Watch Now

Allen Ansay-Sofia Pablo kilig-worthy love team shines in Raya Sirena

by Ruel J. Mendoza
Apr 10, 2022
Allen Ansay, Sofia Pablo, Raya Sirena
The kilig-worthy love team of Sofia Pablo and Allen Ansay is expected to generate a more massive following with the airing of their new Regal Studio Presents series, Raya Sirena.
PHOTO/S: @itsmeallenansay Instagram

Malaki ang paniniwala ng GMA Network at Regal Multimedia sa Sparkle love team nina Allen Ansay at Sofia Pablo na binansagang AlFia, kaya ginawang seven-part mini-series ang pinagbidahan nilang episode last year sa Regal Studio Presents na Raya Sirena.

Sa naganap na Zoom mediacon para sa Raya Sirena noong nakaraang April 7, nagkaisa ang GMA executive na si Joey Abacan at ang Regal Entertainment head na si Roselle Monteverde na may "something" na sa AlFia loveteam kaya maganda ang chemistry nila.

“Sa totoo lang, pag nagbi-build ka ng love team, gusto mo sila na rin pag tanda nila. Ganun ang dating nina Sofia at Allen. But they’re still very, very young. Ayoko na muna mangarap ng ganun but at least ito, makakapagbigay muna sila ng aliw using Raya Sirena," sabi ni Abacan.

Saad naman ni Ms. Roselle sa Sparkle love team, “Minsan ka rin namang makaramdam at makikita mo, ‘Ay, sobrang pretentious nitong love team na ’to.’ Pero with Sofia and Allen, nakita ko talagang totoo siya. Pati ako, pag pinapanood ko sila, I get younger. Kinikilig ako sa eksena nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula via Tiktok ang Team Jolly nina Sofia at Allen noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic in 2020. Dahil bawal pa sila noong lumabas at wala pang mga projects, ang social media ang naging paraan nila para maka-spread ng good vibes sa maraming kabataan na tulad nila ay nasa bahay lang.

Ang kanilang Tiktok videos ay umani na ng millions of views at milyones din ang followers nila. Si Sofia ay may 7.9 million followers, samantalang si Allen ay may 2.8 million followers naman.

Unang sinubukan ang tambalan nila sa book 2 ng Prima Donnas bilang sina Donnalyn at Fonsie. Maganda ang pagtanggap sa kanila kaya tinuloy na ito sa Raya Sirena kunsaan nakaramdam na ng pressure ang dalawa.

Ayon kay Allen, kahit na kilala na nila ni Sofia ang isa't isa, hindi pa naman daw niya ito nililigawan. Kung sakali raw na dumating ang tamang pagkakataon, madali na raw niyang ligawan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko nga po kay Sofie, kung sakali man na nasa tamang edad na, liligawan ko siya. At least kilala na po namin ang isa’t isa. Ang dami na naming pinagsamahan. Madali na lang. Wala nang ligaw-ligaw,” tawa pa niya.

Pagbiro pa ni Allen na baka hintayin niyang mag-30 years old si Sofia bago niya ito ligawan.

Natatawang reaction ni Sofia, "Thirty?!? Parang ang tanda ko na! Natawa lang ako. Kasi usually, lahat ng naririnig ko, ‘Siguro po mga 21, 22, 23…’ Ito naman nagulat ako, 30!"

Paliwanag ni Allen, “Hindi, kasi yung 30 na yun, kasal na yun. Siyempre, yung ibang age, ano lang po yun… parang vacation, di ba?

"Basta ma-ano namin ni Sofie na successful na kami sa pangarap namin. Kahit anong age iyan, basta okey na po lahat.”

Kung may label daw ang samahan ng AlFia loveteam, para kay Sofia, "best friends" sila ni Allen. Para naman kay Allen, pinagdiinan niya na "sobrang close" sila ni Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dream come true at isa sa best gifts na natanggap ni Sofia ang Raya Sirena on her 16th birthday nitong April 10. Sa naturang serye, maipapakita ng husto ni Sofia ang husay niya sa paglangoy dahil sa maraming kukunan na underwater scenes.

“Ngayon mas masaya na kasi it’s a mini series. Mas marami na akong scenes na pagiging mermaid, and masasabi ko na yung kuwento ni Raya is deeper.

"Di ba meron pong mga freestyle, backstroke? Pero among all, sa mermaid swimming po talaga ako pinakamagaling."

Bukod kina Sofia at Allen, kasama rin sa Raya Sirena, na eere na weekly sa GMA starting April 24, sina Mosang, Saviour Ramos, Elias Point, Ayeesha Cervantes, Jana Francine, Mika Reins, Shecko Apostol, Gerald Pesigan, Juan Carlos Galano and Ms. Shirley Fuentes. Mula ito sa direksyon ni Crisanto Aquino.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The kilig-worthy love team of Sofia Pablo and Allen Ansay is expected to generate a more massive following with the airing of their new Regal Studio Presents series, Raya Sirena.
PHOTO/S: @itsmeallenansay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results