PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos ends stint as guest co-host of Magandang Buhay

“Mami-miss ko ito. Mami-miss ko silang lahat."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 26, 2022
Judy Ann Santos
Judy Ann Santos: “Mami-miss ko ito. Mami-miss ko silang lahat... pero more than anything, grateful talaga ako sa tiwalang ibinigay ng ABS-CBN sa akin. At sa lahat ng mga momshies na nanood at tumutok, maraming-maraming salamat po.”
PHOTO/S: @officialjudayph Instagram

Napuno ng saya at pasasalamat ang pamamaalam ni Judy Ann Santos bilang guest host ng morning talk show na Magandang Buhay.

Noong June 21, 2022 nagsimula bilang guest host si Juday sa Magandang Buhay nang palitan nito pansamantala si Regine Velasquez-Alcasid na naghahanda noon para sa Iconic concert nila ni Sharon Cuneta.

Read: Judy Ann Santos returns to TV via Magandang Buhay

Sa Instagram account ng naturang programa noong Sabado, July 23, 2022, ipinost ang video ng huling araw ni Juday sa Magandang Buhay kasama ang kanyang mga co-host na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Sa video ay ikinuwento ni Juday kung gaano siya ka-excited at kasaya na maging parte ng programa.

Aniya, “Sa totoo lang, nung tinanong nila ako kung puwede akong mag-guest co-host, nandoon naman talaga yung initial reaction na excited ako pero parang mas nangibabaw yung nerbiyos.

“Kasi, parang ilang taon na akong hindi nagla-live show. Tapos, hindi rin naman talaga ako host. Tapos, morning show siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Though naggi-guest ako sa Magandang Buhay, iba kasi yung guest, iba yung host ka.

“So, alam kong iba yung responsibility na iyon.”

Ayon pa kay Juday, malaking tulong ang kanyang mga kasamahan at ang mga nagiging guest ng programa kung kaya’t madali siyang nakapag-adjust at naging komportable.

“Napaka-welcoming kasi nilang lahat. Napakakomportable ng stint ko rito sa Magandang Buhay.

“Ang sarap makipag-usap sa mga guest. Ang saya ng set. Ang gaan ng trabaho.

“Matagal man akong hindi lumabas sa TV, ang bilis kong kumalma. Ang bilis nila akong naalalayan. Hindi ako pinabayaan ni Melai, hindi ako pinabayaan ng staff, ni Jolina.

“Nakaalalay talaga sila sa akin kung paano, kung saan galing yung mga guest, ano yung history nila, kasi wala rin naman akong alam.”

Pag-amin din ng tinaguriang Reyna ng Teleserye, ibang-iba ang morning talk show sa kanyang dati at naunang mga project kaya naman na-enjoy niya ang kanyang pagtatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalahad ni Juday, “Ang sarap magtrabaho kung yung setting ay ganito, yung masaya lang, walang stress.

“Gusto mo talagang pumasok kasi alam mong uuwi ka nang nakangiti. Yung alam mong pagod ka pero ang saya mo, napagod ka sa kakatawa.

“Parang minsan lang kasi mangyari iyon, madalas kasi napapagod ako sa pag-iyak.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanyang huling araw sa programa ay bumuhos ang pasasalamat ni Juday sa ABS-CBN sa ibinigay sa kanyang tiwala na maging guest co-host.

Mami-miss daw niya ang kanyang mga co-host, staff, at lahat ng mga kanyang nakasama.

Dagdag pa niya, “At sa lahat ng mga momshies na nanood at tumutok, maraming-maraming salamat po.”

Kahapon, July 25, bumalik na si Regine sa kanyang hosting stint sa Magandang Buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos: “Mami-miss ko ito. Mami-miss ko silang lahat... pero more than anything, grateful talaga ako sa tiwalang ibinigay ng ABS-CBN sa akin. At sa lahat ng mga momshies na nanood at tumutok, maraming-maraming salamat po.”
PHOTO/S: @officialjudayph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results