PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bernadette Sembrano explains why she remains a Kapamilya

"Bukal ang panalangin na sana’y magtagumpay ang Kapamilyang umaalis."
by James Patrick Anarcon
Published Oct 2, 2021
Bernadette Sembrano on being a Kapamilya: “Sa pamilya , kapag umalis si tatay , si ate, ang mga kuya — Hindi naman nawawala ang pagiging pamilya . May nalulungkot, may nahihirapan , may mangungulila— may sasalo sa naiwang responsibilidad — Pero Bukal ang panalangin na sana’y magtagumpay ang Kapamilyang umaalis."
PHOTO/S: @bsaguinaldo on Instagram

Naniniwala si Bernadette Sembrano na mananatiling Kapamilya si Kim Atienza sa kabila ng paglipat nito sa GMA-7.

Hindi lamang si Kim kung hindi ang iba pang Kapamilya na “napilitang umalis” at lumipat dahil sa hindi pagkaka-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa isang Instagram post kagabi, October 1, nag-post si Bernadette ng selfie kasama si Kuya Kim.

Dito ay ipinahayag din ni Bernadette ang kanyang well wishes para sa dating kasamahan sa TV Patrol.

Panimula ni Bernadette sa kanyang post, “Will miss Kuya Kim :) and we sincerely wish him well :)”

Kasabay nito ang isang appreciation post kung bakit ang Kapamilya ay mananatiling Kapamilya.

Aniya, marami ang nalulungkot sa tuwing may umaalis pero hindi nawawala ang pagiging pamilya.

Paliwanag ni Bernadette (published as is), “But this is also an appreciation post on Why Kapamilya is Kapamilya .

“Sa pamilya , kapag umalis si tatay , si ate, ang mga kuya — Hindi naman nawawala ang pagiging pamilya . May nalulungkot, may nahihirapan , may mangungulila— may sasalo sa naiwang responsibilidad —

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero Bukal ang panalangin na sana’y magtagumpay ang Kapamilyang umaalis .

“This is why I am a proud Kapamilya . Kasi Ganito ang pamilyang Pilipino.”

Alam din ni Bernadette na ang 11,000 na napilitang umalis dahil sa pagkawala ng prangkisa at ang mga talent na piniling lumipat ay mananatili pa ring Kapamilya.

“Kapamilya pa rin ang 11,000 na napilitang umalis .

“Kapamilya pa rin ang Mga pinipiling umalis .

“Pamilya pa rin . Always. #kapamilyaforever”

Nagpasalamat din si Bernadette sa Kapamilya viewers na sa ABS-CBN pa rin pinipiling manood kahit limited ang reach nito dahil sa pagbasura ng Kongreso sa kanilang prangkisa.

“And salamat po sa INYO Kapamilya —

“I know kahit Mahirap mapanood ngayon - I know our kapamilya viewers will remain- and we will continue to do our best for you . #labanlang

“Salamat po !”

Sa huli ay nag-iwan ng maikling mensahe si Bernadette kay Kuya Kim: “Love you , @kuyakim_atienza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“WE LOVE YOU KAPAMILYA

“#kapamilyavote2022 tayo ha.”

Kahapon, October 1, ang last day ni Kuya Kim sa TV Patrol at bilang Kapamilya.

Sa mga susunod na araw ay nakatakda nang i-welcome si Kuya Kim sa GMA-7.

Sa kabilang banda, si Bernadette naman ay galing sa GMA-7 bago siya naging Kapamilya. Taong 2003 nang magdesisyong lumipat si Bernadette sa ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bernadette Sembrano on being a Kapamilya: “Sa pamilya , kapag umalis si tatay , si ate, ang mga kuya — Hindi naman nawawala ang pagiging pamilya . May nalulungkot, may nahihirapan , may mangungulila— may sasalo sa naiwang responsibilidad — Pero Bukal ang panalangin na sana’y magtagumpay ang Kapamilyang umaalis."
PHOTO/S: @bsaguinaldo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results