Jolina Magdangal happy with stable ratings of Flordeliza

Jolina Magdangal on her role in Flordeliza: "Hindi talaga ako dramatic actress, pero dahil sa ginagawang script ni Direk [Wenn Deramas] at yung role ko as a mother, parang minsan, hahawakan niya lang ang kamay ko, naiiyak na ako. Dalang-dala talaga ako ng istorya at nakakatuwa na yung mga tao, dalang-dala rin."


Malaking bagay para kay Jolina Magdangal na nagawa niya ang afternoon drama series ng ABS-CBN na Flordeliza.

Bukod sa ito ang naging hudyat ng pagbabalik-Kapamilya niya, dito rin niya nagawa ang ilang bagay na hindi naman daw niya nagagawa noon.

Ayon kay Jolina, “Nasa seventh week na yata, kasi one season lang naman siya.

“Pero alam mo, mahal na mahal ko ang show.

“Sobrang galing na galing ako kay Direk Wenn [Deramas].

“Ngayon lang ako nakakita ng director na, istorya niya yun, utak niya yun lahat.

“At sobra akong naa-amaze sa script namin.

“Hindi talaga ako dramatic actress, pero dahil sa ginagawang script ni Direk at yung role ko as a mother, parang minsan, hahawakan niya lang ang kamay ko, naiiyak na ako.

“Dalang-dala talaga ako ng istorya at nakakatuwa na yung mga tao, dalang-dala rin.

“Ang sarap makarinig ng, ‘Naiyak kami noong ganito ang role mo. Siguro ganito talaga ang feeling kapag Mommy ka na…’

“So, parang siguro, buma-bounce sa kanya na nag-e-enjoy kami habang ginagawa yun.”

Hangang-hanga nga si Jolina kay Direk Wenn, lalo pa raw at binibigyan din sila ng pagkakataong gawin ang sarili nilang atake sa mga eksena.

“Binibigyan niya kami ng freedom paano gawin ang atake ng show na ito, pero may guidance niya.

“Kaya yung Flordeliza, kahit ano ang magawa ko sa future at nagawa ko na dati, iba ‘to.

“Iba yung dedication ko rin dito. May dedication ako sa iba, pero iba ‘to.”

Kung sabihin, hindi raw ganoon kataas ang rating na naitatala ng Flordeliza nang magsimula itong umere. Ngayon, kumusta ang rating nila?

Ayon kay Jolina, “Okey.

“Sa totoo lang, hindi kami nag-e-aim na taas agad ‘tapos pababa.

“Yung nangyayari ngayon, from one digit to two digits, malaking ano yun.

“And nakakatuwa na ibinigay nila sa amin yung trust na yun na paakyatin niyo ang hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sabihin na nating hindi pa talaga bonggang-bongga, hindi siya bumababa.

“Maganda ang feedback, yung kuwentuhan ng tao ang masarap pakinggan dun, e.”

Kinumusta rin namin kay Jolina ang balik-tambalan nila ni Marvin Agustin dito sa Flordeliza.

“Okey kami, pero ngayon kasi, yung mga eksena, hindi kami magkaeksena at saka may asawa na siya dun.

“Nakakatuwa rin yung mga nanonood kasi nadadala sila sa Carlo [Aquino]-Jolina.

“So, alam mo na yung mga tao, nadadala sa eksena, hindi lang sa loveteam.

“At yun ang ine-aim namin, dahil sa istorya at dala pa ang artista.”

Bukod sa Flordeliza, mapapanood din si Jolina bilang isa sa celebrity contestants sa bagong reality-competition show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar, na magsisimula nang umere sa March 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN