Sobra ang pasasalamat ni Kim Domingo sa muling pagpirma niya sa Kapuso network sa ilalim ng talent management arm na Sparkle, dating kilala bilang GMA Artist Center.
Kabilang si Kim sa mga pumirma at nag-renew ng kontrata sa Sparkle noong May 26, 2022 sa event na Signed For Stardom.
Hindi raw inaasahan ng former sexy actress na mare-renew pa ang kontrata niya dahil sa dami ng mga bagong artista ng GMA-7.
Naging exclusive talent ng GMA-7 si Kim noong 2015. Dahil sa sexy image niya noon, nabigyan siya ng title na "Kapuso Pantasya Ng Bayan."
Naging calendar girl din siya ng Ginebra San Miguel noong 2017 at nagkaroon din siya ng libro titled State Of Undress na ang laman ay intimate sexy photos niya.
Ayon kay Kim, "Sobrang grateful ako. Naalala ko 2015 pa ako nag-sign. Artist Center pa noon, hindi pa Sparkle.
"Sobrang thankful ako sa opportunities and sobrang excited na rin ako sa mga plano pa nila para sa akin. Masayang-masaya ako."
Pero pagkaraan ng dalawang taon, nag-iba ng image si Kim. Mula sa sexy image ay pinili niyang magkaroon ng wholesome na imahe.
Sabi pa noon ni Kim sa pag-shift niya from sexy to wholesome: "Unti-unti ko nang tinatanggal ang pagpapa-sexy. Magpapa-sexy ako pero hindi na kagaya ng dati kong ginagawa.
"Gusto ko na makatawid sa pagiging ganap na aktres. At ang goal ko naman talaga ay makakakuha ng acting award at kung paano ako tatagal sa industriya.”
Kabilang sa TV shows kunsaan naging cast member si Kim: Bubble Gang, Juan Happy Love Story, D'Originals, Super Ma'am, Inday Will Always Love You, TODA One I Love, at Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.
Nagdesisyon siyang huwag munang tumanggap ng trabaho nung kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.
Sobrang na-depress rin daw siya noong pumanaw ng kanyang best friend na si Angelo Fango dahil sa sakit na lung cancer.
Ngayon ay handa na raw ulit si Kim na magtrabaho.
"Dumating ako sa point na medyo naglay-low ako sa showbiz lalo na nung pandemic. Nag-stop talaga ako, hindi kasi ako nagte-taping sa labas. Medyo may takot ako that time.
"Ngayon, ready na ready na ako. This year sabi ko eager na eager talaga ako mag-work. Very excited ako."
ON BEING PART OF START-UP PH
Kabilang dapat si Kim sa unang teleserye ni Xian Lim sa GMA-7 na Love. Die. Repeat with Jennylyn Mercado. Pero biglang nabuntis si Jennylyn kaya nahinto ang taping sila hanggang maging handa na ulit ito.
Sinilang ni Jennylyn ang first baby nila ng mister na si Dennis Trillo noong nakaraang April 25.
Nabigyan ng ibang teleserye si Xian na False Positive with Glaiza de Castro, at si Kim ay sinama sa cast ng Start-Up PH kunsaan bida sina Alden Richards at Bea Alonzo.
Sa interview ni Kim sa 24 Oras kamakailan, kinuwento niya ang kanyang nararamdaman ngayong kabilang siya sa Philippine adaptation ng hit Netflix Korean series na Start-Up.
Kasama na rin ang matagal na niyang wish na makatrabaho sa isang teleserye si Alden Richards.
"Nakakadalawang taping pa lang ako pero sobrang happy ko na isa ako sa mga napili para sa cast ng Start-Up PH.
"Sa mga interviews ko before, sinasabi ko na isa si Alden sa mga gusto ko talagang makatrabaho. So, ito na yun, nangyari na siya. Plus, may bonus pa na nandiyan si Bea Alonzo.
"Very excited ako, at the same time, nandoon talaga yung kaba ko lalo na noong first taping day ko."
Gagampanan ni Kim ang role na Stephanie, isang matalino at mayaman na lawyer at designer na makakatrabaho nina Dani (Bea Alonzo) at Dave (Jeric Gonzales).
KIM's inspiration behind her songwriting
Pinasok na rin ni Kim ang songwriting at sa isang pinost niya sa kanyang Instagram account noong January, makikita ang isang yellow pad na may nakasulat na lyrics at tabi nito ay isang electric guitar.
Inamin pa ni Kim na fan siya ni Taylor Swift kaya naengganyo siyang magsulat ng sarili niyang kanta.
Caption pa ni Kim: "As far as I can remember, I have a strong liking for music. One of my long time dreams is to write my own song.
"I feel I can share all my talents,stories and experiences, good or bad thru my music. I finally decided to make this into a reality.
"Now I am working on writing and composing my first ever original song. Crossed fingers."
Sa isa namang uploaded video sa IG noong February, maluha-luhang inawit ni Kim ang nasulat niyang kanta na dedicated sa kanyang pumanaw na best friend na si Angelo.
Read: Kim Domingo mourns death of guy best friend: “Napakasakit!"
"It was the first time that I have sang a song that I personally wrote with others present to hear and appreciate my creation.
"I got emotional while singing it. It really feels different when you do or sing something that comes straight from your heart. I'm so excited to share my song to everyone soon!
"And to the person who served as my inspiration to write this song. I would like to say thank you at sana nakangiti ka dyan. Para sayo to. Love you @zach_gelzz," caption pa ni Kim.
