Napaluhod si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang tribute segment sa Miss Universe Philippines 2021 pageant ngayong Huwebes ng gabi, September 30.
Nagkaroon ng sariling segment si Rabiya na nagsilbing tribute para kanya bago niya ipasa ang korona sa magwawaging Miss Universe Philippines 2021.
Nagsilbing pagbabalik-tanaw ang segment sa naging journey ni Rabiya mula nang manalo siyang Miss Universe Philippines noong 2020 hanggang sa ni-represent niya ang bansa sa Miss Universe 2020.
Nang matapos ang kanyang pagrampa at maglakad papunta sa gilid ay nadulas si Rabiya at napaluhod sa stage.
Nang muling makatayo ay chill lang si Rabiya sa nangyari sa kanya.
Paalala pa niya sa mga manonood: "Once you [fall], you have to stand up."

Pagkatapos nito ay kinausap siya ng host na si KC Montero tungkol sa mga plano niya pagkatapos ng kanyang reign.
Ayon kay Rabiya, tuluy-tuloy na ang pagpasok niya sa showbiz at gusto niyang maging host. Biro pa niya kay KC, aagawin daw niya ang trabaho nito bilang host!
Hinangaan naman ng maraming netizens si Rabiya sa pagiging cool sa nangyaring blooper sa kanya.
Narito ang ilan sa mga tweets:
Pagkatapos naman ng kanyang pagkakadulas, agad na nag-update si Rabiya sa kanyang Instagram stories.
Sabi lang niya sa three-second clip, "Don't worry guys, I'm okay."
