Jodi Sta. Maria reacts to TikToker's spoof of her line: “Papunta pa lang tayo sa exciting part.”

by Melba R. Llanera
May 5, 2022
Jodi Sta. Maria, AC Soriano
Jodi Sta. Maria on TikToker AC Soriano creating spoofs of her lines from The Broken Marriage Vow: "It was, you know, a one-man show, siya lang talaga ang gumawa ng lahat. Costume changes niya siya lang, yung music, yung editing niya for the videos na ginamit niya... I just told her to keep making people happy with what you are doing."
PHOTO/S: The Broken Marriage Vow / AC Soriano

Natutuwa si Jodi Sta. Maria sa spoofs at memes hango sa mga linya niya sa Kapamilya prime-time series na The Broken Marriage Vow.

Una na rito ang spoof ng TikToker na si AC Soriano, gamit ang mismong boses ni Jodi habang dini-deliver ang naturang mga linya tulad ng "Your daughter is sleeping with my husband!" at "Papunta pa lang tayo sa exciting part."

Galing iyon sa episode kunsaan ibinuking ni Dr. Jill sa mga magulang ni Lexy (Sue Ramirez) na kalaguyo ito ng mister niyang si David (Zanjoe Marudo).

Nag-viral ito sa social media at marami na ring ibang influencers ang gumagaya nito.

Saad ni Jodi, "Nakakatuwa 'coz it was actually popularized by AC Soriano and gumawa siya ng sarili niyang remix ng 'Your daughter is sleeping with my husband.' And then in-edit niya, nilagyan niya ng "Papunta na tayo sa exciting part.'

"Siya lang talaga ang gumawa ng lahat ng yun. Then naka-message ko siya sa IG, and then nag-invite if I could watch the performance."

Ang tinutukoy ni Jodi ay ang livestream ni AC na ginawan ng dance remix ang sikat na The Broken Marriage Vow lines ni Jodi.

Gayang-gaya ni AC ang bob cut pati na ang ethnic-designed dress ni Jodi sa teleserye.

Kuwento pa ni Jodi: "Naghintay ako till 11 p.m., way past my bedtime, pinanood ko yung performance niya. Sobra akong natuwa, sobra akong naaliw, sobra akong nagalingan sa kanya, so nag-send uli ako ng message na kino-congratulate ko siya for that.

"Siya lang mag-isa, e. It was, you know, a one-man show, siya lang talaga ang gumawa ng lahat. Costume changes niya siya lang, yung music, yung editing niya for the videos na ginamit niya, siya lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I just told her to keep making people happy with what you are doing. Thumbs up ako dun sa ginawa niya, nakakatuwa talaga."

AC Soriano

Aminado si Jodi na pabor sa show ang pag-spoof sa kanyang unforgettable lines. Umaabot ng 1M to 4.9M views ang ilan sa spoof na ginawa ni AC.

"To begin with, alam natin na medyo mabigat yung tema ng istorya, pero alam mo ang mga Filipinos talaga very creative. Lagi tayong may pamamaraan kung paano pagagaanin ang isang bagay.

"I think by creating mga memes, spoofs sa mga ginagawa nila, kahit papaano, napapagaan ang isang temang mabigat. Also, nakakatulong siya sa pag-spread ng awareness na, 'Ah, may show pala na ganito. Tingnan natin.'

"Ang nangyayari, nagkakaroon din ng mas maraming followers and viewers ang show."

Para kay Jodi, hindi lang dapat ibigay sa kanya ang credit ng show dahil ang writers ng The Broken Marriage Vow ang nasa loob ng mga linyang tumatatak sa mga manonood.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I would say na nakakatuwa, na akala mo isang simpleng linya, magiging viral siya, magiging meme siya at gagawan siya ng parody or gagawan siya ng spoof, ganyan.

"Siguro dapat yung credit din ibigay dun sa writers kasi sila naman talaga ang nakaisip nung linya na yun.

"Kumbaga, ako lang yung actor na nag-deliver nung line. Sa kanila talaga yun," dii niya.

NOD OF APPROVAL FROM THE ORIGINAL DR. FOSTER

Sa kabila ng mahuhusay ang mga aktres na gumanap sa ibang bersiyon ng The Broken Marriage Vow—ang original British series na Dr. Foster at ang Korean adaption nitong The World of The Married Couple—marami ang pumupuri sa atake ni Jodi bilang Dr. Jill.

Maging ang lead actress ng Dr. Foster na si Surrane Jones ay suportado ang Pinoy adaptation ng serye.

Ayon kay Jodi, "Actually, the goal naman talaga naman is not to copy kung ano yung unang ginawa o yung mga naunang adaptation, but to really make it our own na di naman nawawala dun sa arko o dun sa konteksto nung original adaptation.

"Thank you so much for letting us know about Surrane Jones's comment on the show. It's really a validation for all of us—for us actors, for the creative team, for the writers, for Dreamscape, for ABS-CBN—that what we did is something right.

"The show is really relatable, nangyayari talaga siya sa totoong buhay. May mga pag-aaway o sigalot ng mag-asawa na nakakaapekto hindi lang sa kanila pareho kundi sa anak nila at sa mga taong nakapaligid sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think yun din ang reason kung bakit nagiging relatable, and sabi nga ni Sue connected ang mga tao. One way or the other, nakikita nila yung sarili nila dun sa isa sa mga karakter na pinapalabas sa The Marriage Broken Vow."

JODI AS A RELIABLE DRAMATIC ACTRESS

Tumatatak ang bawat karakter na ginagampanan ni Jodi sa iba't ibang serye na ginagampanan niya mula sa Be Careful With My Heart, Pangako Sa Iyo, at ngayon nga ay sa The Broken Marriage Vow.

Marami ang nagsasabing "icon" nang matuturing ang aktres sa larangan ng teleserye at iconic din ang mga linyang binibitawan niya.

Pero ulit ni Jodi: "Well, I will not take all the credit for that because I'm just one part of a whole. You have to remember, it's not just me working dun sa isang eksena.

"We have to remember that ako, isang aktor na magde-deliver ng isang linya na sinulat ng writer. It's really the whole team being together to make something iconic, tatatak, or mare-remember ng audience."

Tinanong din si Jodi kung ano bang linya sa The Broken Marriage Vow ang pinakagusto niya.

Sagot niya, "Sa totoo lang, parang ang hirap sagutin ng tanong kasi ang daming linya na di ko na maalala. I mean, I was reminded again, yung 'Papunta pa lang tayo sa exciting part,' nung nagkaroon ng parody about it.

"But, I guess, sobrang dami ng naging linya, to be honest di ko na rin masyadong maalala.

"Siguro yung ano na lang, 'Ako ang magsasabi kung saan, kailan, at kung paano ko ito tatapusin.'"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria on TikToker AC Soriano creating spoofs of her lines from The Broken Marriage Vow: "It was, you know, a one-man show, siya lang talaga ang gumawa ng lahat. Costume changes niya siya lang, yung music, yung editing niya for the videos na ginamit niya... I just told her to keep making people happy with what you are doing."
PHOTO/S: The Broken Marriage Vow / AC Soriano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results