PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lianne Valentin Apoy sa Langit Coleen Paz taping mishap

Coleen Paz and Lianne Valentin are also BFFs off-screen
by Rommel Gonzales
Published May 7, 2022
Coleen Paz
Lianne Valentin
Apoy sa Langit actress Lianne Valentin (right) narrates how fellow actress and off-screen best friend Coleen Paz (left) consoled her during an unexpected incident during the taping of their newly launched GMA-7 teleserye.

Ang Kapuso female actress na si Coleen Paz ay gumaganap sa Apoy sa Langit ng GMA-7 bilang si Patring Benepayo.

“Ako po ang bestie ni Stella.”

Si Stella Fernandez ay ginagampanan naman ni Lianne Valentin, na ayon kay Coleen ay bestie niya rin off-screen.

“Talagang sobrang close namin together at sobrang ako yung nagku-console sa kanya, sa akin niya sinasabi lahat ng plano niya,” pagtukoy ni Coleen sa kanilang mga karakter ni Lianne bilang Patring at Stella.

“Lahat ng gusto niyang gawin, lahat ng mga tinatago niya, ako ang nakakaalam. At dapat niyo pong abangan kung ano yung mga plano niya dahil nakakaloka talaga ang mga plano niya,” at natawa si Coleen.

“Kahit ako na kaibigan niya, itinuring ko siyang kapatid na bestfriend, lahat-lahat na, nagugulat sa kung ano yung ipinapakita niya at kung ano yung mga ginagawa niya.

“Pero dahil kaibigan ko siya at mahal na mahal ko siya, siyempre tanggap ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At talagang naging close ko din, kahit behind-the-scenes, talagang natuwa ako dahil naging ka-close ko talaga si Lianne and super na-build yung friendship namin, na para talagang naturing ko siyang kaibigan, kasi may mga instances na unexpected na nangyari.

“So doon talaga kami naging close at dun ko na-feel na grabe, sobrang ano ko talaga si Li at thankful ako na naka-work ko siya.

“First time ko rin naka-work, like everyone, pero I’m thinking na si Li is younger than me, pang sobrang mature niya talaga.

“I mean, behind Stella, Lianne is a very, very good person and a mature one, na sobrang sakto yung role for her, na ako talagang as Patring and as Coleen, sobrang I support her.”

LIANNE NARRATES UNEXPECTED INCIDENT AT APOY SA LANGIT TAPING

Ano ang unexpected na nangyari sa taping na binanggit ni Coleen?

“Ayyy!!!” at tumawa si Coleen.

“Oh, my God! Parang kailangan natin si Lianne on the stage,” biro pa ni Coleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Let’s say… Lianne, it’s your story to tell, I guess.”

Isang eksena raw iyon na sila ni Lianne ang magkasama.

“So dun ko talaga na-feel na she needs me and kailangan ko talaga siyang i-comfort for that,” pahabol ni Coleen.

Minabuti naming itanong kay Lianne, na present rin during our Zoom interview with the cast of Apoy sa Langit noong Martes, April 26, kung ano ang unexpected event na tinutukoy ni Coleen.

Hindi naman nagdamot si Lianne an ikuwento ang tungkol doon.

Pagbabalik-tanaw ni Lianne, “There’s this scene na we were doing sa apartment niya kunwari so iyon, ang scene is nagra-rant si Stella sa bestfriend niya, kay Patring, ganyan. And yung ginagawa namin sa eksena is nagpe-prepare kami ng mga pang-lulutuin, ganyan.

“'Tapos, nagra-rant ako about sa mga nangyayari kay Stella ganyan, 'tapos there’s this time na we did another take, ‘coz masyado yata akong nadala ng emosyon ko, so continuity na kasi yung scene so kinuha ko sa kanya yung hinihiwa niya na carrots.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“'Tapos, sa sobrang nadala ako ng emosyon ko, na-cut ko yung hand ko.”

Nahiwa ni Lianne ang ring finger niya nang hindi sinasadya.

“Hindi naman whole. Hindi ko pa naramdaman actually at first, siya yung unang nakakita na nagdudugo na pala yung finger ko, tsaka ko lang na-realize na dumudugo na pala siya.

“E, mahaba pa yung linyahan, ganyan and there are the reaction shots, ganun. So pinipigilan ko lang yung sarili ko kahit sobrang sakit na,” at natawa si Lianne.

“Pero okay naman na ngayon yung finger ko, I mean super nagulat lang din talaga si Coleen sa nangyari.

“And after ng scene namin na yun, ayun nagamot agad yung finger ko, pero like yung reaction niya sobrang laki na, 'Ahhh!!!' Ganun. Pati ako yung reaction ko napalaki na rin.

“So iyon lang yung unexpected na nangyari, na siguro super-memorable kay Coleen at sa akin rin, actually.

“Pero okay naman po ako, kumpleto pa naman siya, so okay ako,” sabay pakita sa amin ni Lianne ng sampung mga daliri niya sa kamay habang tumatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay Coleen, “Lucky kami na yung Apoy sa Langit ready talaga yung mga medic, ready talaga yung everyone, as in talagang nandyan sila for us, for Lianne.”

Tampok rin sa Apoy sa Langit sina Mikee Quintos bilang si Ning Hidalgo, Zoren Legaspi bilang si Cesar Monastrial, Maricel Laxa bilang si Gemma Hidalgo, si Mariz Ricketts bilang si Blessie Atienza, si Dave Bornea bilang si Anthony Zulueta, si Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong Tayag, si Celine Fajardo bilang si Iyah Legarda, si Patricia Ismael bilang si Lucy Fuerte, at si Mio Maranan bilang si Toto Pancho.

Napapanood ang Apoy sa Langit sa GMA Afternoon Prime, sa direksyon ni Laurice Guillen.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apoy sa Langit actress Lianne Valentin (right) narrates how fellow actress and off-screen best friend Coleen Paz (left) consoled her during an unexpected incident during the taping of their newly launched GMA-7 teleserye.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results