Watch Now

Eat Bulaga! welcomes Beauty Gonzalez as guest co-host

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 14, 2022
beauty gonzalez eat bulaga
Longest-running noontime show Eat Bulaga! warmly welcomes its new guest co-host Beauty Gonzalez.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Mainit ang naging pagtanggap ng Dabarkads at Eat Bulaga! hosts sa Kapuso actress na si Beauty Gonzalez.

Noong July 12, 2022, masayang winelcome nina Jose Manalo, Allan K, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, at Maja Salvador si Beauty bilang bago nilang guest co-host.

Bago siya ipakilala ni Allan K, nagbiruan pa sina Maja, Ryan, at Jose kung may tatalo pa raw ba sa beauty ni Allan K.

Tinawag ni Allan K si Beauty gamit ang salitang bisaya: "Dai, dai asa na man ka dai?" ("Inday, inday, nasaan ka na Inday?")

Agad namang lumabas si Beauty na nakasuot ng orange dress at rubber shoes.

Bati ni Beauty, "Hello, mga Dabarkads! It's me, I'm happy to be here.

"Maayong udto ninyong tanan." (Magandang tanghali sa inyong lahat.")

Dagdag pa niya, "Masaya ako na nandito ako ngayon."

Hindi naman nawala ang knock-knock entry ni Miles na, ayon kay Beauty, ay talaga namang inaabangan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nako inaabangan ko talaga itong knock-knock ni Miles," sabi ni Beauty.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinaabot ni Beauty ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nag-abang at tumutok sa unang araw niya sa longest-running noontime show sa Pilipinas.

Ini-upload ng Eat Bulaga ang video ni Beauty habang nagpapasalamat sa lahat ng Dabarkdas na nakisaya at tumutok.

Mensahe niya: "Hi, Dabarkdas, it's me Beauty Gonzalez at maraming-maraming salamat sa lahat ng sumama sa amin ngayon. Thank you, see you tomorrow."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikina-excite at ikinasiya naman ng Eat Bulaga! viewers ang pagiging guest co-host ni Beauty.

Narito ang ilang mga komento:

Beauty

BeautyBeautyBeauty

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 11, 2021 ay opisyal na kinilala bilang bagong Kapuso si Beauty matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA network.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Longest-running noontime show Eat Bulaga! warmly welcomes its new guest co-host Beauty Gonzalez.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results