PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Saviour Ramos kabado sa "paglalabas ng katawan" sa Raya Sirena

Pero nang sabihing merman ang role niya, "Go agad!"
by Rommel Gonzales
Published Apr 24, 2022
saviour ramos raya sirena
Para sa kauna-unahang serye ni Saviour Ramos, gaganap siyang merman sa Raya Sirena. Kinabahan raw siya sa "paglalabas ng katawan ko kasi first time ko."
PHOTO/S: Facebook

Isa si Saviour Ramos sa dalawang leading men ni Sofia Pablo sa bagong mini-series ng GMA-7, ang Raya Sirena.

Gumaganap dito si Saviour bilang lalaking sirena o merman na si Ape.

Ang isa pang leading man ni Sofia ay si Allen Ansay na gaganap naman bilang si Gavin.

Noong 2008, si Dingdong Dantes ang leading ni Marian Rivera sa hit fantaserye ng GMA-7 din, ang Dyesebel, kung saan ang bida ay isa ring sirena.

Dahil dito, aminado si Saviour na nakakaramdam siya ng konting kaba.

Aniya, "Actually, siyempre po may pressure kasi po iyon nga po, katulad nga po ng sabi niyo, si Marian 'tapos before ang love team is si Dingdong, so parang kami po ni Allen, parang kailangan naming tapatan yung Dingdong levels po.

"Pero wala naman pong… ah, hindi may pressure pa rin po siyempre kasi po ibang level yung dati, yung Dyesebel po.

"So ako nga po, honestly, nanood po ako ng some clips ng Dyesebel dati para lang po makita kung paano yung pag-circulate ng istorya, although different story naman po ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero iyon, tiningnan ko lang po, and kung yung sa pressure nga po, sa akin wala naman po."

Mas kabado raw siya sa kanyang mga shirtless scenes.

"Sa akin, yung pressure sa katawan ko lang po siguro, yung paglalabas ng katawan ko kasi first time ko. Ito po yung first-ever serye ko and iyon, nilabas ko po agad yung katawan ko,” at natawa si Saviour.

“So may pressure po sa akin and may kaba. Pero working with them po, [Sofia and Allen], walang problema po.”

Unang serye ni Saviour ang Raya Sirena, ano ang naging reaksiyon niya na merman ang una niyang papel? Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role bilang si Ape?

“Hindi po, go agad. Hindi ko na po pinag-isipan, go agad! Sabi ko agad sa handler ko, nung tanungin niya ako ng, ‘O ano, blah-blah-blah, sirena?’ ‘Game, game iyan!’

“Hindi po ako nagdalawang-isip, game agad!”

At dahil mahirap lumangoy sa ilalim ng dagat na may suot na buntot ng sirena, ano ang mga precautions ni Saviour para maging safe na safe siya sa ilalim ng tubig habang lumalangoy bilang lalaking sirena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung sa amin naman po, when it comes to swimming, dahil nga po marunong naman po kaming lumangoy, madali na lang po yung paglangoy.

“Ang iniingatan lang po namin is yung mga jellyfish, iyon lang talaga yung pinag-iingatan namin.

“Kasi po everytime na nagsu-swimming kami, may nakabantay po sa amin ni Sofia sa dagat po, so okay naman po, wala naman pong hassle everytime na may ganun po kaming eksena.”

Nasa Raya Sirena rin sina Elias Point bilang si Otep, Juan Carlos Galano bilang si Bulan, Reins Mika bilang Lua, Ayeesha Cervantes bilang si Chriselle, Jana Francine Taladro bilang si Thea, Shecko Apostol bilang si Poknat, Gerald Pesigan bilang si Buknoy, at sina Shirley Fuentes bilang Tita Helga at Mosang bilang si Nay Matet.

Ang Raya Sirena ay sa direksiyon ni Crisanto Aquino at mapapanood na simula sa Linggo, April 24, 3:05 ng hapon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa kauna-unahang serye ni Saviour Ramos, gaganap siyang merman sa Raya Sirena. Kinabahan raw siya sa "paglalabas ng katawan ko kasi first time ko."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results