Kristof Garcia and Rex Lantano reveal story behind "finger-licking scene" in Love At The End of The World

by Jerry Olea
Nov 6, 2021
rex and kristof love at the end of the world
Rex Lantano and BidaMan finalist Kristof Garcia star in the first episode of the BL series Love At The End of The World, which will start streaming on December 30, 2021 on GagaOOLala. Kristof says about finger-licking scene with Rex, "Level one pa lang po yun, e. Parang… walang-wala pa po siya sa ibang ginawa. Parang patikim lang."

Payanig ang second teaser ng BL series na Love At The End Of The World, kung saan isinubo ni BidaMan Kristof Garcia ang kanang hintuturo ni Rex Lantano. Isinubo rin ni Rex ang kanyang daliri, at nag-smack sila kapagkuwan.

In-upload ang 19-second teaser noong Hulyo 23 sa YouTube channel ng Temporary Insanity Pictures.

Hulyo 28 nang i-publish sa nasabi ring channel ang BTS (behind-the-scenes) ng naturang teaser, na 2:28 (2 minutes and 28 seconds) ang haba.

Ano ang pakiramdam nila sa nasabing eksena?

“Tawanan lang,” sabi ni Kristof sa virtual interview nitong Nobyembre 4, Huwebes ng hapon, via Zoom.

Alumpihit na sambit ni Rex, “Medyo weird, kasi hindi ko pa ginagawa yun, yung kumain ng daliri. So, first time kong kumain ng daliri ko.”

Sambot ni Kristof, “Ako, jinoke ko na lang. Pinag-trip-an ko, kasi, ano po, e… level one pa lang po yun, e. Parang… walang-wala pa po siya sa ibang ginawa. Parang patikim lang.”

Continue reading below ↓

Ano ang lasa ng daliri ni Rex?

Napakunot-noo si Kristof, “Yung natikman ko, lasang coconut cream. Kasi, cream yun na ano, e… gata ba yun?

“Tapos yun, nabigay ko sa kanya, wala na. Laway na lang. Lasang-sibuyas.”

Napailing si Rex habang natatawa, “Ako, laway na lang.”

kristof & rex finger licking scene

Nakakaaliw ang teaser na yun, huh?! Nakakakilig!

Continue reading below ↓

Pagsisiwalat ni Kristof, “Na-ban yung teaser na yun, e. Nabura sa Twitter saka sa ibang mga platform. Ewan ko kung ba’t nabura. Sumabog siya sa Twitter, tapos nabura. Parang na-ban yung account.”

Susog ni Rex, “May time na bumili ako sa Select sa Shell. Tapos sabi, ‘Sir, di ba, ikaw yung kumain ng daliri?’

“May tao sa likuran ko, ako yung parang nahiya.”

Nagbiro si Kristof sa kapareha, “Finger-eater! Malay mo, makuha kang ambassador ng KFC. Finger-looking good.”

kristof garcia rex lantana love at the end of the world01

Continue reading below ↓

Kristof Garcia (left) and Rex Lantano (right)

"MALALANG EKSENA"

Ang co-stars nila sa BL series na sina Nico Locco at Elijah Filamor, nag-frontal nang wagas. Kaya ba nila iyong pantayan?

Napangiti si Rex, “Yung frontal po siguro nila, baka mapantayan nung isa naming ginawa na malalang eksena.

“Yeah, ang tapang nila na ginawa nila yung frontal, pero may matapang din kaming ginawa na hindi namin alam kung yung ibang nakatingin, nagustuhan ng iba, ‘Whoa! Ano 'yan, f*ck?!’ Ha! Ha! Ha!”

Natawa rin si Kristof, “Yung iba, nandiri. Ha! Ha! Ha! Pero… halos karamihan naman, nalibugan. Nagustuhan nila, e.”

Nagbida si Rex sa HeyPogi series na Daddy Love katambal si Victor Sy. Mas daring ba itong Love At The End Of The World?

Pagmamalaki ni Rex, “Wala pong sinabi yung pagka-daring ng Daddy Love dito. Dito, talagang all-out. Yung Daddy Love kasi, medyo pabebe pa ako dun, e. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓

rex lantano love at the end of the world

INDECENT PROPOSALS

Simula nang lumabas ang HeyPogi series na Daddy Love, dumagsa ang indecent proposals kay Rex.

Pag-amin ni Rex, “Ang market po nun, matatanda, like 50 years old pataas. Mga taga-abroad, ganun. Merong mga willing daw magsustento, ganyan.”

Natawa si Kristof. May nagpadala ba kay Rex?

“Hinihingi yung GCash ko at bank account, hindi ko ibinigay,” paghagikgik ni Rex.

Continue reading below ↓

“Kasi, mahirap na. Baka mamaya, i-screenshot, tapos ikalat pa na mukha akong pera, di ba? So, hindi ko ibinigay. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Siyempre pa, nakatanggap din ng mga ganung proposal si Kristof.

Natatawang sabi ng BidaMan finalist, “Mga business, resort sa Palawan, mga ganun. Iba-iba, yung pataasan sila ng mga deals.

“Ang ginagawa ko, nagpapasalamat ako. Kasi, na-appreciate nila na ganito pala yung worth ko.

"Nagsasabi ako in a nice way, ‘Hindi po talaga,’ sabi kong ganun. Hindi ko po talaga kaya,” pagtangu-tango pa ni Kristof.

kristof garcia solo

Continue reading below ↓

"MELANCHOLIA"

“Melancholia” ang title ng una sa siyam na episodes ng Love at the End of the World, na nilikha at idinirek ni Shandii Bacolod.

Naka-focus sa characters nina Rex at Kristof ang first episode.

Lahad ni Rex, “Ang karakter ko, si Sam. Malungkot siya, na pinasaya ng partner niya na si Ben. So, meron na lang kaming pitong araw bago sumabog yung mundo, or bago masira yung mundo.

“Ipapakita namin kung paano kami magmamahalan hanggang sa huli.”

Paglalarawan ni Kristof sa kanyang role, “Ako naman po dito si Ben, anak ng isang general. Only son ng general, maykaya sa buhay.

“At alam naman natin kung ano ang magiging struggle ng isang anak ng general na… nasa kanya lahat ng pangarap ng tatay niya.

“Pero mahihirapan siyang mag-out, kasi… dahil anak nga siya ng general, tapos yung pressure, nasa kanya. At hindi iyon matatanggap agad ng kanyang ama. Yun yung pagdadaanan ni Ben sa family side.

Continue reading below ↓

“Tapos meron din siyang pagdadaanan sa pagmamahal niya kay Sam. Kasi, hindi siya yung usual lang na pagmamahalan.

“Parang… papasok lang dito si Ben sa buhay ni Sam, at magiging conflict siya… kung makaka-help ba siya kay Sam, or makakagulo lang siya lalo.

“Si Ben ay happy-go-lucky, at malungkot din siya dahil nga sa pressure sa pamilya. At party… puma-party siya lagi.”

kristof & rex bathtub scene

Continue reading below ↓

SEXUAL CHEMISTRY WORKSHOP

Kumusta ang pagtatrabaho nila sa isa’t isa? Paano sila nag-bonding para maka-build ng chemistry at rapport?

Salaysay ni Kristof, “Nag-workshop kami, parang chemistry workshop, ganyan… sexual chemistry, ganun para maging kumportable sa isa’t isa.

“Nag-workshop kami nang walang damit, naka-boxers lang para kumportable sa isa’t isa, tapos, deep talk. Kinilala yung bawa’t isa para mas connected, ayun,” pagmumuwestra ni Kristof.

Pagbabalik-tanaw ni Rex, “July pa yung workshop namin na walang damit. Siguro, magsasalita ako bilang producer.

“Isa ako sa anim na EP [executive producer] na nagtulung-tulong para ma-produce itong Love At The End Of The World.

“Si Kristof, siya yung artistang walang arte. once tinanggap niya yung project, hindi ka niya papahirapan sa set.

“Kasi, nakita naman niya sa script kung ano ang nire-require namin.

“Nung nasa set na kami, OK, all out. All out siya. Tapos… parang… meron ngang isang very important na scene ni hiningi si Direk Shandii sa amin. Nakiusap siya.

Continue reading below ↓

“After naming gawin yung mga… medyo ‘mahalay’ na scenes, sabi niya, ‘Tof, Rex, OK lang ba na gawin natin ‘tong eksena na ‘to? Pero kung ayaw ninyo at hindi kayo komportable, OK lang, huwag nating gawin. Nagbabakasakali lang ako.’

“Si Direk Shandii 'yon, yung nagsabi nun. So, tinanong namin, ‘Ano po yun, Direk?’ Tapos, nung sinabi niya na, si Kristof, siya yung biglang, ‘Sige, Direk, gawin natin!’

“So, ako, sino ba naman ako na co-actor niya, plus isa rin ako sa producers, para humindi or what? So, nag-go rin ako. Si Kristof nga, nag-go, e! Ba’t ako, hindi maggo-go?

“Kaya mas napadali yung mga ganung eksena namin. Almost lahat, take 1 tayo, di ba, Tof, sa mga ganung scene?”

Katuwiran ni Tof, “Take 1… sabi ko, ibigay na lahat para take 1 na. Kasi, kung mag-iinarte ka, lalong magtatagal.

“Kung nag-iinarte ka, lalo siyang napapahirap, napapatagal, paulit-ulit. Pero kung ibinigay mo na lahat, isang beses lang, hindi ka na mahihirapan.”

Continue reading below ↓

kristof garcia rex lantano love at the end of the world03

MOST DIFFICULT SCENE

Kung madali lang nilang nagawa ang hubaran and harutan scenes, anong eksena ang nahirapan sila?

Namilog ang mga mata ni Rex, “Ahhh, ako may kuwento ako diyan. Ang saya-saya po kasi ng set ni Direk Shandii, e, as in lahat, masaya.

“So, imagine this. Punta kayo sa set, lahat masaya, tapos biglang sasabihin, ‘O, Rex, breakdown scene mo ‘to! Itodo mo na!’ ganyan-ganyan.

Continue reading below ↓

“Ako yung parang… Ha? Talaga, breakdown agad? Dun ako medyo nahirapan, yung araw na yun, yung bigla nila akong ipagbe-breakdown pagkatapos ng kasiyahan.”

Nag-second-the-motion si Kristof, “Naikuwento na ni Rex yung sobrang saya… ang tagal nating naghintay, kasi pag tinitingnan ko si Rex, natatawa ako. Hindi ako makaiyak.

“Kasi, usually pag umaarte ako, humuhugot ako sa ka-partner ko, e, para makaiyak. Pag lumalabas na yung luha ko, pag maiiyak ako, tapos titingin na ako kay Rex… nawawala. Natatawa ako sa kanya.

“Kaya sobrang nahihirapan ako. Sinuggest ko kasi sa kanya na huwag munang mag-usap, yung wala munang pansinan, ganun. E, wala. Hindi siya sumunod.

“Kaya ayun… kasalanan niya! Hindi! Biro lang! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Magpapaputok ang Love At The End Of The World umpisa Disyembre 30 sa GagaOOLala.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rex Lantano and BidaMan finalist Kristof Garcia star in the first episode of the BL series Love At The End of The World, which will start streaming on December 30, 2021 on GagaOOLala. Kristof says about finger-licking scene with Rex, "Level one pa lang po yun, e. Parang… walang-wala pa po siya sa ibang ginawa. Parang patikim lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results