Dinaan lang sa biro ng ABS-CBN actress na si Kira Balinger ang fake news na siya ay lilipat sa ibang istasyon.
Ngayong hapon, October 5, 2021, ni-retweet ni Kira ang isang tweet ng netizen na nagsasabing iwe-welcome siya sa GMA-7.
Sabi ng netizen na may handle na @for_keeps, "Former Star Magic talent KIRA BALINGER will also be joining GMA Network!
"Welcome and Congratulations, Kapuso!"
Pabiro naman itong sinagot ni Kira, "Ows talaga? Di ko alam to ah!"

Si Kira ay talent ng ABS-CBN simula 2016. Una siyang nakilala nang maging bahagi siya ng The Story of Us na pinagbidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.
Naging bahagi rin siya ng mga teleseryeng The Greatest Love (2016-2017) at Pamilya Ko (2019-2020).
Dapat sana ay magbibida na noon si Kira kasama si Yves Flores sa isang proyekto subalit hindi ito natuloy.
Noong November 2020, nabigyan ng malaking break si Kira sa kanyang career nang maging bida siya sa Book Two ng ABS-CBN drama series na Ang Sa Iyo Ay Akin, katambal si Grae Fernandez.
Kasama si Kira sa mga nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN at Star Magic noong December 2020.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
