Kapansin-pansing isa si Sofia Pablo at ang love team nila ni Allen Ansay na inaalagaan at pinu-push ng GMA Network at Sparkle na mas makilala ng viewers.
Ang Sparkle ang talent-management arm ng Kapuso Network.
"Opo, nakikita ko po yun nang sobra, sobra, sobra," nakangiting sang-ayon ni Sofia.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa online mediacon ng Raya Sirena noong April 21, 2022.
Bukod sa tambalan nila sa Kapuso prime-time series na Prima Donnas, bida sila sa seven-part weekly mini-series na Regal Studio Presents: Raya Sirena, na nagsimula noong April 24.
Ayon pa kay Sofia, "Kahit umeere pa po yung Prima Donnas one month ago, sinabi na po sa akin na may Raya… so nagulat po ako, 'Po? Agad?'
"'Tapos sabi nga po, April 24. So nagulat po ako na may Prima Donnas pa, 'tapos meron na po ulit bago.
"Sobrang overwhelmed po at talagang naramdaman ko na pinapahalagahan din po talaga ng GMA yung bilang isang actress ko, and talagang grabe po yung tiwala na binibigay nila.
"Mahal na mahal ko po ang Sparkle at GMA Network family ko kasi, hindi po nila ko nakakalimutan.
"At kahit kailan, hindi nila ko pinabayaan mula pagpirma ko pa lang seven years ago."
READ: Sofia Pablo, nawindang sa timeline kung kailan siya liligawan ni Allen Ansay
SOFIA'S ON AND OFFSCREEN DYNAMICS WITH ALLEN
Sinabi ng PEP.ph na marami sa love teams na nagsimula noong mga teenager pa lamang—tulad nila ni Allen na tila malapit na talaga sa isa’t isa—ay dumarating din talaga ang panahon na nagtatapos.
Kung sakali, nakahanda ba silang dalawa kung dumating man yung pagkakataong iyon?
"Siyempre, lahat naman po ng love team ay may hangganan," sagot ni Sofia.
"Pero meron at meron po yung magka-love team na kahit natapos na ang shows nila together, alam niyo yung nandoon pa rin ang connection nila sa tao.
"Siguro yun po ang nakikita ko na kahit matapos na ang onscreen love team, may maiiwan at maiiwan pa rin na offscreen love team.
"Very natural nga po at genuine ang samahan namin ni Allen kaya nagwo-work.
"Kung matapos man po ang onscreen love team, sure po ako na may maiiwan at maiiwan na offscreen bond sa amin ni Allen."
READ: Allen Ansay-Sofia Pablo kilig-worthy love team shines in Raya Sirena
on ratings game
Isang episode lang ang Regal Studio Presents: Raya Sirena noong 2021, pero ngayon ay naging mini-series ito kaya sobrang excited ang teen star na si Sofia.
Kaya hindi raw maiwasang makaramdam ng pressure si Sofia.
"Actually, opo, merong pressure. Kasi kung matatapatan po yung unang beses na napanood si Raya Sirena na 9.5% ang rating sa prime time.
"Siyempre, lahat po kami nagpi-pray na sana, sana… kung hindi man malagpasan, sana kahit matapatan man lang," ani Sofia.
Nakangiting sabi pa niya, “Kasi, grabe po talaga yung tiwala na ibinigay sa amin.
"Ngayon po, kung hindi man, basta may napapasaya kaming mga tao kahit hindi man katulad noong una.
"Still hoping, sana matapatan o malagpasan."
sofia's dream to play a mermaid came true
Kuwento niya, bata pa lang siya ay nasabi na niya sa nanay niya na sana magampanan din niya ang role ng isang sirena.
Napanood daw niya ang TV remake ng Dyesebel at iba pang seryeng tungkol sa sirena.
Kaya tinanong namin si Sofia kung sino sa lahat nang gumanap na Dyesebel ang pinakapaborito niya.
Ginampanan ni Marian Rivera ang Dyesebel sa GMA-7 noong 2008, habang si Anne Curtis ay may bersiyon din sa ABS-CBN noong 2014.
Sabi ni Sofia: "Maganda po yung kay Ate Marian, pero napanood ko kasi before mula simula yung kay Ate Anne. Actually, nagpa-picture po ako sa kanya before, noong magkakasama po silang cast. Yun po talaga ang favorite ko.
"Pero maganda rin po yung kay Ate Marian."
