Watch Now

Saviour Ramos wants to avoid being compared to dad Wendell Ramos

by Ruel J. Mendoza
Apr 18, 2022
Saviour Ramos, Wendell Ramos
Saviour Ramos on father Wendell Ramos's advice when he joined showbiz: "Open naman po ako sa anumang project na ibigay sa akin ng GMA. Ready po tayo parati and ang gusto ni Daddy ay maging professional ako."
PHOTO/S: Nice Print Photo / @saviourxxramos Instagram

Na-challenge agad physically si Saviour Ramos sa unang mini-series niya sa GMA-7, ang Raya Sirena.

Sa Raya Sirena, gaganap ang 22-year-old Sparkle actor bilang isang merman na magiging ka-love triangle ng love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Ang Sparkle ay ang talent management arm ng GMA-7.

"I will play the role of Ape, siya yung magiging guide ni Raya [played by Sofia] sa ilalim ng dagat dahil babalik siya sa pagiging sirena.

"And magiging panggulo ako sa kanilang dalawa ni Gavin [played by Allen]. Bale ako yung magiging karibal niya kay Raya sa ilalim ng dagat," pahayag ni Saviour.

Nakapanayam si Savious sa virtual mediacon ng Raya Sirena noong April 7, 2022.

Bilang merman, ang pinaka-costume lang ni Saviour ay ang mermaid's tail kaya malaki ang exposure ng kanyang upper body na siyang winu-workout niya araw-araw.

Paliwanag niya, "Physically challenging po ang role ko dito as a merman. Biglaan po kasi ang pagbigay nila sa akin ng role dito sa Raya Sirena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nataon naman po na off-season ako sa pag-workout ko. As in, kinakain ko yung mga gusto ko, pero maingat pa rin ako.

"Roles like this, pinaghahandaan talaga 'yan. Kaya noong makita ko yung costume, kailangan araw-araw na ang workout ko para magandang tingnan sa TV yung makikitang part ng katawan ko. I really need to focus on my body."

Determinado si Saviour na maging maganda ang portrayal niya sa serye.

Aniya, "I did some research po at may ginagaya po akong merman body, kasi dapat po slim pag merman. Para magaan lang ang katawan kapag lumangoy sa ilalim ng dagat.

"So, ngayon po, yun yung goal ko. And mahirap, pero kakayanin po.

"Naging daily lifestyle ko na rin yung mag-workout kaya kaya po natin ma-achieve iyon."

Saviour Ramos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEXY IMAGE like dad wendell?

Dahil sa kanyang merman role, tila simula na ito ng pag-brand kay Saviour bilang isang sexy actor.

Ayon kay Saviour, walang problema kung matawag siyang sexy actor tulad ng kanyang amang si Wendell Ramos.

Pero gusto rin daw niyang magkaroon ng sariling image.

"Open naman po ako sa anumang project na ibigay sa akin ng GMA. Ready po tayo parati and ang gusto ni Daddy ay maging professional ako.

"Pero kung pagpipiliin ako between going sexy and being wholesome, mas gusto ko po ang maging wholesome ang image ko," saad ni Saviour.

Dagdag niya, "Kasi po kung piliin ko ang sexy image, parang hindi ako nalayo sa naging image noon ni Dad.

"Gusto ko na magkaiba kami ng image, kasi iba po si Dad noon. Para maiwasan na rin na mapag-compare kaming dalawa."

Tama lang naman na gustuhin ni Saviour na magkaroon ng wholesome image dahil kabilang siya sa #Sparkada, ang binuong grupo ng Sparkle GMA Artist Center tampok ang young and fresh faces na kasama sa official summer music video ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram account ni Saviour, ipinost niya ang video ng behind-the-scenes sa paggawa nila ng #Sparkada summer music video.

Nilagyan pa niya ito ng caption na: "#SparkadaMoTo Official Summer Music Video, iba talaga ang saya kapag kasama ang #Sparkada."

Kasama rito ni Saviour sina Vince Maristela, Jeff Moses, Dilek Montemayor, Vanessa Peña, Anjay Anson, Kirsten Gonzales, Tanya Ramos, Kim Perez, Michael Sager, Roxie Smith, Caitlyn Stave, Larkin Castor, Sean Lucas, Cheska Fausto, Raheel Bhyria, at Lauren King.

Si Zephanie ang umawit ng summer-themed song na “Kung Ikaw Ang Kasama.”

Sparkada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO GIRLFRIEND

Dahil sa good looks at body ni Saviour, hindi malayong may mga magkaroon ng crush sa kanya, lalo na sa mga kaedad niyang mga babae.

Pero sa ngayon, wala raw siyang nililigawan dahil mas gusto niyang mag-focus sa kanyang showbiz career.

"For now po, focus lang ako sa work ngayon. Distraction po sa akin yung ma-involve ako ngayon with someone.

"Pero noon po, kapag may nalaman ako na may nagkaka-crush sa akin, kikilalanin ko muna siya. May konting background check.

"Gusto ko rin na maging friends muna kami. Kung magkasundo kayo, bahala na si tadhana!" tawa pa niya.

Pero nakakalamang daw na nagkaka-crush kay Saviour ngayon ay ang mga gay followers niya sa social media.

Wala raw issue si Saviour sa mga bading dahil karamihan sa kanila ay tagahanga ng kanyang amang si Wendell at handang sumuporta sa mga gagawin niyang projects.

Aniya, "Sa totoo lang po, close ako sa mga beki. May family member po kami na beki at malapit po ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May mga nagsasabi na malakas daw ang dating ko sa mga beki. Thankful ako sa kanila dahil sila ang supporters ko at magaganda po ang mga sinasabi nila sa akin.

"Lagi silang nagbibigay ng words of encouragement sa akin. Kaya love ko silang lahat."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saviour Ramos on father Wendell Ramos's advice when he joined showbiz: "Open naman po ako sa anumang project na ibigay sa akin ng GMA. Ready po tayo parati and ang gusto ni Daddy ay maging professional ako."
PHOTO/S: Nice Print Photo / @saviourxxramos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results