ABS-CBN FRANCHISE

Mahigit isang taon nang walang congressional franchise ang ABS-CBN.

Noong July 10, 2021, kinitil ng 70 congressmen ang prangkisa ng ABS-CBN. Naging dahilan ito para mawalan ng trabaho ang ilang libong empleyado ng network.

Pero nakahanap naman ng paraan ang Kapamilya network para magpatuloy ang pag-ere ng mga programa nito.

June 2020 pa lang, isang buwan matapos mag-isyu ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order para sa pag-ere ng ABS-CBN, binuo na ng network ang Kapamilya Channel sa cable.

Naging available na uli ang mga programa ng ABS-CBN sa free TV noong October 2020 nang magkaroon ang network ng blocktime arrangement sa A2Z Channel 11.

It's Showtime ang isa sa mga unang programang napapanood sa A2Z.

Napapanood na rin ngayon ang prime-time programs at ASAP Natin 'To sa TV5 sa pamamagitan din ng blocktime arrangement.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Though expressed in a joke, Vice Ganda amps up capacity of ABS-CBN studios to operate in top gear: "Wala pang franchise iyan, ha!"
PHOTO/S: It's Showtime (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results