Maja Salvador describes her Bridges of Love character as her "bravest" role yet

Maja Salvador is paired with Jericho Rosales (in photo) and Paulo Avelino in Bridges of Love.


Matapos ang pagganap ni Maja Salvador bilang isang mistress sa The Legal Wife, mapapanood muli sa isang teleserye ang tinaguriang “dance princess” ng ABS-CBN. Makakasama niya sa Bridges of Love ang mga leading men niya na sina Jericho Rosales at Paulo Avelino.


Maja, gaano ka ka-excited sa bago mong teleseryeng Bridges of Love?

“I’m really excited working again with Jericho Rosales this time kasama si Paulo Avelino.”

Please tell us something about Bridges of Love.

“Sobrang kakaibang istorya nito. Parang kwento siya ng magkapatid. Yung character ko kasi: kung paano mahalin ang isang babae? Ayun, ganun tatakbo yung istorya. Ayaw ko pang sabihin lahat-lahat. Pero kung dun sa makikita ninyong trailer, iba naman ‘to. Sobrang iba sa The Legal Wife at sa mga nagawa kong mga karakters.

“Ito yung pinaka bravest role at karakter na ginawa ko. Feeling ko yun yung pinaka-iba sa lahat.”

Nakatrabaho mo na dati si Jericho sa The Legal Wife. Kamusta naman ka-trabaho si Paulo Avelino dito sa bago mong teleserye?

“Nakatrabaho ko na si Paulo Avelino sa pelikulang Status: It’s Complicated. Pero this time sa bago naming teleserye ay makakapareha ko siya. Pero, very excited ako na makatrabaho uli si Paulo kasi, di ba, isa siya sa mga mahusay talagang actor sa atin. Kaya na e-excite talaga ako, kasi yung dalawang partners ko ngayon ay talagang super gagaling umarte.”

Nakita rin namin sa trailer na medyo daring ang karakter mo rito? Gaano ka ka-daring sa teleseryeng ito?

“Yun nga yung sinabi ko kanina. Ito na yung pinaka bravest character na ginawa ko. Bawat karakter namin dito ay may laman, may lalim yung bawat kuwento nila kaya dapat nilang abangan ang Bridges of Love.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN