Marian Rivera ecstatic over Tadhana's fourth anniversary

by Rose Garcia
Nov 13, 2021
Marian Rivera birthday OOTD, Marian Rivera style
Marian Rivera is thankful that her Kapuso drama anthology Tadhana has reached its fourth year. She says, “Well, nakakataba ng puso dahil umabot kami ng apat na taon. Hindi ako nagtataka dahil napakaganda ng mga kuwento ng mga kababayan natin na talaga namang nakakapagbigay pag-asa at inspirasyon sa nakakarami, di ba?"
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

Ang award-winning drama anthology na Tadhana na napapanood tuwing Sabado at hinu-host ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay nasa ika-4 na anibersaryo na.

Ngayong Sabado, November 13, magsisimula ang 2-part episode na “Sa Ngalan ng Ama” na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Eula Valdes at Thea Tolentino.

Bilang host ng Tadhana, hindi raw makapaniwala si Marian na umabot na sila ng apat na taon. Sa huling dalawang taon nito ay talagang work from home lang siya.

“Di ba? Akalain mo yun, hindi mo iisiping mangyayari,” ang nakangiting pahayag niya tungkol sa dalawang taon niyang paghu-host ng programa sa loob ng kanilang tahanan.

Sabi pa ni Marian, “Well, nakakataba ng puso dahil umabot kami ng apat na taon.

"Hindi ako nagtataka dahil napakaganda ng mga kuwento ng mga kababayan natin na talaga namang nakakapagbigay pag-asa at inspirasyon sa nakakarami, di ba?

“So nakakatuwa.

“Kapag iniisip mo, 'ay, apat na taon!' At ang maganda pa niyan, dahil sa anibersaryo namin, mamimigay ang Tadhana ng house and lot.”

Continue reading below ↓

MARIAN STRESSES IMPORTANCE OF POSITIVE OUTLOOK DESPITE PANDEMIC

May mga bagay nga raw na dahil sa pandemya, hindi niya akalaing posible pala niyang magawa. At kung sa dati niyang regular na schedule ito pagbabasehan, posible raw na hindi mangyayari.

“Sabi ko nga, kapag nag-uusap kami ni Dong, ito na kasi ang buhay natin. Kahit ano pa ang gawin natin, ito na ang kailangan nating harapin,” panimula niyang bungad tungkol sa matagal-tagal na work-from-home scenario bunsod ng mga quarantine at lockdown Covid-19 pandemic.

“So ang kinakailangan natin, maging positibo ang outlook natin sa buhay at gawing positibo ang mga nakapaligid sa atin. Kasi kung maghihintay tayo na ibalik ang nakaraan, medyo mukhang matatagalan talaga tayo.

“So mas maganda na mag-cope tayo sa ganitong sitwasyon at gawin nating positibo. Katulad na lang ng Tadhana, ginawan natin ng paraan na instead na lumabas ako from bahay to studio, kaya rin dire-diretso ang Tadhana, naisipan namin na dito na lang sa bahay gawin ang Tadhana taping at siyempre, ang nagdi-direk pa, ang asawa ko.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Marian, “At least, nagagawan ng paraan at patuloy pa rin tayo sa pagbibigay ng inspirasyon at kuwento sa mga nanonood at tumatangkilik palagi.”

WILL MARIAN RESUME ACTING FOR TV PROJECTS SOON?

Nanggaling na rin kay Marian na nandiyan na ang COVID-19 at tipong parte na ng buhay ang mga lockdown, quarantine at iba't ibang protocol para makaiwas dito.

Alam ng lahat na simula talaga noong magkaroon ng pandemic, hindi na siya gumawa ng mga proyekto na hindi work from home. At isa nga ito sa dahilan kaya hindi niya nagagawa ang umarte at gumawa ng teleserye.

Pero sa darating na 2022, posible kayang magbalik na siya sa pag-arte, lalo pa nga’t marami na ang nakaka-miss sa kanya?

Pag-amin niya, “Naku, kasi ang hirap kasi na sabihin kong on-the-spot na oo o hindi. Kasi depende pa rin iyan sa magiging situwasyon at protocol ng GMA.

“Kasi kung konting araw lang naman, bakit hindi, di ba? Let’s compromise. Pero kung katulad ng lock-in taping na mawawala ako ng isang buwan para sa mga anak ko, medyo mahirap iyan para sa akin.

Continue reading below ↓

“Siyempre, ang mga anak ko, umaasa iyan sa akin. Si Zia nag-aaral, si Sixto, sa akin. So, mahihirapan ako. Tingnan natin, baka naman pagdating next year, mas okay na. Mas smooth na ito at alam na natin kung paano diskartehan.

“So tingnan natin, di ba?”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera is thankful that her Kapuso drama anthology Tadhana has reached its fourth year. She says, “Well, nakakataba ng puso dahil umabot kami ng apat na taon. Hindi ako nagtataka dahil napakaganda ng mga kuwento ng mga kababayan natin na talaga namang nakakapagbigay pag-asa at inspirasyon sa nakakarami, di ba?"
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results