Nalalapit na ang pagbabalik ni Darna sa prime time!
Kahapon, Miyerkules, July 6, 2022, inilabas ng ABS-CBN Entertainment ang teaser poster ng Darna: The TV Series sa kanilang mga social-media accounts.
Ang poster ng Darna: The TV Series, na ipinost din ng JRB Creative Production, ay dinisenyo ni Justin Besana.
"Masisilayan mo na siya! 07.07.22," parehong caption ng ABS-CBN at JRB Creative Production.
Ngayong gabi kasi ng July 7, 2022 ay ilalabas na ng ABS-CBN ang full trailer ng Darna.
Ang JRB Creative Production, na pinamumunuan ng business unit head na si Julie Anne Benitez, ang drama unit na humahawak ng Darna: The TV Series.
Makikita naman sa poster ang gumuhong gusali na mistulang nag-anyong "emblem" ni Darna o ang kanyang headdress.
Sa likod nito ay makikita rin ang anino ng imahe ng Pinay superhero na lumilipad paitaas habang ang kanyang kamao ay nakataas patungong kalangitan.
Mistulang napapaligiran din ng mga sirang gamit at mga bato, partikular ng isang jeepney, ang gumuhong gusali na kung saan ay makikita ang isang ahas na gumagapang patungo sa kinaroroonan ng anino ni Darna.
Tila sumisimbolo ang ahas sa pinakamatinding kalaban ni Darna, si Valentina.
Ang gumaganap na Darna sa ABS-CBN series ay si Jane de Leon, habang si Janella Salvador naman ang Valentina.
Kasama rin sa cast si Joshua Garcia bilang Brian Robles at Zaijian Jaranilla bilang Ding.
Sina Chito Roño at Avel Sunpongco ang mga direktor ng Darna: The TV Series.
NETIZENS' REACTION
Samantala, maraming fans ang nag-post sa social media na hinangaan ang teaser poster ng Darna: The TV Series.
Ang ilan sa kanila ay namangha sa anila'y mala-"Hollywood" na teaser poster, dahilan para mas ma-excite sila sa tuluyang paglipad ni Darna.
Narito ang ilang mga komento sa Facebook at Twitter:






