Sinisiguro ni Sue Ramirez na kahit aminado siyang nakakagawa siya ng mga kabaliwan kapag nagmamahal ay hinding-hindi siya papatol sa isang may-asawa katulad ng role niya bilang Lexy Lucero-Illustre sa seryeng The Broken Marriage Vow ng ABS CBN.
Ayon nga sa Kapamilya actress, hindi niya magagawa na manira ng isang pamilya dahil lamang sa pagmamahal niya sa isang tao.
Ito ang naging pahayag ni Sue sa nakaraang The Broken Playlist: The Broken Marriage Vow Digital Concert Mediacon na ginanap nung nakaraang April 26.
"Definitely love will make you do crazy things. Love has made me do lot of crazy things. Love has made me accept a lot of crazy things also from past partners, pero I don't think na mang-aagaw ako ng asawa. Hindi ako aabot sa ganun but definitely yeah, love made me do crazy things a lot. Madaming-madami," pag-amin niya.
SUE ANALYZES PROS AND CONS OF HER CHARACTER
Tinanong din si Sue kung ano ang pinakagusto at pinakaayaw niyang katangian ng karakter niya bilang si Lexy Lucero-Ilustre.
Lahad niya, "What I love about her is the same thing that I hate about her: she's a go getter.
"She will get whatever she wants, maganda din namang pag-uugali yun na pag mayroon kang gusto, talagang you will do your best to get it, pero it can get to the point na you will realize na mali na ang ginagawa mo.
"I think you need a limitation, yung tamang balanse ng pagiging idealistic and go-getter. It will be dangerous for a person."
SUE CITES HER MOST CHALLENGING SCENE
Sa dami ng mga kapana-panabik na mga eksena sa The Broken Marriage Vow, ano kaya sa mga ito ang pinaka-challenging para sa Kapamilya actress?
Aniya, "I can really say it's the dinner scenes. It's the biggest, most viral scene in the whole teleserye. Well, marami pang paparating na mga eksena, pero I think that's the hardest to do for me kasi yun ang eksena na nabunyag na ang lahat."
"Kumbaga, yun ang pinakamalaking eksena na gumuho yung mundo ni Lexi. In front of her parents, nilabas yung pinakatatago niyang sikreto.
"Si Lexi, of course, she's just waiting for the time na hihiwalayan ni David si Jill 'tapos siya na rin siguro ang magsasabi sa parents niya, but for Jill to tell her parents na naunahan siya, parang yun talaga yung gumuho na ang mundo niya.
"Na-disappoint ang parents ni Lexi, yun ang pinakaayaw niyang mangyari. I think yung dinner scene talaga."
SUE SHARES FAVE HEARTBREAK SONG
Tulad ng iba, mayroon ding kanta na paulit-ulit na pinapakinggan si Sue kapag bigo siya sa pag-ibig.
"Ako mayroon akong isang specific na kanta na naaalala ko nung dumadaan ako sa heartbreak, pinapakinggan ko siya na paulit-ulit. Yung 'Walang Hanggan' ni Quest.
"Oo, masokista ako. Di ako nakikinig ng masaya. Gusto ko yung pakikinggan ko nakakaiyak para matapos na, iiyak ko na ang lahat.
Ang The Broken Playlist: The Broken Marriage Vow digital concert ay ginanap kagabi, Biyernes, April 29, at dinaluhan nila Jona, Morissette Amon, Gigi de Lana, Fana Kyla at ng The Broken Marriage Vow cast.
