PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Criza Ta-a dismisses comparison with Andrea Brillantes

Criza Ta-a thinks Joao Constancia is boyfriend material.
by Melba R. Llanera
Published Apr 30, 2022
Criza Ta-a and Andrea Brillantes
Criza Ta-a on says she and Andrea Brillantes have gotten close since they worked together in the Kapamilya teleserye Kadenang Ginto in 2018.
PHOTO/S: @mscrizataa / @blythe on Instagram

Marami ang nakapansin na malaki ang pagkakahawig ng Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Criza Ta-a kay Andrea Brillantes.

Nagkasama sila sa teleseryeng Kadenang Ginto noong 2018 na pinagbidahan nina Andrea at Francine Diaz. Si Criza ay pumasok sa kalagitnaan nito pagkatapos niyang ma-evict sa PBB: Otso.

Kitang-kita diumano ang resemblance ng nila lalo na kapag pareho daw ang pose na nakunan sa dalawa kaya hindi maiwasang makumpara sila.

Pero ayon kay Criza, hindi naman daw siya nape-pressure sa mga pagkukumpara na ito dahil kaibigan niya si Andrea.

Ito ang sinabi niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa celebrity screening ng He's Into Her season 2 sa TriNoma noong April 9, 2022.

Ani Criza, "Wala naman. I think wala namang pressure, magkaiba naman kami ng path.

"Iba yung path na tinatahak niya and iba rin ang gusto kong marating sa buhay.

"We're really close, kami ni Andrea since Kadenang Ginto. Wala naman ako sa part na nape-pressure ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay unti-unti na ring gumagawa ng sarili niyang pangalan si Criza sa tulong na rin ng pagiging bahagi niya ng He's Into Her, na nasa ikalawang season na nito.

Hindi nga raw siya makapaniwala sa magagandang nangyayari sa kanyang career sa ngayon.

Sabi niya, "Actually, hindi ko talaga inexpect since noong PBB, in-expect ko lang na pasok lang ako dun, then tapos na.

"Tuluy-tuloy yung blessings, I guess sa plan din talaga ni Lord and nagta-trust lang ako sa Kanya palagi. Dasal lang talaga and siyempre, sa presence lang talaga ng Lola ko before pa.

"So, yun ang nagpatatag talaga sa akin."

LOVE TEAM WITH JOAO

Sa He's Into Her, si Joao Constancia ang kapareha ni Criza. Dahil dito ay nakabuo sila ng love team na tinatawag na CrizJo.

Dahil dito, natanong si Criza kung sa tingin ba niya ay "boyfriend material" ang kanyang ka-love team.

Sagot ni Criza, "Yes, gentleman kasi si Joao and talagang respectful siya. He respects boundaries and naiintindihan niya talaga ang bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala siyang kinakampihan palagi, parang palagi lang siyang gitna.

"Dad of the group siya, parati lang siyang nandiyan espescially for everyone so boyfriend material talaga."

Pero bukod kay Joao, may isa ring napupusuan si Criza na posible niyang maging ka-love team in the future: si Zaijian Jaranilla.

Sabi ng dating PBB housemate, "Si Zaijian, he is a very good actor but I haven't met him pa."

READ: How Donny Pangilinan, Belle Mariano pull off heavy scenes in He's Into Her 2

ON HE'S INTO HER SEASON 2

Malaki naman ang pasasalamat ni Criza na sa mainit na pagtanggap ng mga manonood at mga tagahanga nila sa He's Into Her.

Sa tagumpay nito ay nabigyan ito ng second season at nagsimula na ngang umere noong Sabado, April 24.

Ani Criza, "Sobrang happy, siyempre lalo na noong season 1 pa lang, ang dami ng nangyari and ang daming pinagdaanan ng show na ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"'Tapos nagsyu-shoot pa kami nung COVID, parang ang hirap pero na-pull off namin and nandito na kami, nakakapag-show na kami and ipapalabas na ang season two.

"Sobra-sobrang happy lang kaming lahat. Yung mga kasama ko dito, family ko talaga, sobrang close namin and wala talagang bad blood.

"I'm so happy amd sana magustuhan niyo guys kung anuman ang ipapalabas namin. Thank you guys sa wala nyong sawang pagsuporta."

READ: JC Alcantara, Shanaia Gomez join second season of DonBelle's He's Into Her

Malaki nga raw ang naitulong ng He's Into Her barkada kay Criza noong panahong nagluluksa siya sa pagkamatay ng kanyang lola noong November 2021.

"Of course lahat naman ng He's Into Her [cast], sobrang laki ng naitulong nila sa akin especially about sa healing.

"Kahit noong may sakit pa ang lola ko and buhay pa siya, nandiyan silang lahat for me and sobrang laking tulong yun para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Former PBB teen housemate Criza Taa mourns passing of her Mama Wilma

READ ALSO:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Criza Ta-a on says she and Andrea Brillantes have gotten close since they worked together in the Kapamilya teleserye Kadenang Ginto in 2018.
PHOTO/S: @mscrizataa / @blythe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results