Richard Yap teams up for the first time with Judy Ann Santos in Someone To Watch Over Me

Richard Yap on working with Judy Ann Santos for the first time: "I’m really looking forward sa pagti-taping namin... I’ve heard so many good things about her. Siyempre, ninerbiyos din because it's a new project, we don't know how viewers would take it."


Unang beses nagkakilala sina Richard Yap at Judy Ann Santos sa story conference ng teleseryeng gagawin nila sa ABS-CBN, ang Someone To Watch Over You, nitong Miyerkules, March 4.

Pagkatapos ng storycon ay sinundan agad ito ng isang press conference na ginanap sa 9015 restaurant, sa 14th floor ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.

Dito ay isiniwalat ni Richard ang kanyang saloobin tungkol sa unang pagsasama nila ng tinaguriang Queen of Philippine Soap Opera.

“This is the first time na nagkita kami, so we haven't really started taping.

“But I’m really looking forward sa pagti-taping namin.

“We’re really excited to work on this project, kasi bago nga, first time ko to be working with Ms. Judy Ann.

“I’ve heard so many good things about her.

“Siyempre, ninerbiyos din because it's a new project, we don't know how viewers would take it.

“But with the story na sobrang maganda ang ipinakita sa amin, we’re hoping that the viewers will like it.”

FIRST IMPRESSION. Ano ang unang impression niya kay Judy Ann, considering na ngayon lang sila na-introduce personally since magsimula siyang mag-showbiz?

Sagot ni Richard, “Mabait siya. I have no apprehensions.

“Nung makita ko siya... you know, tahimik kami lahat, wala pang masyadong...

“First time lang talaga kaming magkasama-samang lahat na cast.”

Patuloy niya, “When I heard na si Judy Ann ang makakasama ko, medyo ano...

“Yeah, kinabahan ako, kasi I would be working with the Queen of Teleseryes.

“Sabi ko, ‘Kaya ko ba 'to?’

“Pero hopefully, I’ll do my best.

“Excited ako, yes, of course!

“Actually, nung sabihin na siya nga [ang makakasama ko], I'm very happy to hear that.

“Siyempre, excited kaming lahat to work with her.”

Ibig bang sabihin nito ay matinding preparasyon ang gagawin niya para hindi siya mapahiya sa kanyang future onscreen partner?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng Kapamilya actor, “A, hindi naman siguro.

“Kasi, it's medyo light lang.

“So, it’s not so far from the character I did before. Medyo may konting bale lang."

NEW LOVETEAM. Sinasabing bagong loveteam na naman itong sa kanila sa telebisyon.

Napapangiti nga raw si Richard na, as early as now, mayroon nang nagku-coin ng pangalan ng kanilang loveteam ni Judy Ann.

Kung sa kanila noon ni Jodi Sta. Maria ay JoChard, ito namang sa kanila ni Judy Ann ay JuChard.

“Tutal, Bisaya naman ako!” biro pa ng dating Be Careful With My Heart star.

Singit naman ni Juday, “Cute naman, 'di ba?

“’Yan ang uso ngayon, kasi ‘pag wala kang hashtag ngayon, hindi ka in.

“So, wala namang problema dun. Marami na kaming movies na may ganun, ‘di ba?”

Sabi ulit ni Richard, “Meron nang gumawa, e… ‘JASChard’ naman for Judy Ann Santos at Richard Yap.

“So, it's something on Twitter already.”

Looking forward din ba si Richard na magkaroon sila ng intimate scenes ni Judy Ann?

Nakangiting sabi ni Ser Chief, “Depende naman sa istorya.

“Alam naman natin na we’re both professionals, so...

“Ang masasabi ko lang, ang pagsasama namin was all unexpected, so I have to surprise all the viewers.

“And we hope we can bring the same impact as we did sa past projects namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN