Jericho Rosales talks about co-stars Maja Salvador and Paulo Avelino not being the first choice for their roles in Bridges of Love

Jericho Rosales is all praises for leading lady Maja Salvador: “This a role that I think will push her to show talagang a different side. It is not a role na puwede mo nang dalhin yung sarili mo lang. It is a role that requires courage, it’s a whole new thing. In a way, parang shadow siya, kasi she’s hiding to reveal herself. There’s so much strength in the character.”


Nagpapasalamat si Jericho Rosales na nabigyan siya agad ng pagkakataon para iklaro ang nabitawan niyang pahayag na: “The first choice doesn’t always mean it’s the best choice. Maja is the best choice.”

Ito ay naganap sa presscon ng upcoming ABS-CBN drama series na Bridges of Love, nitong Martes ng hapon, Marso 3, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound.

Bago pa kasi matapos ang presscon ay hiningan na ng paglilinaw si Jericho ng entertainment editor na si Jerry Olea.

Nasambit ito ni Jericho nang matanong ang co-star niyang si Maja Salvador tungkol sa pagiging second choice ng aktres sa Bridges of Love.

Inamin kasi ni Maja na, originally, ang role ay para kay Anne Curtis.

Pero dahil naging busy ito sa Dyesebel noon at sa iba pa nitong showbiz commitments kaya napunta kay Maja ang role.

Paglilinaw nga ni Jericho, “Thank you for asking that question. You’re an angel.

“[Best choice] for the role or for the project.

“Hindi kasi natin masasabi na busy na yung isang tao, ganyan-ganyan.

“And maraming nababago sa set, e, hindi lang yung artista, [pati] staff.”

Pabiro pang dagdag ni Jericho, “Ang sakit nga kasi marami nang napunta sa Pangako Sa ‘Yo.

“Marami nang na-attached sa amin, pero nasa Pangako na.”

Ang Pangako Sa ‘Yo ay isa pang upcoming ABS-CBN teleserye na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sina Jericho at Kristine Hermosa ang orihinal na gumanap sa mga naturang role noong 2000 at tumagal hanggang 2002.

Pagkatapos ng presscon proper, kaagad nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho para sa dagdag na paliwanag tungkol dito, dahil baka may maka-misinterpret sa sinabi niya at iba ang makarating kay Anne.

Saad ng Kapamilya actor, “Kung may isang tao rito that took that negatively, I will go directly to that person and talk to him because they know that I love Anne, yun ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’ve worked with her, yun ‘yon.

“It was just naputol lang yung sentence, yun lang yun.

“But of course, for every role, may mga pine-peg siya, e.

“Ibig kong sabihin, I’m just trying to boost ano lang… kasi siyempre co-actor ko si Maja.

“Yun lang iyon and I don’t have to elaborate on that.”

Pagkatapos nito ay nakiusap si Jericho na huwag na sana silang intrigahin pa ni Anne.

WORKING AGAIN WITH MAJA. Na-excite nga si Jericho sa muli nilang pagtatambal ni Maja sa Bridges of Love, kung saan kasama rin nila si Paulo Avelino.

Una silang nagsama sa The Legal Wife, kung saan gumanap si Maja na other woman ni Jericho, habang ang tunay na asawa naman ay si Angel Locsin.

Sa Bridges of Love ay ginagampanan ni Jericho si Gael Nakpil, na mai-in love at maghahabol kay Mia Sandoval (Maja).

Magiging karibal ni Gael sa pag-ibig ni Mia si Carlos Antonio (Paulo).

Biro ni Jericho sa muli nilang pagsasama ni Maja, “Parang package deal na nga kami ni Maja e.”

Mas humanga nga raw si Jericho kay Maja sa pagganap nito bilang star dancer sa bago nilang teleserye.

“This time around, sinabi nga doon sa trailer na, ‘Like you’ve never seen her before.’

“We all know na magaling siyang sumayaw talaga, but this time, nagamit yung galing niya sa pagsasayaw to portray something really edgy.

“Yung role na iyan, parang ini-imagine ng maraming dancer, alam mo yung sumasayaw, ‘tapos sabay umiiyak.

"Ini-imagine ng madami yun, ‘di ba, dinadrama nila sa bahay.

“This a role that I think will push her to show talagang a different side.

“It is not a role na puwede mo nang dalhin yung sarili mo lang.

“It is a role that requires courage, it’s a whole new thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In a way, parang shadow siya, kasi she’s hiding to reveal herself.

“There’s so much strength in the character.”

INTIMATE SCENES. Ayon pa kay Jericho, kumportable na sila sa isa’t isa ni Maja kahit na anong eksena pa ang gawin nila.

Natanong tuloy ng PEP kung magkakaroon ba sila ng intimate scenes ni Maja sa Bridges of Love.

Sagot niya, “Oo, kasi magkasintahan kami dito, e.”

Pero mas daring ba ito kaysa sa intimate scenes nila sa The Legal Wife?

“I would say more appropriate sa sequences and sa story.

“Sa akin kasi, balewala naman iyon, e, kung may kissing scene kayo, may love scene kayo, as long as part siya ng story at kung may kapupuntahan iyon.”

PAULO AVELINO. Isa pa sa hindi original choice sa cast ng Bridges of Love ay si Paulo Avelino.

Noong una kasi ay ibinalita na si John Lloyd Cruz ang makakasama nina Jericho at Maja, pero hindi nga natuloy ang aktor sa proyekto.

Ipinalit naman si Xian Lim, pero pinull out din sa teleserye dahil mayroon daw itong ibang show na kailangan i-prioritize, kung saan makakasama nito ang ka-loveteam na si Kim Chiu.

Finally, napunta ang role kay Paulo.

Noong mawala sa cast si John Lloyd, inamin ni Jericho na nanghinayang siya.

Saad niya, “Ang pinanghihinayangan ko is yung makatrabaho ko si John Lloyd nung time na iyon.

“But, of course, I’m sure darating ang panahon na magkakatrabaho rin kami.

“Nanghinayang lang ako noon, but now, I’m happy that it’s Paulo, and Paulo took over.”

Isa raw si Jericho sa mga nagbigay ng pangalan ni Paulo noong panahong naghahanap sila ng aktor para sa nabakanteng role.

Kuwento niya, “Nanghingi sila ng mga name, and then nagbigay kami ng names kung sino.

“And yun, isa siya doon sa mga pangalan na talagang pinag-isipan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Casual batuhan lang sa set, within the managers kung sino ang puwede.

“So, he’s one of the names.”

Ano ang naibigay ni Paulo sa pagpasok niya sa cast?

Ayon kay Jericho, “Well, at first, siyempre yung excitement.

“Yung expectation sa kanya, ganyan, bagay siya doon sa role, ganyan.

“I think that built a lot of confidence, that gave confidence to the staff na, ‘Okay, kaya niya iyan.’”

Kung sinabi niya na si Maja ang best choice para sa role niya, puwede rin bang sabihin ni Jericho na si Paulo ang best choice for the role?

“For the role, yeah. Kasi ‘eto na yung mold nun, e, alam ng production iyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN