Aubrey Miles makes a 'big comeback' in acting via ABS-CBN's Pasion de Amor

Aubrey Miles on accepting Pasion de Amor: "Minsan kasi, gusto ko ng magandang role na mapapansin para worth it akong mawala sa bahay, sa business ko [pawnshop], sa mga anak ko. ’Etong role ko sa Pasion de Amor, feeling ko, mapapansin ako dito kahit papaano, yung ganun."


Hindi man totally nawala sa showbiz si Aubrey Miles, napahinga naman siya sa pag-arte.

Ang huling teleseryeng ginawa niya ay noong 2011 pa. Ito ay ang Amaya ng GMA Network at pinagbidahan ni Marian Rivera.

Kaya naman maituturing ni Aubrey na big comeback niya sa acting ang pagkakasama niya sa cast ng upcoming drama series ng ABS-CBN, ang Pasion de Amor, na pinagbibidahan nina Ellen Adarna, Arci Muñoz, at Coleen Garcia; kasama sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, at Joseph Marco.

Matagal na rin daw may offer sa kanya para mag-comeback sa acting, pero may mga bagay daw siyang kailangang ikunsidera.

Saad ni Aubrey, “Alam mo, sa totoo lang, may offer ako sa TV5 na sitcom. Hindi ko lang nagawa kasi umalis ako noong December for States.

“’Tapos may offer sa GMA-7.

"Pero minsan kasi, gusto ko ng magandang role na mapapansin para worth it akong mawala sa bahay, sa business ko [pawnshop], sa mga anak ko.

“’Etong role ko sa Pasion de Amor, feeling ko, mapapansin ako dito kahit papaano, yung ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aubrey nang dumalo sila ng mister niyang si Troy Montero sa press launch at opening ng Footworks Dance Studio noong Pebrero 27, sa 4th floor ng Elorde Building sa Katipunan Avenue, Project 4, Quezon City.

SEXY ROLE. Ano ba ang role niya sa Pasion de Amor?

Ayon kay Aubrey, “Actually, enjoy ako sa character ko.

“Yun ang gusto kong character na worth it siya na bigyan ko ng time. And semi-reg [regular] siya.

“Yung role ko roon is nagwo-work ako as a DJ [disc jockey].

“’Tapos medyo love interest ako ni Joseph Marco. So, kami yung palaging magkasama sa scene.”

May pagka-sexy ang tema ng Pasion de Amor. May mga sexy scenes ba siya?

Sagot ng aktres, “Wala, pero ang outfit ko doon, DJ outfit talaga na parang foreigner yung peg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hanging, bra-type, ‘tapos leggings.

“So, I think, kaya rin nila ako siguro kinuha kasi gusto nila laging labas yung tiyan.

“’Tapos gusto nila yung medyo a little bit older than Joseph, pero not too old para nasa range pa rin ng age niya.

“So, proud ako na yun ang ibinigay nilang character at hinintay nila ako.”

SUPPORTIVE TROY. Ano naman ang sabi ni Troy sa muling pagsabak niya sa acting?

Saad ni Aubrey, “Actually, siya yung unang nagsabi na, ‘Go!’

“Sabi ko, ‘Kasi pinag-iisipan ko. Okay ba ito?’ Last year pa ito, e.

“’Sa tingin mo, worth it ba ito na gawin ko? Kasi mamaya hindi ko masundo yung anak natin.’

“Sabi niya, ‘Go! Mga soap naman, if it works, it works. If not, then wala ka nang show. Just get it.’

“Kasi alam niya maganda yung role.

“Kasi ako yung love interest ni Joseph Marco. So, parang ang kalaban ko si Coleen.

“Pero good girl ako dito. Kumbaga, sa story, hindi ko kasalanan.

“Parang si Joseph talaga ang may gusto sa akin, pero ako ayoko kasi may boyfriend ako sa story.

“Pero eventually, mahahanap niya yung love kay Coleen.

“So, bago siya napunta kay Coleen, nauna si Joseph sa akin.

“And kaya mag-aaway sila because of me. Paano sila magkakaroon ng conflict kung wala ako.

“So, maganda talaga yung role ko kaya rin nag-commit ako.”

Pagdating naman daw sa paggawa ng intimate scenes ay kinukonsulta rin niya si Troy.

“Pinag-uusapan namin, sinasabi ko sa kanya.

“Si Troy naman, lagi lang naka-support sa akin.

“Siyempre we take into consideration din yung mga anak ko.

“Yung mga bata naman, naiintindihan nila na artista ako and I have to do certain roles and scenes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN