Yasmien Kurdi naging pasaway dati pero hindi kailanman nagrebelde

by Rommel Gonzales
Oct 9, 2021
Yasmien Kurdi plays the colorful story of singer/producer/director Elaine Carriedo-Lozano in the October-9 episode of Magpakailanman.
PHOTO/S: Thea Tolentino (L); PR

Naging rebelde ba si Yasmien Kurdi noong kabataan niya?

"I would not say na nagrebelde ako," ang sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap siya sa pamamagitan ng e-mail kahapon, October 8, 2021.

Dugtong niya, "I think more of dun sa naging pasaway lang. I guess may stage talaga tayo sa buhay natin na ganun.

"Pero it also depends din sa sitwasyon mo. Like for me, at a young age, I need to support myself, so kanino pa ba ako magrerebelde? Sa sarili ko?

"At a young age, I was given the opportunity to build my own career nang sumali kami sa StarStruck, which I was very thankful for kasi parang dun nabuhos lahat ng energy ko."

Taong 2003 nang sumali si Yasmien sa StarStruck, kung saan tinanghal siya bilang First Princess. Siya ay 14 years old noon.

Naitanong ang tungkol sa pagrerebelde dahil sa karakter niya bilang drug addict sa bagong episode ng Magpakailanman na pinamagatang "Rebeldeng Anak, Ulirang Ina: The Elaine Carriedo-Lozano Story."

Continue reading below ↓

Si Elaine ay isang aspiring singer noon, pero mas nakilala sa showbiz bilang line producer. Kabilang sa mga projects niya ay mga pelikulang pinagbidahan ni Richard Gutierrez gaya ng The Promise (2007), My Bestfriend's Girlfriend (2008), at When I Met U (2009).

Siya ang mommy ni Matt Lozano, na gaganap bilang Big Bert sa Voltes V: Legacy.

Ayon kay Yasmien ay nakatrabaho niya bilang direktor si Elaine sa Click.

Colorful ang life story ni Elaine, at challenging para kay Yasmien na gampanan ang role.

Aniya, "Yes, first time ko po na mag-portray na isang drug addict sa palabas. Nag-usap po kami ng personal ni direk Elaine, ang character ko, at nai-share niya ang mga epekto sa kanya ng illegal drugs noon.

"Direk Adolf also assisted me sa execution ng character na lulong sa droga.

"Ang peg ko naman ay mga pasyente ko before nung ako ay nag-aaral pa ng nursing.

"Dun ko kasi nakita sa kanila ang after effect ng drugs, ang mga sintomas ng drug withdrawal, at mannerisms kahit na sila ay malinis na," ang kuwento ng Kapuso actress.

Ano ang mga pagkakapareho nina Yasmien at Elaine? Na-meet ba ni Yasmien sa personal si Elaine?

"Yes, na-meet ko na po si Direk Elaine long time ago, and I know a part of her story already even before then. She’s not afraid to share it. Very inspirational po ang kuwento niya at kapupulutan po talaga ng aral.

"It was such an honor and a humbling experience to be portraying her character. I am no way near sa pagiging matapang at matatag niya sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. Kung meron man kaming pagkakapareha, I guess yung madali kaming magtiwala sa tao.

"I don’t know, maybe it can be good or bad. But more than anyone else, we should put our full trust to the Lord; we can never go wrong with Him.

Continue reading below ↓

"For me, yun ang moral lesson ng story niya."

Ang Magpakailanman episode ay sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., panulat ni Benson Logronio, at pananaliksik ni Georis Cielo Tuca. Bukod kay Yasmien (as Elaine) ay mapapanood rin sa fresh episode na ito sina Marlon Mance as Jackie, Gilleth Sandico as Cynthia, at JC Tiuseco as Gary.

Eere ang part 1 nito ngayong October 9, Sabado, alas siete y kinse ng gabi.

LOCK-IN TAPINGS

Nakakailang lock-in taping na si Yasmien?

"I did two shows already: I Can See You (The Promise) and Las Hermanas.

"But all in all, three lock-in tapings na po."

Ano ang mga challenges sa kanya kapag naka-lock in taping? Paano niya nao-overcome ang mga ito?

"Una sa lahat ay wala ka sa family mo. Nandun yung feeling na ‘so near yet so far.’

"Parang hindi mo kontrolado ang nangyayari sa loob ng pamamahay mo.

"But eventually you get over it kapag busy ka na. For me, mas mahirap yung quarantine part compared dun sa actual taping days.

Continue reading below ↓

"Marami ka kasing idle moments kapag quarantine, so ang daming bagay ang tumatakbo sa isip mo. Pero kapag taping days na busy ka na, so nalilimutan mo na ang lungkot."

Mabuti na lang daw at nangyari ang pandemya na uso na ang video calls.

"Malaking tulong din talaga yung technology nowadays kasi kaya mong mag-update sa bahay, most especially sa anak ko, anytime of the day."

Si Yasmien at ang asawang si Rey Soldevilla Jr. ay eight-year-old na unica hija, si Ayesha Zara,

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi plays the colorful story of singer/producer/director Elaine Carriedo-Lozano in the October-9 episode of Magpakailanman.
PHOTO/S: Thea Tolentino (L); PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results