PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofia Pablo reveals the hard part about role as sirena: "Super init!"

But she is not complaining.
by Rommel Gonzales
Published Apr 23, 2022
Sofia Pablo as lead star of Raya Sirena
Sofia Pablo is grateful for playing the role in Raya Sirena, so matter how hard some of her scenes are, she tells herself, "Laban ka lang, pinangarap mo ito!"
PHOTO/S: PR

Bago pa maging sirena si Sofia Pablo sa Raya Sirena ay tumatak sa utak ng publiko si Marian Rivera bilang Dyesebel na phenomenal na fantaserye ng GMA noong 2008.

Ang Raya Sirena ay nagsimula sa Regal Studio Presents noong September 2021 ay isa ng mini-series na ipapalabas sa Linggo, April 24, 3:05 p.m.

Kaya natanong si Sofia kung may pressure ba para sa kanya ang role ng mermaid?

Tugon ng aktres, “Siyempre po meron, kasi gaya nga po ng sinabi ninyo si Ate Marian, yung huling mermaid ng GMA, and at the same time lahat po kasi ng nagiging mermaid is talagang mga promising actresses.

“Kaya I’m really trying my best, I’m really doing my best in every scene, na patunayan na promising din ako like them.

“And gusto ko pong bigyan ng hustisya yung pagtitiwala sa akin ng GMA and ng Regal, ni Ms. Roselle, ni Sir Joey.”

Collaboration ng Regal at GMA-7 ang Raya Sirena, at sina Regal Entertainment Inc. CEO Roselle Monteverde at GMA First Vice President for Program Management Joey Abacan ang tinutukoy ni Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy pa ni Sofia, “Kasi hindi po biro yung binigay nilang tiwala para bigyan ako ng mermaid role then at such a young age. Pinagkatiwalaan nila ako kaya hinding-hindi ko po papabayaan na matapos ko ito nang parang so-so lang, gusto ko po talagang the best I can do.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) si Sofia at ang mga leading men niyang sina Allen Ansay at Savior Ramos sa mediacon via Zoom ng Raya Sirena kahapon, April 21.

Hindi raw kinailangang kumuha ng swimming lesson si Sofia para sa kanyang papel bilang isang sirena.

Aniya, “Kasi isa rin po sa naging requirement nila yung dapat marunong na po talagang lumangoy.”

Maraming female stars ang nagnanais makaganap bilang isang sirena, at si Sofia ang isa sa mga pinalad.

Sabi niya, “Ayun po, siyempre mas kinikilig din po ako na minsan bigla ko na lang pong naisip habang nasa set po ako, pag nahihirapan na po ako kasi super init 'tapos naka-extensions po ako, mahirap po kasi ang naka-hair extensions lalo na po pag nababasa bumibigat sa ulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero lagi ko pong iniisip na ang dami-daming nangangarap maging sirena pero isa po ako sa bliness ni God na mabigyan ng project na sirena kaya sabi ko, ‘Laban ka lang, pinangarap mo ito! Ngayong nandito na huwag kang susuko, kayanin mo!’

“So nawawala naman po agad yung nararamdaman kong hirap, nakakalimutan po agad dahil naaalala ko nung bata ako, nasabi ko rin kay mommy, ‘Mommy sana maging sirena ako one day.'

"Pero parang malabo kasi konti lang yung nabibigyan ng chance.

“Kaya ngayon po na eto na, super-honored din po and lagi akong thankful kasi iyon nga po, ang dami-daming nangangarap pero nabigyan po ako ng chance to be Raya Sirena.”

Gaganap si Allen sa Raya Sirena bilang si Gavin at si Savior bilang lalaking sirena o merman na si Ape. Kasama rin sina Elias Point bilang si Otep, Juan Carlos Galano bilang si Bulan, Reins Mika bilang Lua, Ayeesha Cervantes bilang si Chriselle, Jana Francine Taladro bilang si Thea, Shecko Apostol bilang si Poknat, Gerald Pesigan bilang si Buknoy, at sina Shirley Fuentes bilang Tita Helga, at Mosang bilang si Nay Matet. Ang Raya Sirena ay sa direksiyon ni Crisanto Aquino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Pablo is grateful for playing the role in Raya Sirena, so matter how hard some of her scenes are, she tells herself, "Laban ka lang, pinangarap mo ito!"
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results