Gold Aceron reveals traumatic experience that made him quit acting; dreams of becoming an action star

by Jerry Olea
Oct 30, 2021
Gold Aceron on working with Nico Locco in BL series Love At The End of the World: “Naging close kami dahil sa pag-food trip. Pag food trip, lagi ko siyang katapat sa pagkain. Inaalok niya ako lagi ng pagkain, ganun. Magaan si Nico na kasama, e! Happy, challenging siya. Masaya lang kami sa shoot. Para kaming magbabarkada lahat. Ang gaan lang!”

Napalaban si Gold Aceron sa underwater kissing scene nila ni Nico Locco sa BL series na Love at the End of the World. Nakiliti ba si Gold sa balbas at bigote ni Nico?

“Hindi naman!” pagbungisngis ni Gold sa virtual chikahan nitong Oktubre 28, Huwebes ng hapon, via Zoom.

“Ano na lang, nilaban ko na, e. Kasi, nakakailang take na rin po kami that time, kasi sobrang hirap lumangoy. Sobrang hirap!

“Kailangan po munang bumuwelo, dahil ganito yata kalalim,” pagmumuwestra ni Gold, “tapos, lalangoy pa ako sa ilalim para doon.

“E, maano lang yung hininga ko… mabilis malagutan. So, pagka iki-kiss ko pa lang siya, nawawala na yung hininga ko, napapaangat agad ako.

“Tapos, ayun…. Kinilig! Hiyaaaahhhh!!!” So, maalat-alat yung halikan nila?

“Opo, maalat-alat, tapos, masakit sa mata,” mabilis na pag-ayon ng young actor.

Kinunan ang underwater scenes nila sa dagat ng Oriental Mindoro, malapit sa bayan ng Socorro. Mahigit anim na oras sila sa dagat, sa loob ng dalawang araw.

Continue reading below ↓

“Yung dagat, hindi naman malakas yung alon pero dun kami sa bandang gitna. Tapos, siyempre, kapag magte-take, wala kaming… pang-ingat,” salaysay ni Gold.

“Hindi kasi kami puwedeng mag-life vest, kasi makikita. So, ibinabato na lang yung lubid. Yung ganung ano, kaya mahirap. Kasi, malalim, tapos nakakatakot yung tubig.

“Tapos, nung hapon na nag-shoot kami, biglang lumakas ang alon."

Hubo’t hubad si Nico sa underwater scene. Ano ang reaksiyon ni Gold nang masilayan niya ang mahiwagang ahas?

Natatawang sagot ni Gold, “Nagulat! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ang laki ng sawa!”


Continue reading below ↓

BL PROJECT

Siyam na episodes ang Love at the End of the World, na nilikha at idinirek ni Shandii Bacolod.

Naka-focus kina Gold at Nico ang Episode 3 (“We Need To Talk About Tony”), pero bahagi rin sila ng Episode 5 (“It’s Raining Fish, Hallelujah!”) at Episode 9 (“Nostalgia”).

Paglalarawan ni Gold sa kanyang role, “Ako po dito si Ian, isa siyang tour guide. Na-meet ni Ian si Tony [karakter ni Nico] dun sa island.

“Si Tony, depressed, walang-wala. Kumbaga, suicidal na siya. Bilang Ian, nag-support ako sa kanya, nag-guide. Ipinakita ko sa kanya na masarap pang mabuhay, and marami pang pag-asa.”

Ano ang reaksiyon niya nang i-offer sa kanya ang BL project na ito?

Napangiti si Gold, “Siyempre, happy ako, sobrang saya ko nun. Kasi, bagong project na naman. Tapos, nalaman ko, si Mama Shandii [Bacolod] ang direktor.

“In-explain sa akin ni Mommy Shandii yung story ng Love at the End of the World and yun, nagustuhan ko. Sabi ko, challenge na naman ‘to, ahh. Parang mabigat na naman yung mga eksena.

Continue reading below ↓

“May underwater scene pa. First time ko na may underwater scene. So, laban ko na ‘to!

"Kailangan ko ng project ngayon, pandemic. Mahirap. Mahirap makahanap. And then, yun…

“Nung nag-start na kami, medyo kinakabahan ako nun. Kasi, siyempre kay Nico Locco, first time kong matapat sa isang foreigner, e. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Medyo nailang ako pero… laban ‘to! Panibago, e. Bagung-bago talaga sa akin ‘to, bagung-bago sa pandinig ko.”

Kumustang katrabaho si Nico?

“Komportable ako kay Nico Locco, e, kasi ano siya, vibe siyang kausap. Tapos, palatawa. Tapos, bago kami mag-shoot, lagi niya akong inaaya na mag-rehearse kami, magbasa kami ng script.

“Naging close kami dahil sa pag-food trip. Pag food trip, lagi ko siyang katapat sa pagkain. Inaalok niya ako lagi ng pagkain, ganun. Magaan si Nico na kasama, e!

“Happy, challenging siya. Masaya lang kami sa shoot. Para kaming magbabarkada lahat. Ang gaan lang!”

HOT STORIES

INDECENT PROPOSALS

Nag-best actor si Gold sa Cinema One Originals filmfest 2019 at Pista ng Pelikulang Pilipino 2020 para sa pelikulang Metamosphosis, kung saan gumanap siya bilang isang intersex.

Continue reading below ↓

Sa “Ivan & Jack” episode ng GagaOOLala anthology na idinirek ni Adolf Alix Jr, gumanap naman si Gold bilang vidjakol boy.

Sa heyPogi series na Beki Problems ay naging boylet siya ni Chad Kinis. Ngayon ay heto na naman siya sa isang mapangahas na BL project.

Maikukunsidera ba niya ang sarili ba sexy?

“Ahhmm, di ko lang din po alam,” malumanay na sagot ni Gold, tila naninimbang sa mga bibitawang salita.

“Siguro, dahil sa mukha ko kasi. Yung mukha ko, parang ano… puwede raw lalaki, tapos, puwede raw babae. Yun lang ang lagi kong naririnig.

“Naging tomboy na rin ako, sa Magpakailanman. Girl, boy, bakla, tomboy.”

Nakakatanggap ba siya ng mga indecent proposal?

Tumango si Gold, “Opo, nakakatanggap din po ako. Pero… OK lang.

“Ang unang chat kasi nung iba, ‘Hi. Hello. Kumusta?’ Siyempre, mabait tayo, tamang reply tayo ng ‘Hello, kumusta ka din?’ Ganyan-ganyan hanggang sa may mga mababanggit na sila na ganito-ganyan, ‘OK ba sa ‘yo ito?’

Continue reading below ↓

“Tapos, parang… meron silang inaalok. Nagse-send sa akin ng mga picture ng magaganda, tapos sabi, ‘Punta tayo dito. Punta tayo sa ganyan.’

“Parang… pag kasama daw niya ako, may ibibigay daw siya. Yung mga ganun lang naman na ano, pero ano lang naman, nire-reply-an ko nang maayos.”

Kumusta ang love life niya?

“Status: complicated po. Ha! Ha! Ha! Ha! Ang buhay pag-ibig ko naman sa ngayon, wala naman,” pagbuntong-hininga ni Gold.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓

DREAM OF BEING AN ACTION STAR

Gustong maging action star ni Gold noong bulilit pa siya.

“Nag-start ako noong eight [years old] ako, ang dami ko nang naging role. Naging LGBT, naging epileptic, iba-iba. Naging bad boy rin,” pagbabalik-tanaw ni Gold.

“Naging bully, naging gay, iba-ibang karakter.

"Pero para sa akin, gusto ko talagang maging action star. Action talaga.

“Sa nakikita ko sa amin dati, laging ganoon. Tapos, nahilig akong manood noong bata ako ng Robin [Padilla movies]. Ha! Ha! Ha! Ha! Nahilig ako sa kanya talaga dati!”

Muntik nang tumigil si Gold sa pag-aartista dahil sa isang traumatic experience sa shooting.

“Gusto ko na pong mag-give up noon. First time ko pong mag-act sa TV, hindi ako makaiyak. Hindi akong marunong umiyak that time,” pagsisiwalat ni Gold.

“Batang-bata pa ako nun, mga nine [years old] po yata ako. Yung assistant director — hindi ko matandaan yung mukha niya — pero natatandaan ko lang, damit niya, gray. Tapos, naka-headset.

Continue reading below ↓

“Tandang-tanda ko, kasi ilalaglag niya ako sa ilog. Ilalaglag niya ako! Tinatakot niya ako! Tapos, hindi ko alam kung tama pa ba ito…

“Siyempre, yung erpat ko, bago pa rin lang sa ganito. So, wala siyang ginagawa. Pinapanood din lang niya ako. So, ilalaglag ako sa ilog.

“Dun ako naiyak. Naiyak ako nang sobra. Ang kaeksena ko dun, si Diether Ocampo. Nung pagka-take ng direktor, ‘Take!’ — hindi ko na naririnig yung sinasabi ng lahat. Tuluy-tuloy na akong umiiyak.

“Pagka-cut, sabi ko kay erpat, ayoko na. Ayoko na talaga ng ganito. Kinabahan ako, kaya bawat VTR after nun para sa commercial, pinapatalo ko.

“Hindi ako ngumingiti nang maayos. Kapag may audition, pinipilit kong hindi makapunta. Sasabihin ko, may pasok ako sa school.

Yun, ganun. Naramdaman ko talaga dati na ayoko na talaga! Kasi, ano ako, e, mabilis akong masaktan.”

Paano bumalik ang hilig niya sa pag-aartista?

“Ayoko na talaga nun, pero nung bumalik-balik, naintindihan ko. Tapos, dumami yung friends ko,” saad ni Gold.

Continue reading below ↓

“Nagsimula ulit ako. Nagustuhan ko na siya. Tapos, napanood ko yung One More Chance ni John Lloyd [Cruz].

“Doon naman, parang gusto ko naman maging John Lloyd! So, after nun, ginagalingan ko na sa mga audition. Gusto ko nang maging… gusto kong maging John Lloyd! Ganun.

“Pero ngayon, mas gusto kong maging action star talaga!”

Inaasam ni Gold na makalabas sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

“Gusto ko, barilan!” bulalas pa ni Gold.

“Habulan, ganyan. Kasi, dati, nag-Tukhang (2017) ako, meron kaming series na Tukhang kay Sir MVP, sa Cignal. Kasama ko roon sina James Blanco, Mon Confiado.”

Ano ang turning point para ma-appreciate niya ang pag-aartista?

“Na-appreciate ko yung pag-aartista, kasi napakalaking advantage pala talaga nito,” sabi ni Gold.

“Mararamdaman mo yung respeto ng tao. Yun.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gold Aceron on working with Nico Locco in BL series Love At The End of the World: “Naging close kami dahil sa pag-food trip. Pag food trip, lagi ko siyang katapat sa pagkain. Inaalok niya ako lagi ng pagkain, ganun. Magaan si Nico na kasama, e! Happy, challenging siya. Masaya lang kami sa shoot. Para kaming magbabarkada lahat. Ang gaan lang!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results