PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What Mikee Quintos learned from Apoy Sa Langit character

She adds, “Pinakahirap akong emosyon sa lahat yung galit."
by Rommel Gonzales
Published May 3, 2022
Mikee Quintos
Mikee Quintos talks about her character in Apoy Sa Langit: "Because of Ning natututunan ko yung level and kung paano i-express yung galit in different ways."
PHOTO/S: PR

Si Mikee Quintos ang umawit ng "Sa Iyo," ang theme song ng bagong Kapuso serye na Apoy Sa Langit.

Kahapin, May 2, 2022, ang pilot airing ng Apoy Sa Langit sa GMA.

Kuwento ni Mikee sa Zoom mediacon ng Apoy Sa Langit nitong Huwebes, April 26, ito ang pinakaunang beses na inawit niya ang kanta na sinadyang isinulat para sa isang teleserye na isa siya sa mga bida.

Aniya, “Opo, actually this is the very first time na original po na para sa serye talaga.

“When I sang a song po for Onanay, parang nagawa ko na po kasi yung kanta before the show started pa 'tapos ginamit lang po yung kanta kasi sakto po yung lyrics.

“Pero it was not written for Onanay. So eto po yung first time.”

Ang Onanay ay ang GMA-7 series nina Mikee, Kate Valdez, Cherie Gil at Nora Aunor noong 2018.

Ano ang nararamdman ni Mikee habang nire-record niya ang kanta para sa Apoy sa Langit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung una po, kabadung-kabado ako, and na-feel ko yung opportunity, sabi ko, ‘Grabe kakaiba itong opportunity na ito!’

“Kasi iyon nga po sinulat yung kanta for the show ‘coz nung ginawa ko nga po yung kanta sa Onanay..."

Mas nailabas niya ang emosyon na kailangan para sa "Sa Iyo," dahil mas kabisado na niya ang kanyang karakter.

"During recording, hindi mo pa mapasok yung character, yung emosyon ng character, yung anggulo, yung point of view siyempre kasi nauna nga po yung kanta.

“So this time, sabi ko pag ni-record ko ito, talagang gagawin ko yun na, at least, but iba nga po, ang laking bagay na nakapag-taping na din kami.

“Kasi mas kilala ko na po si Ning, alam ko na din po kung paano yung aura, yung energy ng ibang characters, so during the recording, nagagamit ko po yun, yung mga eksenang yun.

“And parang… nakapikit po ako, e, habang nire-record namin kasi ini-imagine ko talagang kinakanta ko dun sa partner ko mismo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Mikee, bawat linya ng kanta ay ini-imagine raw niya ang mga ginawa niyang eksena sa Apoy Sa Langit at doon siya humuhugot ng emosyon habang nagre-recording.

Sabi nya, “Opo. Yung parang binabalikan ko po yung moment.”

HER CHARACTER IN APOY SA LANGIT

Bilang si Ning, masasabi ba ni Mikee na ito ang pinaka-daring role at pinaka-mature na ginampanan niya sa kanyang buong showbiz career?

“Daring po? Siguro hindi naman po kasi required si Ning na ganun. Like Ning here in this story is, she has trust issues.

"So takot din siyang tumalon sa mga ganung kind of, yung lalim sa relasyon.

“So wala po akong ganung ka-daring na mga eksena like yung mga kissing scenes just like Stella and Cesar here.”

Gaganap sa Apoy Sa Langit si Lianne Valentin bilang si Stella at si Zoren Legaspi naman ay bilang si Cesar.

"I can say mas mabigat pa sa dala ni Maila [dati niyang karakter] dun sa Onanay. Pero yung challenge ko in a way here, na sa lahat po ng pinlay kong characters, si Ning yung may pinakamabigat na dinadala sa loob.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi ito may trauma and nahihirapan siyang i-handle yun na kino-consume na siya ng trauma niya. Na nahihirapan na siyang mabuhay nang normal.

“Pero that’s masked, you don’t see it in here, which is harder, I think, kasi hindi niya nga na-e-express yung ganun niya masyado.

“Pinakahirap akong emosyon sa lahat yung galit. Hirap akong i-express ang galit, and because of Ning natututunan ko yung level and kung paano i-express yung galit in different ways."

Ang direktor ng Apoy Sa Langit ay si Laurice Guillen, na ayon kay Mikee ay "very straight to the point with what she wants and that helps me a lot sa mga eksena.”

LEADING MAN

Sa The Lost Recipe ay si Kelvin Miranda ang leading man ni Mikee, sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay si Sef Cadayona (na parehong ipinalabas nitong 2021), at ngayon sa Apoy Sa Langit ay si Dave Bornea na gaganap bilang si Anthony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta katrabaho si Dave?

“Si Dave naman po kasi kasabay ko siya na mag-workshop. Nung bagung-bago po ako, six-seven years ago na, na yung batch po nila ng StarStruck, kasabay ko pong nag-workshop.

“So yung unang open ko sa Eric Morris [sikat na acting coach], sa style ng workshops dito sa GMA, kasabay ko siya dun. So ilang exercises na ka-partner ko siya dun, so nakaktulong po iyon pag kaeksena ko siya.

“Kinukuwento ko, ‘Naaalala mo yung ginawa natin noon?’

“Parang, ‘Try natin dito!’

“Iyon may mga ganun po kami so nakakatulong po yun.”

Kaya kahit unang beses nilang magkatrabaho sa isang drama series ay walang adjustment na nangyari sa pagitan nila ni Dave?

“Meron pa rin po kahit kaunti, but nakatulong it helps na meron ng sense of comfort ‘coz we know each other already.

"So ang tinatrabaho namin yung kung paano pa namin mas mapapaganda yung eksena, para hindi makita yung Dave and Mikee, mas makita si Ning at saka si Anthony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyon po, we’re going for that. Sana po makita ninyo yun.”

Tampok rin sa Apoy Sa Langit sina Maricel Laxa bilang si Gemma, si Mariz Ricketts bilang si Blessie Atienza, si Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, si Coleen Paz bilang si Patring, si Celine Fajardo bilang si Iyah, si Patricia Ismael bilang si Lucy, at si Mio Maranan bilang si Toto Pancho.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikee Quintos talks about her character in Apoy Sa Langit: "Because of Ning natututunan ko yung level and kung paano i-express yung galit in different ways."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results