Masayang-masaya si Bianca Umali na more than 109,000 na ang subscribers niya sa YouTube.
Taong 2015 nang i-create ang channel, pero six months ago lamang siya puspusang nag-upload ng vlogs.
Sa pamamagitan ng email ay nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca kanina, July 22, 2022.
Panimula ng Kapuso star, “I am happy and blessed to have my subscribers. Never expected that I would succeed in YT.
"Pero ito ako ngayon, masayang-masaya to share bits and pieces of who I really am behind the camera through my videos.”
LOYAL KAPUSO
Mula pagkabata ay Kapuso na si Bianca.
Taong 2009 nung pinasok niya ang showbiz. Nine years old siya nung naging part siya ng Tropang Potchi at gumanap bilang isa sa mga orphans sa Darna.
Masaya ang 22-year-old actress sa estado ng kanyang career.
Aniya, “Mahal ko ang home network ko. Ang GMA ay masasabi ko na isang malaking parte ng buhay ko.
“Kung hindi dahil sa pagmamahal, tiwala, at pag-aalaga nila, I wouldn't be where I am.
“I have been, I am, and will always be a proud Kapuso.”
Isa ring prized artist ng Sparkle si Bianca at sabi nga niya, “I would like to believe that it is because of how much I love what I do [in] the industry and how dedicated I am in doing everything.”
UPCOMING PROJECTS
Marami na ang nag-aabang sa Halfworlds na proyektong fantasy series (Season 3) ni Bianca para sa HBO Asia, ano na ang latest tungkol dito?
Aniya, “Halfworlds S3 is currently in post-prod. I believe that they are finishing up sa editing. The last time I heard, hopefully, we might air by the third quarter of this year.”
May iba pa bang projects si Bianca sa GMA-7 na aabangan ng kanyang fans and supporters?
“Aside from Halfworlds on HBO, please watch out for All-Out Sundays and another big project that I am preparing for that I cannot disclose yet. Soon!”
Maraming nagalingan sa martial arts training niya recently sa isang video na nag-trending. Paghahanda na ba ito sa susunod niyang project?
"Yes. :)," mabilis na tugon ng aktres.
Samantala, ngayong Sabado, 7:15 p.m. ay guest si Bianca bilang si Mandy at Rob Gomez bilang Marco sa Jose & Maria’s Bonggang Villa ng GMA-7.

Sa kuwento, parehong multo ang mga exes nila na sina Kristoffer Martin at Arra San Agustin na ginugulo sina Mandy at Marco para maghiwalay.
Mga bida sa Jose & Maria’s Bonggang Villa ang mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa direksiyon ni John "Sweet" Lapus.
