PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What stardom means to Sparkle artist Nikki Co

"Hindi lang siya sa pagiging magaling mo sa craft mo..."
by Rommel Gonzales
Published Jun 4, 2022
Nikki Co is a Sparkle artist
Having been in show business for six years, Sparkle artist Nikki Co has learned that stardom goes beyond "pagiging sikat."
PHOTO/S: PR

"Masaya lang talaga and grateful" si Nikki Co dahil contract artist na siya ngayon ng Sparkle ng GMA-7

Aniya, “Siyempre masaya saka masarap sa pakiramdam, alam mong pinagkakatiwalaan ka pa rin ng network kasi in-extend ka pa nila.

"And ayun, tuluy- tuloy lang sa pag-improve sa craft namin..."

Ano pa ang mga dapat abangan kay Nikki?

“Siguro expect more of, more contravida roles, kasi sa nakikita ko lately, yung mga pinapa-audition sa akin ng GMA is medyo puro contravida, e.

“So nag-e-enjoy naman ako dun, so let’s see.”

Kung sakaling hindi ni-renew ng GMA/Sparkle ang kanyang kontrata, ano ang plan B sana ni Nikki?

“Naka-graduate po ako ng college, I graduated sa Business Finance so I can go in that field, and also nag-i-invest din ako sa real estate so puwede rin po yun.

”And I can also start a business kasi balak ko rin naman talaga.”

Pero hindi raw basta-basta isusuko ni Nikki ang kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Plus hindi pa rin ako titigil kasi passion ko na yung pag-arte, so mag-o-audition at mag-o-audition pa rin ako kung saan puwede.”

WHAT SHOWBIZ HAS TAUGHT HIM

Sa anim na taon na pagiging bahagi ng showbiz ni Nikki, ano ang naging pananaw niya sa stardom o fame?

“Stardom siguro para sa akin is being a total package.

“Hindi lang siya sa pagiging magaling mo sa craft mo, kailangan kasama yung kailangan mabait ka sa mga katrabaho mo, kailangan mahal mo yung trabaho mo."

Malaking bagay sa kanya ang pagiging humble. Hindi raw dapat mabago ng kasikatan ang isang tao.

Sa pagpapatuloy ng Kapuso actor, “And yung pagiging star or pagiging celebrity, hindi lang siya sa pagiging sikat, e.

"Hindi lang siya pagiging magaling, kailangan nasa puso mo siya, na araw-araw kang gusto mong mag-improve, araw-araw na gusto mong maging magaan katrabaho.

“Kailangan hindi lalaki ang ulo mo. So para sa akin ang pagiging isang star is yung package talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan magaling ka, mabait ka sa tao, and always put your feet on the ground.”

CONTRAVIDA VERSUS MALE LEAD ROLES

Gumanap na kontrabida si Nikki sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Ang pagiging character actor ba ang linya na gusto niyang makilala bilang artista o gusto rin niyang maging isang leading man?

“Siyempre gusto ko pa ring maging leading man kasi lahat ng mga roles, gusto kong magampanan, e.

“Pero sa nakikita ko, effective ako sa ganitong role. So why not, kung bibigyan ako ng ganitong path, why not?

“Pero kung may chance pa rin naman akong maging leading man, why not din? So ayun.”

Na-e-enjoy naman daw ni Nikki ang pagiging kontrabida.

“Actually, oo, e! Kasi napaglalaruan mo yung character saka may lalim yung mga ganung role so pag-aaralan mo talaga,

“Masarap sa pakiramdam na kaya mo siyang gawin, and yung feedback ng mga tao is nakakatuwa lang kasi nakikita mo na naa-appreciate nila yung pinaghirapan mo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang mga natutunan niya sa pagiging bahagi ng Mano Po Legacy: The Family Fortune?

Nakatulong ba iyon upang mas maging mahusay siyang artista?

“Siguro para sa akin, yung sa top ng list ko na kung bakit ako naging magaling dun sa performance ko is yung connection ko sa mga co-actors ko.

“Hindi naging madamot yung mga veterans saka yung mga kasabayan ko sa Mano Po, e. Kaya yung chemistry namin on set is maganda talaga.

“E, siyempre yung awkwardness wala na, yung closeness niyo na lang yung, kumbaga naglalaro na lang kayo, parang playground na lang yung set so tingin ko iyon yung isang malaking factor.”

Nagkaroon nga raw ng improvement si Nikki bilang aktor dahil sa experience niya sa Mano Po, “Yes, oo. Salamat, salamat sa lahat.”

Umere nitong Enero ng taong kasalukuyan, itinampok din ng Mano Po Legacy: The Family Fortune sina Barbie Forteza, Maricel Laxa, Sunshine Cruz, Boots Anson-Roa, David Licauco, Darwin Yu, Dustin Yu, at marami pang iba

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood naman si Nikki sa brand-new episode ng Magpakailanman na pinamagatang "Nasaan Ka, Inay" na pagbibidahan ni Pokwang ngayong June 4, Sabado, 8:15 ng gabi.

Tampok rin sa nabanggit na episode sina Archi Adamos, Leandro Baldemor, Gilleth Sandico, Rubi Rubi, David Remo, at Euwenn Mikael.

Ito ay sa pananaliksik ni Karen Lustica, panulat ni John Roque at sa direksyon ni Zig Dulay.

Pagkatapos ng Magpakailanman ay may nakalinya na raw na bagong proyekto si Nikki.

Aniya, “Meron tayong inaantay na result ng auditions, pero most likely, feeling ko naman is ito na yung next, hopefully, and pinagpe-pray ko naman siya.

“So abangan na lang po, siguro sa social media ko na lang ipapakita if ayun na talaga,” ang nakangiting sinabi pa ni Nikki.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng members ng media ang aktor via Zoom para sa Signed for Stardom ng Sparkle at GMA-7 nitong Martes, May 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Having been in show business for six years, Sparkle artist Nikki Co has learned that stardom goes beyond "pagiging sikat."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results