PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame on fake station ID of AMBS posted online

"Hindi totoo yun. Hindi yun ang original."
by Jojo Gabinete
Published Jun 28, 2022
willie revillame on endosring a candidate
Willie Revillame: "May ginawang station ID na may voice-over without the knowledge, without the permission of the Villars at ng AMBS. Hindi totoo yun. Hindi yun ang original."
PHOTO/S: YouTube

May paglilinaw si Willie Revillame tungkol sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ang television network ng Villar family na malapit nang magbukas.

Read: Manny Villar at Willie Revillame, nagsimula nang mag-usap tungkol sa pagbubukas ng AMBS ngayong 2022

Nagsimula noong June 24, 2022 ang test broadcast ng AMBS sa Channel 2.

Nang sumunod na araw, June 25, kumalat ang paglabas ng 30-second station ID video na may tagline na “Kasama Bawat Pilipino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paglilinaw ni Willie, wala itong kinalaman at walang pahintulot ng TV network management.

“May ginawang station ID na may voice-over without the knowledge, without the permission of the Villars at ng AMBS.

“Hindi totoo yun. Hindi yun ang original.

"It was just made by someone na walang permiso. Inilabas niya sa kanyang personal Facebook account,” pagtutuwid ni Willie sa pakikipag-usap sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Martes ng umaga, June 28.

Patuloy ni Willie, “May original na ginawa, ilalabas yun sa test broadcast ng Channel 2, sa analog at sa digital.

“Yung lumabas sa social media was not original. It was not permitted by AMBS management.

“Wala pang approved logo. Kung merong gagawin, yung moving logo ng AMBS, ipapalabas ‘yan sa test broadcast."

Paalala pa niya, “Kung may mga tanong tungkol sa AMBS, ang management mismo ang dapat na tanungin para maiwasan ang disinformation.

“Abangan na lang ang magiging original logo ng AMBS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Noong June 24, nag-test broadcast na. Meron nang color bars. Inaayos na ang lahat.

“And also, kung anuman ang mga programang ilalagay, magkakaroon ng announcement.”

Nagbigay rin ng update si Willie tungkol sa grand launch ng kanyang Will TV app.

“Will TV app will be launched earlier at mangyayari ito bago ang opisyal na paglulunsad sa AMBS,” ani Willie.

Nakatutok, personal ang pag-aasikaso at paghahanda ni Willie para sa inaabangang pagbubukas ng AMBS na malapit nang mangyari.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: "May ginawang station ID na may voice-over without the knowledge, without the permission of the Villars at ng AMBS. Hindi totoo yun. Hindi yun ang original."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results