Sanya Lopez admits "holding hands while sleeping" with Derrick Monasterio

by Rose Garcia
Nov 14, 2021
Sanya Lopez
Derrick Monasterio
Sanya Lopez admits being super close to fellow Kapuso actor Derrick Monasterio. She amusedly recalls a past taping incident years back when they literally held hands while sleeping. "Pero hindi ka bumitaw," Derrick teases her.

“Ang importante lang naman sa akin, mabait ka at matatanggap ang work ko,” ang nakangiting pahayag ni Sanya Lopez tungkol sa katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.

Si Sanya ang bida sa month-long episode ng Kapuso drama fantasy anthology na Daig Kayo ng Lola Ko: Oh My Oppa na mapapanood tuwing Linggo ng gabi ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa Oh My Oppa, ang ideal na lalaki para kay Sanya ay ang mga Korean oppa.

Pero sa totoong buhay, paglinaw ni Sanya, “Sa panahon kasi ngayon, ang hirap makahanap ng tao na maiintindihan yung trabaho mo at mamahalin ka no matter what.”

Ang character ni Sanya sa Oh My Oppa ay naka-focus lang talaga sa kung ano ang gusto niya sa lalaki at ito ay isang mala-Korean Oppa.

Tingin daw niya, kabaligtaran siya ng character niya.

“Minsan meron tayong... 'ito ang gusto ko, siya ang taong gusto ko, siya ang dream guy ko.' Pero kapag may taong dumating sa iyo, biglang naiiba yun.

Continue reading below ↓

“Sometimes kasi, kapag masaya ka roon sa tao, kapag na-in love ka na or siya yung taong nagtatanggal ng lungkot mo, feeling mo nawawala ka sa sarili mo. Nakakalimutan mo yung mga bagay na yun.

“At isa ko roon,” natawang sabi niya.

Dugtong pa ni Sanya, “Natatanga raw ang tawag kapag nai-in love or masaya. Pero minsan, may pagka-manhid din ako na 'ay, nanliligaw pala sa akin.' Mahirap mag-assume, di ba? Mas maganda na sigurado tayo.”

SANYA READY FOR ROMANTIC RELATIONSHIP

Mula noon hanggang ngayon, NBSB or No Boyfriend Since Birth daw talaga si Sanya. Pero ayon dito, ngayon daw, handa na naman siyang makipagrelasyon.

“Yes, pero I’m open. Mas more on ano na ako ngayon, parang open na ako sa kung ano man ang possible na mangyari,” saad niya.

“I’m not closing my door naman sa relationship, if ever man na dumating. Hindi ko nga alam kung sino ang dadating, so go naman tayo roon lagi.

Continue reading below ↓

“Pero yun nga, sa ngayon, hindi ko alam kung meron bang nagpaparamdam kasi ayoko rin namang mag-assume, di ba?

“So, kung nagpaparamdam man siya o hindi, let me know. Kasi minsan may pagka-ganoon ako, kapag malapit sa akin ang isang tao, ang palaging treatment ko sa guy, tropa agad, barkada agad. Kaya kung may sweetness siyang ginagawa sa akin, wala lang sa akin yun.

“Kaya sa akin, mas okay na magiging open sa akin. Ayokong mag-assume talaga.”

SANYA LEARNS VALUE OF BEING TRUE TO ONE'S SELF

Sa isang banda, ang Daig Kayo Ng Lola Ko ay palaging may iniiwang aral sa mga manonood. Sa episode nilang Oh My Oppa, mas natutunan daw niya ang maging totoo.

Sabi ni Sanya, “Well for me, habang ginagawa namin ito, ang natutunan namin dito, yung pagiging totoo lang talaga.

“Ano man ang mangyari, ano man ang sabihin nila, ang importante, maging totoo ka lalo na kung alam mo naman na hindi masamang magpakatotoo. At wala kang ibang maa-agrabyado sa pagsasabi mo ng totoo.”

Continue reading below ↓

SANYA ADMITS BEING SUPER CLOSE TO DERRICK

Dalawa ang leading men ni Sanya sa Daig Kayo Ng Lola Ko, Oh My Oppa: sina Derrick Monasterio at Gil Cuerva.

Sa dalawa, aminado si Sanya na sa dami na ng pinagsamahan nila ni Derrick, sobrang close na sila.

Lahad niya, “Actually, okay silang parehong ka-work. Pero si Derrick kasi, naku, close na close na kami. Ang dami na naming pinagdaanan, di ba?

“Si Gil kasi, dalawang beses na rin kaming nag-Daig… together. Yung isa, sirena ko and now, robot naman siya. So ang kagandangan naman dito, hindi na kami masyadong awkward sa isa’t isa.

“So working with them, sobrang comfortable naman din.”

SANYA ADMITS "HOLDING HANDS WHILE SLEEPING" WITH DERRICK

Humingi ng paumanhin si Sanya kung may girlfriend o nililigawan man daw si Derrick dahil sa sobrang closeness nila.

Hirit ni Sanya, “Naku, Derrick, kung meron ka mang girlfriend o nililigawan ngayon, ‘wag po kayong maano sa akin at saka sa kanya, close lang po talaga kami.

Continue reading below ↓

“May moment pa nga iyan na mag-a-I love you iyan sa akin o kaya maghu-holding hands kami nang wala lang, ganoon lang kami ka-close.”

May kuwento naman si Derrick na hindi pa raw sila sobrang close at hindi pa nila ginagawa ang naging pelikula nila na Wildest Dream, magkasama pa lang sila sa The Half Sisters, tinanong nito si Sanya kung natatandaan na may time na natutulog sila sa tent at magkatabi sila ng upuan.

Habang natutulog daw sila, magkahawak sila ng kamay.

“Oo!” natawang pagkumpirma ni Sanya.

“Alam mo ba na ikaw ang unang gumawa noon sa akin? Natutulog ako, nakakumot pa ko. Maya-maya, may humahawak na sa kamay ko”

Sabi pa ni Derrick, “Pero hindi siya bumitaw.”

“Hindi ako bumitaw, okay fine,” natatawa pa ring sagot ni Sanya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez admits being super close to fellow Kapuso actor Derrick Monasterio. She amusedly recalls a past taping incident years back when they literally held hands while sleeping. "Pero hindi ka bumitaw," Derrick teases her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results