Maja Salvador avoids watching Vilma Santos's Burlesk Queen in preparing for her role as star dancer in Bridges of Love

Maja Salvador on her role as a star dancer in Bridges of Love: “Dito sa character ko, sobrang excited na ako na mapanood niyo si Mia Sandoval dahil kakaiba ang kanyang kuwento. Alam niyang star dancer siya, pero marunong pa rin siyang magtira para sa sarili niya, kaya niyang respetuhin ang sarili niya.”


Marami ang gustong malaman kung pinanood ni Maja Salvador ang award-winning 1977 movie na Burlesk Queen, na pinagbidahan ni Vilma Santos, bago niya ginawa ang sexy dance scenes niya sa bagong primetime series ng ABS-CBN na Bridges of Love.

Sa Burlesk Queen kasi ay ang burlesk dance ni Vilma ang pinaka-highlight ng 1977 Metro Manila Festival topgrosser na ito, na sinasabing nagsalba sa naghihingalong career noon ng Star For All Seasons.

Star dancer sa isang club ang role ni Maja sa bago niyang teleserye na ipalalabas na simula sa March 16.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Maja sa grand presscon ng Bridges of Love noong Martes, March 3, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, inamin niyang pinigilan niya ang sarili na panoorin ang pelikula ni Vilma dahil sa isang kadahilanan.

Saad ng Kapamilya actress, “Gusto ko sanang panoorin, kaya lang kasi, baka magaya ko.

“Hindi naman puwede na magaya ko ang ginawa ni Ms. Vilma Santos.

“So, mas maganda po na mag-create ako ng sarili kong version kung paano ang pagsasayaw ko.

“Actually, masuwerte nga po ako dahil sa akin naibigay ang role na ito, it's a big, big project na ibinigay sa akin.

“Ang ginagawa ko na lang talaga ay buong-puso kong ibinibigay kung ano ang character ko dito.”

Hindi kaya mag-suffer siya in comparison sa katulad niyang tinaguriang “dance diva” ng kanyang panahon?

Pahayag ni Maja, “Hindi naman siguro puwedeng makumpara kami, kasi sobrang galing naman ni Ms. Vilma.

“Ms. Vilma Santos siya, napatunayan na niya lahat-lahat, 'di ba?”

STAR DANCER. Marami na ang gumanap sa ganitong role na isang sexy dancer, ‘tulad nina Alma Moreno, Ina Raymundo, at Ara Mina.

Paano titiyakin ni Maja na maiiba ang atake niya kumpara sa mga nabanggit na mga aktres?

Saad niya, “Siyempre kasi, may kanya-kanyang silang istorya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May kanya-kanya silang kuwento na talaga namang mapapamahal sa iyo, talagang mabibighani ka, yung puso mo, dudurugin nila.

“Kasi, may rason kung bakit nila ginagawa yun.

“Dito sa character ko, sobrang excited na ako na mapanood niyo si Mia Sandoval dahil kakaiba ang kanyang kuwento.

“Alam niyang star dancer siya, pero marunong pa rin siyang magtira para sa sarili niya, kaya niyang respetuhin ang sarili niya.”

Hindi ba siya nag-aalala na baka hindi magustuhan ng boyfriend niyang si Gerald Anderson ang kanyang pagsasayaw sa harap ng maraming lalaki?

Nakangiting saad ng Kapamilya actress, “He's very supportive.

“Wala naman, wala naman… at naiintindihan naman niya.

“Artista din kasi siya, ‘di ba?

“Naikuwento ko naman din sa kanya, at wala naman siyang masyadong comment.

“’Tsaka, yung costume ko naman ay hindi naman ganun [ka-revealing], may stockings naman akong suot.”

SECOND CHOICE. Sa sinasabing second choice lang siya para sa role na ito, naging hamon ba ito sa kanya para patunayan sa publiko na karapat-dapat din siya sa role na unang inalok kay Anne Curtis?

Sagot ni Maja, “Hindi naman. Kasi, challenging naman kasi yung role mismo.

“At, yun nga, sabi ko ito ay isang big project ng ABS CBN, 'tapos sa akin ibinigay, grabe ang pagtitiwalang ibinibigay sa iyo, ‘di ba?

“Kaya [in return], buong-puso ko namang ginagampanan ang role ko.”

Hindi ba siya nag-aalala na pagkatapos ng teleseryeng ito ay matawag na siyang sexy actress, instead na “Ultimate Dance Diva” ng showbiz?

Aniya, “Hindi naman.

“Siguro from the start, nakikita nila na mahilig talaga akong tumanggap ng challenging roles.

“At heto, yung ngayon, si Mia, nagkataon lang na star dancer siya, pero hindi natin alam kung ano ang magiging kuwento niya.

“Kung hanggang dulo ba ay magiging star dancer siya, o mayroon bang sasagip sa kanyang pagiging star dancer. Yun ang dapat nilang abangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto rin ba niyang matawag na “Primetime Teleserye Princess”?

Sagot ni Maja, “Naku, marami pa po akong pagdadaanan bago ko ma-achieve 'yan. Pero, let's pray.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN