Jak Roberto kayang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig

by Rommel Gonzales
Nov 6, 2021
Jak Roberto, Magpakailanman
Jak Roberto on playing Jonel Borbon in Magpakailanman: "Sinubukan ko siyang gayahin. Pati yung hairstyle niya pinagaya ko sa barber shop."
PHOTO/S: @jakroberto on Instagram

Pagiging boksingero ang latest role ni Jak Roberto

“This is my first time to play the role of boxer. Isa ito sa dream roles ko," panimula ng binata sa e-mail interview nito sa Philippine Entertainment Portal kahapon, November 5, 2021.

Sa pagpapatuloy niya, "Kasi lahat ng ina-idolize ko na actors sa Hollywood, like Jake Gyllenhaal, Robert De Niro, and Denzel Washington, gumanap din na boxer and gusto ko rin yun masubukan dahil sobrang challenging nun emotionally and physically."

Gagampanan niya sa Magpakailanman episode mamayang gabi, November 6, ang life story ni Jonel Borbon, ang boxer na pinaaral ang asawa sa kolehiyo sa tulong ng boxing, kung saan kumikita siya ng hanggang PHP8,000 kada fight.

Gagawin ni Jonel ang kahit ano sa ngalan ng pag-ibig. Si Jak ba, hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pag-ibig?

Ang sagot ng boyfriend ni Barbie Forteza, "Hanggang sa lahat ng kaya kong gawin para sa magpapatibay at magpapasaya sa relasyon namin gagawin ko."

Continue reading below ↓

Paano nag-prepare si Jak para sa kanyang role?

"Ang naging preparation ko rito is pinanood ko lahat ng laban ni Jonel Borbon sa YouTube para malaman ko yung style niya sa boxing and stance niya.

"Since I do boxing naman as part of my workout, sinubukan ko siyang gayahin.

"Pati yung hairstyle niya pinagaya ko sa barber shop para maging believable ako sa story as Jonel Borbon."

Sino ang peg o paboritong boxer ni Jak?

"Ang peg ko rito is yung mismong case study na si Jonel Borbon, hinanap ko siya sa Facebook and YouTube para ma-peg sya as my character.

"Ang favorite boxer ko since retired na ang ating Pambansang Kamao ay isa rin sa idol ko na si Canelo Alvarez."

Ang Pambansang Kamao natin ay walang iba kundi si Manny Pacquiao, ang katangi-tanging eight-division world champion sa history of boxing at nanalo ng 12 major world titles.

Siya rin ang kauna-unahang boxer na napanalunan ang lineal championship sa five different weight classes at major world titles sa four of the eight glamour divisions: flyweight, featherweight, lightweight, at welterweight.

Continue reading below ↓

Si Alvarez ay isang Mexican professional boxer, na ayon sa Wikipedia, "has won multiple world championships in four weight classes from light middleweight."

Kilala bilang "formidable body puncher," Alvarez is "ranked as the world's best active boxer, pound for pound, by BoxRec, The Ring, the Boxing Writers Association of America, the TBRB, and ESPN" as of June 2021.

Ngayong Sabado ng gabi ipapalabas ang "Boxer and His Scholar: The Jonel and Mylen Borbon Story" sa direksyon ni Don Michael Perez, panulat ni John Roque, at pananaliksik ni Cynthia delos Santos.

Tampok rin sa naturang Magpakailanman episode sina Elle Villanueva bilang si Mai at Shermaine Santiago bilang Maritess.

Si Jak ay regular ring napapanood sa Stories from the Heart: Never Say Goodbye kasama sina Klea Pineda at Lauren Young.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jak Roberto on playing Jonel Borbon in Magpakailanman: "Sinubukan ko siyang gayahin. Pati yung hairstyle niya pinagaya ko sa barber shop."
PHOTO/S: @jakroberto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results